Phase 11 - (see yah later)

1.6K 89 7
                                    

"Ano ba?!?" Pabalyang itinulak ko ang walangyang impakta. "Problema mo, ha?" Kainis lang! Kung makahila tong bwiset na to akala mo talaga close kami! Neber! Kahit magkuskos pa siya ng ilang kaldero. Hinding-hindi ako papayag na mapalapit sa isang hitad! No- makating hitad!

Hinding-hindi ko rin palalampasin ang impaktang to sa kalapastangang ginawa niya, bwiset siya!

    

I need revenge!

I heard the door slammed. Aktong bubuksan ko uli ito ngunit maagap naman nitong na lock ang lahat ng pinto. Bwiset!

"HOY-! Palabasin mo 'ko!" Singhal ko dito. Nakakapang-init yong mukha! Sarap niyang balatan!

"Hey. Hey. Calm down. Okay? I won't bite you naman. May pupuntahan lang tayo." Nakangiting sabi ng isang makating hitad!

"What? Baliw kaba?" Wala sa oras na natanong ko naman.  Anong akala niya? Basta-basta nalang akong sasama sa mga katulad niyang.... eww! I can't even mention about it. Nakakadiri! "Pumunta kang mag-isa!"

Umiling ito.

"Put on your seatbelt-"

"At bakit naman kita susundin?" Napahalukipkip kong tinaasan ng kilay ang bwiset na to. "Tingin mo ba... talagang sasama ako sayo? Para ipaalala ko lang sayo- hindi ako nakikipag-usap at lalo ng hinding-hindi ako basta-basta sumasama sa mga taong hindi ko... kilala." Sabay bigay ko ng diin sa huling salita at matching turo pa sa sarili nito.

Pinangunotan ko naman ito ng noo nang makita ang amusement sa mga mata nito. Punyeta! Tusukin ko kaya yang mata niya!

"You're funny." Anito sabay iling ng ulo.

Mas lalong kumukulo at umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. "Funny- mukha mo! Buksan mo na 'to- bwiset ka!"

"Will you stop it. You're breaking my car-"

"Wala akong pake! Bubuksan mo ba 'tong pinto o tuluyan ko ng sisirain to?" Babala ko.

Huh! Sabi ko nga, wala akong pake kahit pa mamahalin tong kotse niya! Anong akala niya sa'kin? Takutin niya lola niya wag lang ako, noh!

Tumaas naman ang kilay nito. "Is that a... threat?" Pagkaraa'y ika nito.

I gave her a wicked smile. Nagkatitigan kaming dalawa animo'y sinusukat mula sa mga mata namin ang aming katatagan.

"Alright." Saka nagsimulang magmaniobra ito.

"A-Anong alright?" Hoy- di mo ba ako narinig? I'm gonna break your f*cking door kapag-"

"Like I said, alright. Do as you please. Someone's going to pay it naman." Balewalang sagot naman nito.

Ano raw?

May nakalimutan yata ang impaktang to at ipapaalala ko lang sa kanya. O, baka isampal ko kaya sa pagmumukha niya?

"To remind you..." what was her name again? Can anyone f*cking tell me kung anong pangalan ng hitad na to? "Baka ma-disappoint ka lang? I'm not the rich kid you think I am." Nasabi ko nalang. Huh! Baka umiyak nalang siya ng bubog dahil nunca na may mahihita siya sa'kin!

Nagbigay ngisi lang ito.

"Oh, I know you." Makahulugang sabi naman nito.  

Can't help but to mock her. "Wag kang feelingera dahil di tayo close." Kapal ng mukha! Kahit nga mga ka-close ko o mga kaibigan ko nga bang tawag sa mga ito ay walang kaalam-alam sa tunay kong pagkatao. Huh! Siya pa kaya?

Ano siya hilo? 

"Believe me or not. If you keep on barging and being wild. It should be a price. And if you can't, someone will. Its quite a car. And you know that." Babala nito ngunit kaakibat ang kakaibang kislap sa mga mata at tonong sinasabi nito.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon