Phase 17 - (Until I met her)

999 60 4
                                    




"ARE YOU OKAY?"






Tila doon lamang nagbalik sa reyalidad ang utak ko. Hindi pa rin ako makakapaniwala sa mga naganap. Kanina pa nakaalis ang kotse na sinusundan namin. At alam kong sakay ng kotse na yon ang aking ina. Pero paanong may armas ang may sakay sa kotseng iyon? Ang masaklap pa ay kamuntikan na kaming mapahamak mula nang paputukan kami ng baril nito.

"Hey. Okay ka lang?" Muling pukaw sa'kin may pag-alalang boses ng babae.

Mula sa kawalan, napadako sa kanya ang mga tingin ko.

"Okay lang ako." Maagap kong tinabil ang mga kamay niya sa balikat ko. Bahagyang napangiwi naman ito sa ginawa ko.

"I'm glad you're okay." Saka gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

Naweweirduhan man. Pinilit kong ibaling sa direksyon kung saan nakahimpil ang kotse ni mama.

Sa mga sandaling ito, mas pinupuno ng katanungan ang isipan ko. Imposibleng magagawa ni mama ang saktan ako kanina. Kahit ilang taon na kaming hindi nagkita o nagkausap. Kailanman ay hindi pumapasok sa isipan ko na gagawin niya ang bagay na iyon. Hindi niya magagawa yon! Hindi!

Pero kitang-kita ng mga mata ko kung paano itinutok sa kinatatayuan ko ang baril na hawak nito.


"Kung ang iniisip mo ay ang patayin ka ng mga yon. Mali ang iyong naiisip," pagkaraa'y narinig ko.


Pinangunotan ko lang ng noo ito. "Paano mo naman nasabi?" Hindi ko maiwasan ang mapataas ang kilay dito.


Bahagyang ibinaling nito sa kaliwa ang ulo. Nang mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy nito.


Wala sa sariling napamura nalang ako at inis na napahilamos ng mukha gamit ang aking mga palad.


"May spare tire ka naman, diba?" 

Sa halip na sagutin niya ako. May amusement sa kanyang mga mata na napaiwas ito ng tingin. Halata naman na nagpipigil itong tumawa.



"May problema kaba?" Anong nakakatawa sa tanong ko? Sapakin ko kaya ito? Bwiset.



Napatikhim muna ito bago nagsalita ulit.


"I'm sorry. Pero wala akong spare tire," anito.

"Tss."


Wala naman pala eh.


Teka--


"Ano?!?" Naibulalas ko. Tuloy napasuri ako sa flat na gulong ng kotse nito. "So panu na? Ano nang gagawin natin ngayon? Hindi naman pwedeng ma-stranded tayo sa lugar na to!" Bwiset naman oh! Pero teka lang... So hindi talaga ako ang pinunterya kanina kung hindi ang gulong ng sasakyan. Sa ganoong paraan ay hindi na namin sila masusundan.

Tsk! Nakakainis!


"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Hindi mo ba nakikita? We're in the middle of..." Napalibot ang tingin ko sa kapaligiran. Well, hindi naman pala isolated ang lugar na kinatatayuan namin ngayon. Sa pagkakaalam ko mabangin ang nasa kanang bahagi namin. Natatakpan ito ng mga nagyayabong na dayami. May mga ligaw na puno naman at animo'y kagubatan sa ibaba. Sa kaliwa naman, medyo may kalawakan na lupain. Mabuhangin at may mangilan-ngilan na tumutubong ligaw na damo. Tahimik at maririnig ang bawat huni ng mga ibon. Infairness, maganda ang lugar na to. Tahimik at napakapayapa. Pero kahit na!

"Kailangan nating makaisip ng paraan kung paano tayo makakaalis dito!" Pagpapatuloy ko.

Muli itong napatikhim.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon