Chapter 32

7.3K 121 27
                                    

“S..Sir? Eto ba talaga kakantahin ko sa Grand Finals?” tanong ni Renz sa literature professor nito ng makita ang music sheet na ibinigay nito sa kanya.

“Precisely! Bakit Mr. Villon, may problema ba?” sarkastikong tanong ng prof.

“Ahh, wala, wala po sir.” Sagot ni Renz.

“Ok, that’s all for today. Bukas mo na iistart ipractice yung song na yan. Bye.” Pagpaalam ng prof kay Renz at lumabas na ito ng music room.

Tinitigan ni Renz ang music sheet. Napamukmok. Napatingin ito sa wall clock ng room at nakita na mag aalas siyete na ng gabi kaya naman inayus na niya ang mga gamit at umuwi na sa dorm.

Sa hagdan ng dorm ay nakasalubong niya si Lyndon na paalis at may hawak na gitara. Nang makita siya ni Lyndon ay nginitian niya ito.

“Oi, Renz. Di ka ba pupunta sa amin? Hindi ka ininvite ni Kuya?” tanong ni Lyndon habang pababa ng hagdanan.

“Ahh, yun, ininvite. Pero di ako pwede ngayon eh. Ano nga palang meron sa inyo? pag-usisa ni Renz.

“Wala naman, Birthday lang ni Kuya, heto nga’t pinapadala sakin yung gitara niya.” Sagot ni Lyndon. Parang tumigil ang oras nang marinig ni Renz ang sinabi ni Lyndon. Nabigla ito at biglang nakonsensiya.

“Bi..Birthday.. ni.. Miko ngayon?” gulat na tanong ni Renz. Tumango lamang si Lyndon. Bigla namang dumating ang caretaker ng dorm at nilapitan si Lyndon.

“Ahmm, excuse me. Lyndon, maniningil nap ala ako ng bayad para sa buwan na to.” Magalang na tugon ng caretaker dito.

“Ayy, oo nga ho pala. Sandali lang po, kukunin ko sa kwarto yung bayad.” Sabi ni Lyndon at dali dali umakyat pabalik sa kanyang kwarto, isinandal nito ang bitbit na gitara sa gilid ng pintuan ng kwarto.

“Akyat na po ako.” Pagpaalam ni Renz sa caretaker.

Nang makaakyat na si Renz ay saka namang baba muli ni Lyndon upang magbayad sa caretaker. Napansin ni Renz na naiwan ni Lyndon ang gitarang kanina ay kanyang bit-bit. Tatawagin sana ni Renz ito, ngunit napansin niya na aakyat pa naman ulit ito, kaya naman pumasok na ito ng kanyang kwarto.

“Thank you ha.” Pagpapasalamat ng caretaker matapos magbayad ni Lyndon.

“Thank you din po. Sige po akyat po muna ako. Naiihi na po ako eh” pagpaalam ni Lyndon at dali dali umakyat at agad tumungo sa CR.

Matapos nitong magtungo sa CR ay bumalik muli ito sa kwarto at kinuha ang bag at saka inilock ang kanyang kwarto at nagmamadaling lumabas ng dorm. Nalimutan niya ang gitara ni Miko.

---------------------------------------------------------------

“Birthday niya pala ngayon. Kaya pala ganoon na lamang niya akong pilitin. Pero anong ginawa ko? Inaway ko pa. Tsk.” Pagsisi ni Renz sa sarili habang nakaupo sa kama.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon