Chapter 14

104 2 0
                                    

A/N:

I'm so sorry kung ngayon lang ako mag-uupdate. Susubukan kong frequently na po ako mag-uupdate. Naiinspire ako ng konti magsulat. So sana po subaybayan niyo po ito.

Ashley's POV

"Okay class, mag-lunch muna kayo then we'll continue teaching the introduction about our new topic." Since first palang ng school, halos introductory at summarization palang ng whole lesson ang ginagawa ng mga guro. Tinignan ko ang orasan ko, at nakitang 12:58 p.m na pala, oras na para mag-tanghalian ang mga estudyante. Binigyan ako ng baon ni Lola, na naghahalagang Php. 150.00, okay naman ang halaga na iyon. Sakto lang pang-isang araw, naglalakad lang naman ako papuntang bahay namin.


"Ashley, tara let's go lunch." Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si David, nakita kong may mga kasama siya sa likuran.


"Ay nakalimutan ko, si Lester at si Bryan, mga kaibigan ko nga pala." Pakilala ni David sa mga lalaking nasa likuran niya. Nginitian ko lang sila at nauna na akong pumunta sa canteen namin. Sa totoo lang, wala akong ganang kumain, sobrang natatakam na ko sa sariwa at bagong patay na tao.


"Kailangan mong subukan yung sisig nila dito, the best yon na pagkain nila dito sa canteen ng school na to." Masayang sabi sakin ni Bryan, tinignan ko siya at nakita ko na mejo kagwapuhan siya sa malapitan, matangos ang ilong nito at mejo singkit, moreno siya at makinis ang mukha niya. Naamoy ko siya dahil ang lapit namin sa isa't-isa, sobrang bango ng uniform niya. Ngumiti nalang ako at um-oo. Nag-order kaming dalawa ng sisig at bumili rin ng coke para panulak.


Umupo na kaming apat sa bakanteng upuan, at nagsimula na kaming kumain. Naninibago palang ang panlasa ko sa mga lutong ulam kaya paunti-unti ako kung kumain, hindi ko alam kung maduduwal ba ako, masusuka o mahihilo sa kinakain ko ngayon. Nakatatlong subo lang ako saka ko na nilapag ang kutsara't tinidor senyales na ayoko nang kumain.


"Tapos kana? Hindi mo pa nakakalahati yung pagkain mo, oh?" Sambit ni David habang umiinom ng coke, napailing nalang ako dahil hindi talaga ako sanay sa ganiyang ulam.


"Ano kasi, nabusog kasi ako kanina sa almusal na ginawa ni Lola Aleng, kaya mejo hindi ako nagugutom ngayon." Natatarantang saad ko, hindi ako mapakali dahil kumukulo talaga ang tiyan ko, parang hinahanap ng sikmura ko yung dugo at laman ng tao. Gutom na gutom ako sa isang tao, sobrang tagal na ng makatikim ako ng sariwang taong pinatay ko. Bumuntong-hininga ako para mawasik sa utak ko yung masarap na balat, crunchy na laman, at malinamnam na dugo ng isang tao.


"Mabuti pa kung mauuna na ako sa classroom ko. David, Lester and Bryan, kita nalang tayo pag uwian." Dahil katabi ko si Bryan sa upuan, palihim kong pinasok sa bulsa niya ang sinulat ko kanina sa papel. Nabilaukan siya sa ginawa ko at nakita ko ang gulat niya.


"Byeee." Ngiti ko sakanilang tatlo. Habang naglalakad ako palayo, hindi ko lubusang mapangiti sa balak kong gawin kay Bryan. Unang kita niya palang sakin para siyang nasasabik, lumingon ako ulit sakanila at hindi ko maiwasang mapangiti, dahil nakita kong palihim na binabasa ni Bryan ang papel para hindi malaman nila David at Lester.


"You'll love this, Bryan." Palihim akong ngumingiti dahil sa wakas, makakatikim na rin ako ng sariwang dugo at laman ng tao. I checked my bag, nandon pa rin yung tinago kong gloves, kutsilyo, packing  tape at lubid. Kinky, huh? hahahahahahahahaa. Sisiguraduhin kong walang aabala sa masarap nating gagawin, Bryan.


Dumeretso ako sa lumang bahay na daanan ko noon habang naglilibot pa ako dito sa lugar na ito. Halata namang walang taong dumadaan dito dahil kinakatakutan ito ng mga tao, may mga multo raw dito kaya walang nagtangkang pumasok dito. Wala akong kinakatakutan kundi ang mahuli ako ng pulis sa kababuyang ginagawa ko.


Luminga-linga ako sa paligid para walang makakita saakin na papasok sa bahay, ng may makita akong isang kwartong papasok ay pumasok ako agad, humanap ako ng magandang lugar kung saan namin gagawin ni Bryan ang balak naming gawin, natatawa nalang ako sa sarili ko. Mejo may kalayuan ang bahay na ito sa paaralan kaya malaki ang tiyansa na kahit sumigaw si Bryan ay hindi nila ito maririnig, may kalayuan din kasi ito sa kalsada at sa mga bahay at lugar na maraming tao. Pumunta ako sa gilid, at nakita kong may kama dito. Malaki ang kama, sumilip ako sa ilalim kung doon ko ba pwedeng itago ang biktima ko. Inusog ko ang kama at nakita ko na may pinto ang ilalim ng kama na iyon, para siyang cellar, binuksan ko ito at napangiti ako sa nakita ko.


Umalingawngaw ang masangsang na amoy na abot hanggang dito, patay, mga patay na tao ang nakaimbak dito. Hindi ako nandiri o nasuka dahil sanay na ako sa ganitong bagay na nasa harapan ko, mas malala pa dito ang mga nakita ko, kahit ang mga iba'y inuuod at naaagnas na para bang hindi kumakalam ang sikmura ko, sanay na sanay na ito sa ganitong pangyayari. Maaari kong itapon nalang din ang bangkay ni Bryan sa imbakan na ito para hindi sila makahalata. Tinakpan ko na ito, at binalik na ang kama para hindi magtaka si Bryan. Kinuha ko ang pabango ko at nagpabango sa kwarto na iyon, dahil umaalingawngaw talaga ang amoy ng nabubulok na katawan sa pinto na iyon. Binuksan ko muna ang bintana para lumabas muna ang masangsang na amoy.



Nakita ko si Bryan sa di kalayuan na papunta dito, napangiti ako. Dala-dala niya ang bag niya, at nakita kong may pinaglalaruan siya sa kamay niya, tinitigan ko iyong mabuti at nakita ko na condom pala iyon. Nang malapit na siya sa bahay ay sinara ko na ang lahat ng bintana para walang makarinig at walang makakita. Narinig ko ang yapak ng paa niya papasok sa kwarto. Humiga na ako sa kama at unting tinanggal ang kalahati ng butones ko sa uniporme ko, nakita ko siya, si Bryan, sobrang init ng tingin niya sakin. Pero wala na akong ibang maisip, kundi ang masarap at malinamnam na tanghalian ko ngayon.

Ashley [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon