Phase 15 - (Serves you right, bitch!)

1.2K 80 9
                                    

THIRD PERSON





"THAT Whore is back! Just make it sure na hindi makakalapit ang babaeng yan sa apo ko! Dahil kung hindi... lahat kayo makakatikim sa'kin! Nagkakaintindihan ba tayo dito?" Don Luis Feinstein said.

Lahat ay nasindak dulot ng galit ng matanda. Nakayuko ang ulo at mapapansin sa mga mata ang pag-aalinlangan na salungatin ang kagustuhan ng matandang Don.

"Are we all clear?!?" Ulit nito.

"Yes, Mr. Chairman. We'll double our men to secure the area. We'll send more henchman to follow her everywhere." si Mr. Dicallos. Isa ito sa mga board ng naturang prehisteryosong paaralan at ang kasalukuyang head of security.

Ngunit ang sinabi nito ay hindi sapat upang maibsan ang nadarama ng Don. Naisip nito na hindi iyon magiging batayan upang maging kampante ang lahat. Ang kaalamang nagbalik na sa Pilipinas ang taong noo'y kinakabaliwan ng anak na siyang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. Walang ibang naisip ang Don kundi ang gawin ang lahat mailayo lamang ang natitirang pamilya mula sa taong iyon.

A young lady raise her hand. Lahat ay natigilan at napatuon ang mga tingin sa kinaroroonan nito.

"Ms. Mutso?" The Chairman called.

Tumayo ang magandang dalaga at mababatid ang katapangan sa mga matang sinalubong nito ang bawat tiningan ng lahat na naroroon. Habang may malapad na ngiti naman ang katabi nito.

"I apologized. Mr. Dicallos, that was a good idea but... lady Feinstein wasn't aware of this. Kapag napansin niyang may umaaligid sa kanyang mga henchman." The young lady went her gaze to the oldman, Don. Feinstein, na maiging nakikinig rin. Tila mababatid ang pagkabahala sa mga matang na siyang ipinaparating ng dalaga. "Sigurado, magkakaproblema tayo. She isn't that typical girl na basta-basta mo lang mababantayan. It could lead us to another knot. Ms. Feinstein is a clever girl, brave and... uh, well.. ahem s-smart." May pag-aalinlangang ika nito sa huling salita. Maririnig naman ang paghagikgik ng katabi nito. Na binigyang katugon lang ng dalaga ang pag-iikot ng mga mata.

Sandaling napapaisip ang lahat maliban sa nasa tuktok ng naturang mahabang mesa na nandodoon.

"So, what do you propose?" The Chairman asked.

Nagtatanong ang mga matang hinihintay ng lahat ang magiging katugon ng dalaga.

Kampanteng hinarap nito ang chairman, saka marahang inilibot ang mga mata sa bawat mukhang naroroon.

"I'll be the one... watching her." She response.


***

At the airport...







"WELCOME back to the Philippines, Ma'am." Magalang na sinalubong ng matandang driver na si Mang Rolando ang isang sopistikadang babae na nakasuot ng eleganteng damit.

Taas-noong inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng naturang paliparan. Dahan-dahan itong bumaba mula sa pribadong eroplano.

Habang nanginginig at nangingimi naman na inalalayan ng mga tauhan nito ang magandang babae. Iginiya ito sa isang magarang sasakyan.

"Magandang araw ho, Seniora." Bati naman ni Zynaida, ang sekretarya nito. Tango lang ang naging katugon ng babae. Pumasok ang mga ito sa loob.

"Nakahanda na ho ang lahat sa iyong pagbabalik. Lahat ng mga tauhan ay nagtulong-tulong upang maibalik sa maayos ang hacienda. Hindi aabot ng isang taon ay makakaahon na uli ang hacienda." ika ni Zynaida sa babaeng halos kanina pa walang imik. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana na wari ay may malalim na iniisip.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon