Phase 4 - (kwarenta'y pesos)

2K 118 9
                                    

"Sorry, Miss. Puno na, eh." Anang si Manong driver.

"E, kahit kumabit nalang ho ako, Manong. Sige na pls." Pagmamakaawa ko dito. Haist! Basang-basa na ko. Ano ba yan!

"Naku! Balak mo pa yata akong ikulong, Miss. Tabi na nga!" Inis nitong pinasibad ang jeep.

"Bwiset!" Palinga-linga kong tiningnan ang paligid ko. Naghahanap ng pampasaherong jeep.

Nang biglang may bumusina at huminto sa may harapan ko. "Need a ride?" Anang driver nang bumukas ang bintana nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Could that girl be-?

"Miss? Okay ka lang? Tara, hatid na kita. Malakas yong ulan, oh!" Aya nito sa'kin. Napakurap-kurap pa ako bago maramdaman ang paghawak sa braso ko.               

"Lika na! Hahaha. Nakatulala ka jan?" Natatawang pukaw nito sa pagkatulala ko. Nang mapansing papasok na kami sa loob ng kotse nito. Agad kong ipiniksi ang braso ko sa kanya.

Takang napatingin siya sa'kin. "W-Wag na. Kaya ko naman umuwi." Sabay talikod ko dito.

"Oy, ano? Hala, diba naghahanap ka ng pampasaherong jeep? Hatid nalang kita. Kahit sa'kin kana mamasahe. Okay na yon." Napahinto ako sa paglalakad. Ano raw?

Nang lingunin ko ulit ito. Pareho na kaming basa. Tuloy, nakaramdam ako ng hiya dito.

"Bakit?" Ano bang problema niya?

"Teka... anong bakit?" Natatawa pa ring balik tanong niya sa'kin. "Miss. Don't get me wrong, okay? Nagmamagandang loob lang naman ako sayo. Wala akong masamang intensyon sayo. At saka.... mukha ba kong may gagawing masama? Sa ganda kong to?" Sabay pa-cute pa nito.

  

"Conceited much?" Taas-kilay kong naibulalas.

"Alright. Alright. So? Ano na? Basang-basa na tayo, oh." Sukat sa sinabi, napatuon naman ang mga tingin ko sa kabuuan nito. Mas lalong napalaki ang mga mata ko sa may dibdib nito. Humahakab ang suot nitong kulay itim na bra dulot ng pagkabasa at dahil na rin sa manipis na tela ng blusa nito.

"That'll only means... yes. Tara na nga!" Natatawang muli nitong hinawakan ang braso ko at iginiya sa kotse nito. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. "By the way, I'm Elvis. You are Cyd, right?"

Tango lang ang naisagot ko dito. "Paano mo naman nalaman ang pangalan ko?" Sabay turo ko pa sa sarili ko.

Naiiling naman itong nagsimulang magmaniobra. "Half of Greenery's population know you." Nangingiting sabi nito.

"Oh? Ba't di ko yata alam yon? At saka...  di kita kilala." Prangkang sabi ko. Wait... Elvis?      

Sino si Coney? Papaanong nag-iba yata ang pangalan nito? Tandang-tanda ko pa ang mukha niya. I'm very much hundred percent sure. Siya yong nakita namin ni Nelibet sa ospital noong araw na yon! Akala ko ba....

"She's my sister." Wika nito.

"Ha?" Takang nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"Diba, tinatanong mo kung sino si Coney? Well, she's my sister. Younger sister actually." Halos di ako makagalaw sa sobrang gulat ko sa sinabi nito. Nasabi ko pala yon? "So, saan ko pala kita iuuwi?"

"Sa may North Hill, block 4, house no. 155." Alanganing sinabi ko dito ang address ng bahay na tinutuluyan ko. Pero di nga?

Kapatid niya ang bitch na yon?

Ibig sabihin... posibleng nagkakilala na kaya sila ni Juno?

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Care to share?" Pukaw nito sa pananahimik ko. "Ba't mo nga pala itinatanong kung sino ang kapatid ko?"

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon