Phase 3 - (Spell tanga?)

2.6K 117 2
                                    

"Okay class! WAP on this output, individual." Ani ni Prof. Enigo.

Napatuwid ako sa kinauupuan ko. What? Program na naman?

"Sir? Di ba pwedeng by group nalang?" Di mapigilang reklamo ko. Ano ba yan!

"Tama si Cyd. Sir, by group nalang!" Buti naman at naki-ayon ang mga ka-klase ko. Btw, nasa 3rd level na ako sa kinukuhang Bscs. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ito yong kursong kinuha ko. Minsan talaga, di ko kilala ang sarili ko. Tss.

"No! Easy lang naman to kaya kayang-kaya niyo na to." Napanguso ang mga ka-klase ko sa tinuran nito.

Sinamaan ko naman ng tingin ito. "Okay. But- not a group. You'll make it by partners." Kapansin-pansin ang tinging ipinukol ni Prof. Enigo sa'kin.

Fine!

"Ibang klase ka talaga!" Wika ni Nelibet nang makalapit sa'kin. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

"Anong ginagawa mo?" Mataray kong tinaasan ng kilay ito. Baka nakakalimutan niyang may atraso pa siya sa'kin. Huh!

"Ay- Oo nga pala! Makaalis na nga!" Wala sa oras na napatayo ako at kinabahan nang makitang umupo ito katabi ni Minai. Nagwave pa ang lukarit!     

"Ms. Maldhete? Nasa'n na ang partner mo?" Tanong ni Prof sa'kin.

Kumibit-balikat lang ako. "I don't know, Sir." 

"Ibig-sabihin mag-isa kang gagawa ng activity ngayon?" Nakangising tanong ulit nito. Sukat para tumatak sa utak ko ang magiging kahihinatnan ko sa mga oras na to.

Marahas kong inilibot ang mga mata sa paligid ko. No way! Kailangan may makakasama ako sa paggawa ng lecheng program na to!

"Looking for me?" Anang boses sa likuran ko.

"Oh, Ms. Mutso. Wala ka ring partner?" Anang si Prof. Napalingon tuloy ako sa may likuran ko.

"Not anymore, Sir." May kung ano sa labing sagot nito habang nakapinid pa rin ang mga mata nito sa'kin.

"Okay. That's settled then. Ms. Maldhete, you may take your seat now." Alanganing sumunod ako kay Prof. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni.... what was her name again?

Nah, nevermind.

"Staring is rude, you know." Nangingiting wika nito at bigay kindat pa na binalingan ako ng tingin nito.

Napasinghap ako.

"What the hell?!?" Sa sobrang gulat ko, marahas akong napatayo. Bigla rin akong kinabahan sa ginawa nito.

Nagtaas-kilay naman itong napaangat ng tingin sa'kin. "Ms. Maldhete? Is there any problem?" Pukaw ni prof na ikinatawa naman ng mga kaklase ko.

"Sir!"

"Yes? What is it?" Takang tanong nito at napahinto sa pagsusulat sa white board.

"Gusto ko po ng iba ang partner ko." Walang paligoy-ligoy kong sabi. Di baleh ng iba basta wag lang ang... malanding to. Kinikilabutan ako sa pakindat-kindat niya! Eww lang!  

"Sinong may gustong makipagpalit ng partner para kay Ms. Maldhete? Meron ba?" Good. Madaling kausap pala tong si prof. Di nako mahihirapan pa para maiwasan ko ang... whatever her name is.

"None, Sir! Ayos na kami dito!" Halos pare-parehong sagot naman ng mga kaklase ko.

Teka...

Sinamaan ko nga ng tingin ang mga kurkunghong to. Tss. "Tingin ko, magkakaproblema tayo jan, Ms. Maldhete." Nakangising wika naman ni prof. Tss. Mukha mo, sir!

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon