Phase 8 - (Karma)

1.6K 88 3
                                    

"Ugh! Nakakainis talaga ang malanding 'yon! Akala siguro niya di ko siya uurungan? Pwes! Nagkakamali siya!" Palabas na ko ng Auditorium at iniwan ang... ang... well, the hell I care with that... bitch! Tamang-tama lang ang ginawa ko sa kanya.


Hanggang ngayon ay di ko pa rin mapigilan ang sariling di mapatawa dahil sa naging reaksyon ng malanding yon.

Ang epic ng mukha!

Serve her right! Sigaw ng isipan ko naman. Nang biglang matapilok naman ang paa ko at napa-"Aray!" ako sa sobrang sakit.

What?!?

"Bwiset!" Frustrated kong binato ang sapatos ko ng mapansing nabali pala ang takong nito. Ngunit, ganoon na lamang ang pagkatigil ko ng biglang may huminto na sasakyan sa harap ko. Muntikan ko na kasing matamaan ang kotse na iyon.

"Miss. Okay ka lang?" Anang isang lalaki na bumaba at kinuha pa nito ang sapatos ko. "Sayo ba to?" Muling tanong pa nito.

Alanganing tumango ako dito. Saka inabot ang sapatos ko matapos nitong suriin.

"Her shoes got ripped and broken." Anang kaharap ko na tila may binubulong ito sa may tenga nito. Kunot-noong napasulyap naman ako dun sa kotseng sinasakyan nito. "Okay, Miss. Sa susunod, mag-iingat ka." Magalang nitong sabi at paalam sa'kin na ikinapagtataka ko.


What was that?

May iilang SUV rin ang nakasunod sa kotseng pinasibad nito at sa pagkakaalam ko ay lima iyon.

Wait-

could that be...

the President?

Bahagyang ikinagulat ko ang naisip kong posible nga kayang ang President o CEO iyon. I heard, tanging ito lamang ang may mga ganoong klaseng sasakyan. Ang sabi-sabi ay minsan lang daw dumadalaw sa Greenery ang President. Wala ring nakakaalam kung sino o ano ito. If lalaki ba o babae. Lahat nga curious talaga sa kung sino ito. Dahil masyadong pa-misteryosa or misteryoso ito.

And... hell? Ano nga ba ang pake ko? 

Paika-ikang ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

Nakakainis!

   

"Anyare sayo?" Si Nelibet nang mapansin niya ang naging kalagayan ko. Isang irap lang ang isinagot ko bago naupo at muling sinuri ang suot na sapatos. Nasa gilid kami ng Greenery field. Malawak ito at may mangilan ngilan ring tumatambay, yong iba nagpapraktis ng iba't-ibang uri ng sports. Like badminton, football, etc... may nag-iingay rin sa kabilang field, ang mga pesteng cheerdance na yan na wala namang ibang ginawa kundi ang magsisigaw. Tss.      

"Bwiset talaga!" At inis kong itinapon uli iyon. Walang pakisama! Kung kailan wala pa naman akong pambili saka naman bibigay ang pesteng sapatos na to! 



"Cyd!" Anang isang boses na mas lalong nagpa-init ng ulo ko.

"Ano?!?"  Nanlilisik na mga matang nilingon ko ang may nagmamay-ari ng boses na yon.

Si Ms. Porn. Yeah, mas prefer ko ang tawagin itong Ms. Porn dahil sa natuklasan ko dito kanina. My god! Kababaeng tao nanonood ng mga... urgh! Hindi ko na dapat pang isipin ang mga bagay na ganoon.

Gumuhit agad ang takot sa mga mata nito. "Ah, M-May naghahanap s-sayo?" Sabay kamot ng ulo nito. 

"Ba't patanong yang sagot mo?" Ang sabi nitong lukarit na nasa tabi ko dahil inikotan ko lang ng mga mata ito.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon