Chapter 2

251 3 0
                                    

Ashley's POV

"Hindi mo nakukuha yung punto ko dito!"

"Ang sakin lang, bantayan mong maigi si Miya kasi alam mong malala ang sakit niya!"

"Ilan'g beses ko bang sasabihin saiyo na walang sakit ang anak natin!"

"Hon, pakinggan mo nga 'yang sinasabi mo, she killed our son!"

"Hindi niya sinasadya iyon! Mga bata pa sila 'non!"

"Dapat kasi pinapatingin na natin siya sa Mental Hospital eh! Baka may sira na yung ulo---"

*PAK*

"Anak mo siya, Alex! H'wag na h'wag mo siyang gaganyanin!"

Nagtakip nalang ako ng tainga 'ko saking mga naririnig saking magulang. Hindi pa rin makalimot si Dad dahil sa ginawa ko kay Alec ang nakababatang kapatid ko na lalaki. Siya ang unang biktima ko, at sakaniya lahat nag-umpisa kung bakit ako pumapatay ngayon. Hindi ko na iyon matandaan, basta ang naalala ko lang napatay ko si Alec.

Magmula non hindi na ako pinansin o kinausap man lang ni Dad, daddy's girl ako noon pero simula nang mapatay ko si Alec nagbago iyon na siya naman'g ikina-bago ng mundo ko. Tila ba nasanay na ako na si Dad talaga yung ka-close ko at hindi si Mom. Kahit na anong gawin ko, hindi pa rin talaga ako mapatawad ni Dad. Kahit na lumuhod ako sa harapan niya.

Hindi ko naman siya mapi-please kaya't hinayaan ko nalang kaysa pag-aksayahan ng oras. Kung hindi niya na ako gusto, hindi ko na rin siya gusto. Kung hindi niya na ako mahal, hindi ko na rin siya mahal. I can't please everybody to love me back, I have my own. I make me happy.

Itinulog ko nalang lahat ng problema dahil 'pag tulog ako, wala man lang akong naproproblema. Sana ganon nalang, habang buhay na akong natutulog at kailanman hindi na magising. Minsan iniisip ko, kung magpakamatay kaya ako. Duon na kaya ako mamahalin ni Dad? Pero tila ba hindi sumang-ayon ang utak ko at sabing 'Ba't mo sasayangin ang buhay mo, para lang magustuhan ka ng iba. Kung hindi ka nila gusto, hayaan mo sila.'

///

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom, bumangon ako at tinignan ang orasan mag-aalas dos na pala ng madaling araw. Ang tagal ko naman na nakatulog. Lumabas ako sa kwarto ko at tinungo ang kusina upang tignan kung may pagkain ba sa refrigerator. Ngunit ikinanlumo ko naman na wala man lang makain sa ref puro mga inumin lang o kaya't mga kendi kaya napa-simangot talaga ako. Padabog kong isinara ang ref at kinuha ang jacket at wallet para bumili ng makakain sa market. Siguro naman may bukas pa ng ganitong oras.

Habang naglalakad ako sa dilim hindi ko maiwasang ginawin dahil ang lamig talaga. Nang may makita akong mall na bukas pa, agad naman akong naglakad ng mabilis dahil kumukulo na talaga ang tiyan ko.

Pagpasok ko sa mall ay sakto naman na may nakita akong fastfood kaya't dito ko nalang napagpasiyahan na kumain. Pansin kong panay ang tingin sakin ng mga dalawang lalaki sa dulo ng upuan, akala siguro nila hindi ko iyon nahahalata pero halata kong sa direksyon ko sila nakatingin dahil wala ng iba pang nasa likuran ko. Hinalungkat ko ang jacket ko at tinignan kung meron ba akong materyal na pwedeng ipanglaban kung sakaling may gawin silang masama saakin.

Sakto naman na may nakita akong butter and bread knife sa jacket ko, ewan ko kung ba't nandoon at meron din na gunting. Hindi naman ako inenspectan ng guard dahil ang may mga dala lang ng bag ang ineenspectan nito. Kaya't hindi niya alam na may nakatago sa jacket ko na patalim.

Nang matapos na akong kumain ay naglibot-libot lang muna ako sa mall dahil baka guni-guni ko lang yung kanina, at baka natataranta lang ako 'non. Nang matapos kong malibang ang sarili ko sa mall, napagpasiyahan ko nang umuwi dahil baka madatnan pa ako ni Mom na wala sa kwarto ko.

Hindi nga ako nagkakamali sa hinala ko kanina sa mga dalawang lalaki kanina, dahil rinig kong tila may yabag ng mga paa ang sumusunod sakin. Binilisan ko nalang ang lakad at hinawakan na ang butter and bread knife sa kanang kamay ko at ang gunting ay sa kaliwa. Alerto ako sa nangyayari sa likod ko, dahil baka may hawak din sila na patalim at baka ako pa ang mapuruhan kaya't lubus-lubusan kong pinapakiramdaman ang nasa likuran ko.

Nang meron akong maramdaman na kamay na tumakip sa bibig ko.

"Samin kana ngayon, miss." Bulong nito at hinalikan pa ang tainga ko, agad ko namang kinagat ang kamay niya kaya't nabitawan niya ako, duon naman ako kumuha ng pagkakataon para sipain yung nasa gitna ng hita niya kaya napadaing siya sa sakit, nakita ko naman ang isang kasama niya na papasugod sa'kin, bago pa siya makalapit sa'kin agad kong sinaksak ang mata niya ng gunting at paulit-ulit na sinaksak hanggang sa mapahiga siya sa sahig.

Ang isa naman ay ginilitan ko sa leeg ng butter and bread knife at gayon na lamang ang ikinagitil ng kaniyang buhay. Ang isa naman ay tila buhay pa dahil humihinga pa siya kaya ginilitan ko na rin siya sa leeg.

Hindi ako nag-gloves kaya hinila ko ang bangkay nila at ng may makita akong gripo sa labas ng isang bahay ay hinugasan ko ang bangkay nila at hinugasan ko din ang patalim na ginamit ko sinigurado kong malinis ang lahat at iniwan duon ang bangkay para ang may ari ng bahay ang mapagbintangan na may kasalanan. Tinago ko na ang mga patalim at tinignan ang paligid kung may tao ba o wala, minabuti ko na talaga ngayon at nang mapagtanto ko na wala ng tao ay agad na akong kumaripas ng takbo palayo.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nagtungo ako agad sa kwarto ko at naligo kahit na malamig ang tubig, hindi na ako natulog at hinintay ko nalang mag-umaga.

Ashley [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon