Phase 12 - (Just a lil trouble)

1.6K 95 13
                                    


Cyd

"Bakit ko naman gugustuhing magpakamatay?" Puno ng pagkaaliw nitong hinarap niya ako.



Napaikot ko lang ang mga mata sabay yakap ng mga braso ko. "Bakit ko naman gugustuhing magpakamatay? Tss." Panggagaya ko. "Ang arte-arte! Kala mo naman kung sinong... maganda!"

Nakarinig ako ng pagimpit ng tawa nito. Nahuli ko pa ang pagkakagat-labi nito saka napaiwas ng tingin.

"Anong nakakatawa?" Akala niya di ko napansin ang pagpipigil niya? Sipain ko kaya ang bwiset na to palabas sa kotse niya!

Napatikhim ang hitad. "Ang cute-cute mo kasi..." sabay bigay asar na ngisi nito sa labi.

Napairap ako. "Cute?Ano ako? Aso?"  Di ko mapigilang naitanong sa sarili.

Naiiling na sinulyapan ko ang gawi nito. "Ano? Dito lang ba tayo? Paandarin mo na nga tong bulok mong sasakyan!"

"Last week ko palang nabili 'to." Depensa nito. Di naman nahahalatang nainis sa sinabi ko.

"Wala akong pake-"  

"Hush." Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng maramdaman ang paglapat ng hintuturo nito sa gitna ng mga labi ko.

Nanlalaki ang mga matang di ko naman magawang maigalaw ang mga ito. Para kasing may kuryente akong naramdaman.

"Yes?" Narinig kong sagot nito ngunit naka-connect ang phone sa isang wireless earpiece o ano nga bang tawag dito. Tinanggal din nito ang daliri sa labi ko. Ang walangya!

"Uhuh. Don't worry. Ako na ang bahala." Sabay sulyap ng impakta sa gawi ko. Inis na inirapan ko naman ito.

Sino naman kaya ang kausap ng hitad na 'to?

Wagas kung makangiti. Pwe!

"Hmm. Alright. Take care. Bye." Narinig kong pamamaalam nito. Di ko rin maiwasang hindi mapaangat ang isang kilay nang marinig ang pag-iiba ng tono ng pananalita nito.

"Tapos naba ang landian nyo? Baka naman pwedeng patakbuhin mo na to at ng makauwi na'ko. Sinasayang mo lang ang oras ko." Nakakainis! Ba't di nalang yong kalandian niya ang isinama niya!

"Alright." Naiiling na muling nagmaniobra na ulit ito at pinasibad ang sasakyan.

Napahalukipkip naman ako at pinilit ang sariling maging komportable sa inuupuan. Ano ba naman to!

"Ba't ba ang sikip-sikip nitong sasakyan mo?!" Ewan ko lang, pero di talaga ako mapakali sa inuupuan ko. Yon nga, nasisikipan talaga ako. Nakaka-suffocate rin ang mabahong amoy! Sabay takip ng kamay ko sa ilong. "Pwedeng buksan tong bintana? Di ako makahinga!" 

Takang nilingon naman niya ako."Why?"

        

"Bingi kaba? Ako yong nagtanong tapos tatanungin mo 'ko?" Nakakapang-init ng ulo!

   

Padabog akong sumandal nang biglang umangat ang bubong ng sasakyan hanggang sa maramdaman ko ang malakas na hanging tumatama sa mukha ko.

Di makapaniwalang napalingon ako sa gawi nito sukat para makatanggap ako ng isang kindat mula sa kanya.

"May isa pa kong sunglasses sa bag ko. You can borrow it para di masakit sa mata yong hangin." Anito.

"Tss." Walang nagawa na sinunod ko nalang ito. Inabot ko yong bag na nasa likuran nito at hinalungkat ang nasa loob nang matigilan ako. Biglang napadako ang mga mata ko sa gitna ng mga hita nito na ikinainit naman ng mukha ko sa naisip.

Like A Bitch (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon