Chapter 8

10.2K 162 6
                                    

“Kumusta klase?” biglang tanong ni Mark kay Renz.

“Uy Mark nandiyan ka pa pala.” Nabiglang sabi dito ni Renz. Nadismaya ang mukha ni Mark sa sinabi ni nito.

“Hindi niya ako napansin.” Malungkot na sabi nito sa sarili. Lumapit si Miko sa dalawa ngunit agad siyang hinirangan ng tanong ni Mark.

“Nahiram mo na yung hinihiram mo? Bilisan mo, para sabay na tayo umuwi.” Tanong ni Mark.

“Ahh, sige, una nako.” Pagpapaalam ni Renz at agad agad ding umalis. Sandaling tiningnan ng masama ni Miko ang kaibigan na nakangisi naman sa kanya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

“Anak kumusta na?” ang tanong ng ina ni Renz sa kabilang linya ng telepono. Ikinuwento ni Renz dito ang mga nangyari simula nung magumpisa ang klase hanggang sa mga nangyari kanina.

“Parang ang saya ng boses mo anak.” Ang tanong ng kanyang ina.

“wala lang ma, maganda lang talaga ang mood ko.” Sagot ni Renz.

“Abah! Maganda yan anak, at least ngayon nakakatawa ka na di tulad dati. Siguro may nililigawan ka na noh?” usisa ng ina. Nabigla naman si Renz sa sabi ng ina.

“Wala wala. Sige na, matutulog na ako.” Pagtanggi ni Renz.

“Osige, ay siya nga pala nak, gusto daw pumunta ng kapatid mo diyan sa tinutuluyan mo, wala daw kasi silang pasok next week, may tour daw ang klase nila, at nakapunta na daw siya sa pupuntahan nila.”

“Sige sige, tetext ko na lang siya ma.” At nagpaalam na ang mag-ina sa isa’t isa.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maiging pinagmamasdan ni Mark ang bawat larawan nila Renz at Miko na kinuhanan ni Karen. Hindi siya nagkamali sa unang hinala na may gusto ang dalawa sa isa’t isa. Hindi mainda ni Mark ang sakit na nararamdaman habang nakikita ang mga larawan, inilalabas niya ang galit sa pamamagitan ng malakas na pagclick nito sa mouse.

“Hahayaan ko nalang ba sila? O Ipipilit ko na ako ang magustuhan ni Renz?” tanong nito sa sarili.

“Hindi.”

“Ipaglalaban ko nararamdaman ko para kay Renz. Kahit masakit!” pahiwatig niya sa kanyang sarili.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malelate na si Renz at malapit na siya sa 4th floor kung saan andoon ang room niya sa kanyang literature class nang tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello.” Bati ni Renz

“Renz, nasan ka ngayon?” tanong ng nasa kabilang linya.

Kahit Di Na Malaman (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon