Phase 16 - (who you ka rin!)

829 58 3
                                    

"MANG ROLANDO?"


Isang babae ang lumabas mula sa loob ng isang magarang sasakyan.

"Ma'am," yumukod ang lalaking komompronta sa'min ni Nelibeth. Base sa pagalang ng may edad na lalaki, hindi kaya ito ang amo niya?

Hindi naman imposible iyon dahil mapapansin din naman sa kasuotan ng babae. May pagtatakang lumapit ito sa amin.

"Anong nangyari..." ngunit agad din itong natigilan.

"Ma'am Zynaida, sila po yong dalawang estudyante na tumawid kanina--"

"Excuse us, Manong kuya. Hindi pa po kami nakatawid kung makikita nyo, nasa gilid pa ho kami ng kalsada." putol ng kaibigan ko.

Halata naman na ikinainis iyon ng driver.

Ngunit pansin ko ang kakaibang tingin na ibinibigay sa'kin nung babaeng nagngangalang Azynaida? Zelaida? Tsk. Whatever.

I raised my brows nang makita ko ang pagtutok ng mga mata nito sa id ko.

Tinakpan ko ito.

Isang tipid na ngiti lang ang isinukli nito.

"Are you ladies, alright?" tanong nito.

"Ah! Yes, Ma'am. We're pefectly fine. Diba, Cyd?" Siniko ako ng kaibigan ko.

Kumibit-balikat ako sa mga ito saka napatuon ang mga tingin sa pinanggalingan kung saan nakahimpil ang magarang sasakyan.

"Cyd Maldette?" baling nito, titig na titig sa mga mata ko. Base sa pagkakabanggit niya sa pangalan ko, pakiramdam ko ay sanay na sanay na ang dila nitong tawagin ako.

Napayakap ko ang mga braso sa unahan.

"Of course. As you can see, hindi nyo naman kami binangga or sinagasaan," mapang-uyam kong sagot.

"Hoy-- babae. Anong problema mo?" Marahang pagsiko ni Nelibeth sa'kin. "Ah--- Ma'am? Pagpasensyahan mo na tong kaibigan ko. Yup. Super okay naman po kami!" hilaw na pagsang-ayon nito sa huli.

Sumilay naman ang mga ngiti nung babae at aliw niya akong tiningnan.

"Fiery. Well. Mabuti kung gayon. Sorry to disturb you, ladies. Btw, here's calling card. You can both catch me up kapag kailangan nyo ng tulong--"

"Thanks. But-- no thanks. Hindi namin kailangan yan," maagap kong putol saka binalik dito ang inaabot nito. Ikinagulat naman iyon nilang tatlo.

"Oy, Cyd! Ano kaba?" sita ni Ebet na di ko nalang binigyang pansin. Tss. "Ah-- akin na po Ma'am! S-Salamat po dito! hihi."

Napaikot ang mga matang napabuga ako ng hangin.

Umalis na sa harap namin ang mga ito. Subalit, may kung anong nag-uudyok sa'kin na manatili ang aking mga mata sa direksyon kung saan nakahimpil ang kotse ng mga ito.

"Oy! Tinitingnan mo?"

"Malamang? Nagpakatalino mo talaga." Sa huli ay nagbawi ako ng tingin at naunang maglakad.

"Grabeh kana. Parang nagtatanong lang. Yong mga tingin mo kasi. Tsk. Parang anlalim e." Ika ni Nelibet.

Napatigil ako saka tiningnan ito.

"Oh? Bakit?" Untag nito.

Napabuga nalang ako ng hangin saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Ako man din ay di maintindihan ang sarili ko. Para kasing... may... mali e.

"Anong mali?"

"Ha?"

"Sabi mo may mali? Ano ba yon?" Takang naitanong nito.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon