Phase 5 - (Feeling close)

2K 109 6
                                    

"Insan, gising..."


Napaungol ako ng maramdaman ang marahang pagyugyog sa balikat ko. Ang bigat pa rin ng mga talukap ko ni ayaw sumunod kahit gustuhin ko mang imulat ang mga mata ko. Sobrang inaantok talaga ako.

"Haist. Ba't dito ka natutulog?" Anito halata ang pagkabahala sa boses nito.

"Hmm." Ungol lang ang naisagot ko. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa hangin.

"Pasensya kana, Insan. Ayoko lang na makaabala pa sa inyo ni Mommy. Ginagawa ko to dahil... ayoko na malulungkot at masaktan kayo. Alagaan mo si Mom, Insan. Mahal ka nun kaya pagpasensyahan mo nalang minsan talaga... mainitin ang ulo nun." Kahit ganoon na lamang ang pamimigat ng mga talukap ko. Malinaw ko namang naririnig ang mga salitang binibitawan nito. "Sa susunod, wag mo na akong antayin." Sabay lapat ng likod ko sa malambot na kama. Narinig ko pa ang malalim na paghinga nito. "Grabeh, ambigat mo!" Naramdaman ko rin ang paglubo ng kama ko. Saka ulit bumuntong-hininga ito.

          

Sandaling katahimikan. Medyo kinakain na rin ako ng kadiliman at nagiging pahapyaw na lamang sa pandinig ko ang mga sinasabi nito.

"Patawarin mo 'ko, Cyd. Lagi mo sanang iingatan ang sarili mo." Iyon ang huling mga salita ang narinig ko bago lumapat ang labi nito sa noo ko. Bumukas-sara rin ang pinto hudyat ng paglisan nito sa silid ko.   

Kinabukasan. Humihikab na naitaas ko ang mga kamay. Nakakatamad bumangon. Naabutan ko si Juno na nagkakape.

"Oh, Insan. Buti naman at gising kana. Coffee?" Sabay alok nito ng kape.

I nodded. "Yes, please." Sabay upo sa harap ng mesa. "Anong oras ka umuwi kagabi?"

Mukhang okay naman ito at di kagaya noong mga nagdaang araw ang pagiging matamlay nito. Naglagay ito ng kape sa harapan ko at kumuha naman ako ng pandesal saka agad na sinubo iyon.

"Nakapaghilamos kana ba?" Sa halip ay naitanong naman ito.

I raised my brows. Sabay bigay blankong tingin dito. "Maghimalos ka, oy! May muta kapa, oh!" He said that could made me almost choked.

"Biro lang!" Sabay halakhak nito matapos kong linisin sana ang dumi sa mata ko.

"Bwiset ka talaga!" Sa inis ko, naitapon ko sa kanya ang hawak na pandesal na agad naman nitong nasalo.

"Pikon pa rin!" Sabay tawa nito sa huli.

Napaismid ako. "Hindi mo pa sinagot 'yong tanong ko. Anong oras ka nakauwi kagabi?"



"Alas-dos." Sabay subo ng pandesal nito sa bibig.

"Inakyat mo ko kagabi?" I asked. Nagbigay kunot-noong tingin naman ito. Sabay kibit-balikat nito. "I dunno."

"Insan!" May pagbabantang sinamaan ko ito ng tingin.



"Oh, ano?" Nagbigay nakakalokong ngiti lang ito. "Malay ko ba- ahw!" Agad napangiwi ito nang mahawakan ko ang kamay nito. "Whoa- sumbong kita kay Mommy.  Sige ka- aray!" Parang bata nitong sabi. Muli itong napangiwi nang kagatin ko iyon. "Mommy-! Haha!"

Aba't- pinagloloko ba talaga ako ng mokong na to?

"Tama naaaaa!" Hiyaw nito sa sakit.



"Tigilan nyo na yan." Sabay kaming napatigil nang marinig ang boses ni Tiya. As usual, napakaseryoso pa rin ng mukha nitong dumalo sa hapag-kainan.

"Hi, Mom!"

"Morning, Tiya." We both gave her a kiss on the cheek.

"What's this noise all about?" Napangiwi ako sabay mariing pikit ng mga mata.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon