Phase 19 - (I'm not lying)

741 43 19
                                    

"HALINA kayo at nang magamot na yaang sugat mo, hija," anang matandang si Felipa na syang nakatagpo namin kanina sa gitna ng kalsada habang naghihintay ng himalang makaalis sa lugar na iyon. Kasama naman nito ang katipan na si Edilberto. May katandaan na ang mga ito at hindi iyon lingid sa hitsura't mga kilos nila.



Hapong naupo ako sa upuang gawa sa kahoy saka nailibot ang tingin sa kabuuan nitong bahay.



"Wala ho ba kayong ibang mga kasama dito, la?" Anang katabi ko. Maliit lamang ang tirahan at medyo may kalumaan na ang mga gamit.



"Nasa kabilang bayan si Consuelo, nag-iisang anak namin ni Berto kasama ang tatlong apo namin. Bumibisita naman dini yaong pangalawang apo ko si Emilia. Bukas na bukas ay ipapakilala ko sa inyo ang batang yaon," sagot ng matanda bago magpaalam na saglit.



Hindi ko na rin ito narinig na nagasalita pa.



Ramdam ko ang matinding pagkapagod sa araw na to. Idagdag pa ang mga nangyari. Sa wakas ay nakita ko na rin si Mama. Excited na akong makasama siya. Di ko man maintindihan kung bakit niya ginawa iyon, alam kong may malalim na dahilan at handa akong patawarin siya. Basta ba magkasama uli kaming dalawa.



"Cyd."



Napaangat ang mukha ko dito. May hawak itong mga damit at binigay niya iyon sa'kin. Nakapaglinis na pala ito ng katawan ngunit nanatiling nakatapis lamang gamit ang tuwalya ang katawan nito. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglipas ng oras sa lalim ng pag-iisip ko.




"Magpalit kana Ening at nang makapagpahinga na kayo. Kay Emilia yan at mukhang kasya naman sayo," anang matandang babae. Walang lakas na napatango nalang ako sa mga ito. Pagod ako. Buti nalang din at medyo umokay na rin ito. Ayokong mabuhay na pinuno ng pagsisisi dahil lang sa napahamak ito. Kargo de konsensya ko pa rin ang babaeng 'to kapag may masamang nangyari dito.



"Tara, nandito yong banyo nila," pagyakag nito. Sumunod na rin ako. Wala talaga ako sa mood ngayon na mag-inarte sa sobrang pagod. Isa pa, nakakaramdam na rin ako ng pagkagutom. "Dito lang ako sa labas maghihintay," anito. Nasa labas lang ang banyo ngunit katabi lamang ito ng munting bahay.



Hindi ako nagtagal sa loob ng banyo, malamig at nakakatakot sa sobrang dilim. Bukod sa sira ang ilaw ay pansin ko rin na butas ang bubong. Nakakatakot.



"Okay ka lang?" Anito nang mapansin niya akong lumabas.



"May butas 'yong bubong," nasabi ko nalang. Pansin ko ang pagkakapunit ng mga labi nito.


"Anong nakakatawa?" Taas-kilay kong tanong dito. Kaagad napatikom naman ito ng bibig. Ngunit, napapailing din. Bumalik kami sa loob ng bahay.



Lumapit ako dito at kinuha mula sa mga kamay nito ang hawak na bulak. "Ako na." Halata namang nahihirapan siya.



"Thank you," tipid itong ngumiti.



Hindi ako umimik sa halip ay seryosong ginamot ko nalang ang sugat nito. Isa sa mga rason kung bakit hindi ako lubos na nakakapagtaray dito sapagkat naaalala ko ang mga nangyari sa loob ng kotse kanina. Naguguluhan ako sa mga narinig ko kanina, sa totoo lang. Gustuhin ko man ito na tanungin ukol sa bagay na iyon ay nakakaramdam ako ng pag-aalinlangan at di matatawarang pagkailang. Isa pa magkahalong hiya at inis ang namayani sa puso ko ngayon. Ang isiping nakita niya ako sa ganoong kondisyon, ang umiyak sa harapan nito. Hindi ko talaga matanggap. Bwiset!


Tinulungan ko na rin itong makapagsuot ng damit. Medyo nahirapan pa kami dahil hirap na hirap itong iggalaw ang nasaktang balikat. Mabuti nalang at maluwag na bestida iyon. Nalabhan ko na rin ang mga damit namin kanina. Sana lang ay matuyo iyon agad.



Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon