Phase 2 - (Whatever her name is)

3.3K 122 2
                                    

Napataas-kilay ito.

"Creepy, huh?" Sabay tingin nito sa labi ko.

Mabilis pa sa alas na tinalikuran ko ito. Bigla yatang kinabahan ako dun ah. Bakit ganon?

Natapos ang klase namin na matiwasay. Walang gulong nagaganap dahil na rin siguro sa bagong ka-klase namin. Mukhang nagpapa-impress yata ang mga gonggong kong classmate. Hmpf!

Impress, huh! Mas maganda pa rin ako sa kanya. Maputi nga lang siya pero mas maganda pa rin ako. Tss.

"Oh, anyare sayo? Nakabusangot ka jan?" Inirapan ko lang ang lukarit.

"Wala kang pake!" Sabay hablot ng bag ko. "Makaalis na nga. Nakakasuka ang baho dito!"

"Woah-! Sinong di nakakaligo sa inyo, guys?" Agaw pansin ni Santy sa mga ka-klase namin. Tuloy napatuon ang atensyon ng lahat sa direksyon ko.

Kanya-kanya pang amuyan sa kili-kili ang mga ito. Napaikot ako ng mga mata. Loko-loko talaga!

"Sinong mabaho, Cyd?" Aba't- muntanga lang talaga tong lukarit na to. Naki-amoy na rin sa kili-kili nito. "Di pa naman gaanong mabaho." Sabay nagkatawanan ang lahat sa sinabi nito.

I just rolled my eyes.

"Wag kayo, guys! Tinutopak lang yan! Alam nyo naman ang sakit ni Cyd!" Anunsyo ni Nelibet sa lahat. Mapang-asar rin na tinignan ako. Muling nagsibalikan sa kani-kanilang ginagawa ang lahat matapos ipagsigawan nito ang sakit kuno ko. Tss.

"Hi, ganda! Exit pala!" Napataas kilay ako sa narinig. Nagpakilala lang naman ang isa sa mga ugok kong klasmeyt kay... whatever her name is! Pake ko?

Nagbigay matamis ngiti naman itong nasa likuran ko. Tuloy lumabas ang malalim na magkabilaang beloy nito sa pisngi. Tapos ang ganda talaga nung ngipin nito. Ang puti-puti tas medyo may kalakihan yong dalawa sa may unahan na mas lalong nakapagpakuha ng pansin ko.

"Kelsey Mutso." Sabay abot ng kamay nito kay Exit.

"Ang lambot mga Pre!" Tila kinikilig pang wika ni Exit. Napaikot ako ng mga mata. Aktong tatalikuran ang mga ito.

"Kelsey! Pwedeng manligaw?" Kahit nasa malapit ay sigaw  naman ni Warex. Nakikipagkilala rin kasi ito dito kay... whatever her name is.

"Sorry, pare. Di tayo talo." Sagot ni whatever her name is on her sweet yet cold voice. Pero para siyang naging husky sa pandinig ko.

Pero ano raw?

Yong magulong ka-klase ko bigla namang natahimik. Laglag panga pa ang mga itong nakatingin sa iisang direksyon. Halos lumuwa rin ang mga mata ng mga ito sa sobrang pagkagulat.

"Really, guys. I hope we all can be friends here. At sana hindi magiging hadlang pagiging lesbian ko" sabay kindat nito kay Warex. "...sa pagkakaibigan nating lahat." Nakangiting sabi nito.

Tahimik pa rin ang lahat.

Nang mabaling ang mga mata  nito sa'kin. Wala sa oras na napaiwas agad ako ng tingin dito at piniling lisanin ang silid na yon. 

"Walang problema! Ayos! Mukhang madadagdagan na naman ang tropa!" Narinig ko pang pagsisigaw ni Santy sa loob.

~~°~~

     
"Nga pala, Pareng Kelsey. May inuman mamaya sa apartment ni Pareng Exit. Baka gusto mong maki-jam? Malapit lang dito sa Greenery." Narinig kong boses ni Jomar.


Ew. Pareng..... what?









So? Tropa na niya ang mga kulukoy na to? Tss. Ibang klase talaga.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon