Prologue

482 10 0
                                        

"Ashley Miya Torres" Tawag ng aking guro na siya naman'g aking ikinabigla. Sumakit kasi ang ulo ko at napagpasyahan na ipatong muna ito sa armchair, kamalas-malasan nga naman at nahuli pa ako ng teacher namin kaya sobra nalang talaga ang pagmulat ng mata ko nang marinig ko ang aking pangalan.



"If you're not interested in my class. Kindly get out." Tila lawin ang kaniyang mga mata sa sobrang talim ng tingin niya sakin. Agad naman akong nag-panik at agad rin na nagsalita.



"Sorry po ma'am, hindi na po mauulit." Paumanhin ko, strikto pa naman masyado ang aming guro kaya karamihan samin natatakot rito.



"Talagang hindi na mauulit 'to. Kasi simula ngayon hindi ka na pwedeng pumasok sa klase ko!" Sigaw niya na siyang ikinabigla ko. Hindi na agad papasok porke ba naka-idlip lang ng unti? Napaka-unfair naman, kung minsan nga ang mga guro hindi nila ginagawa ang kanilang obligasyon hindi naman nagrereklamo ang mga estudyante hah.


"Pero ma'am--"


"No buts, Ashley! Maari ka nang umalis sa klase ko. May dalawang pinto diyan, bukas na bukas. Hindi kana mahihirapan'g lumabas." Ngisi nito. Kumulo talaga ang dugo ko sakaniya dahil parang sumosobra na siya. Hindi ko naman siya pwedeng saktan kaya lihim nalang akong napa-irap at bumulong na "You're next" dahil sobra talaga ang inis ko ngayon.


"May sinasabi ka Ashley?" Taas-kilay na tanong nito. Agad naman akong napa-sabi ng "wala" dahil ayokong magkaroon pa ng eksena rito. Hindi naman talaga ako masungit pero kung may bagay ka talaga na ginawa at hindi ko nagustuhan mas masahol pa sa demonyo ang makikita mo sa pagkatao ko. Gusto ko na sanang agad na tirahin at patumbahin itong teacher na 'to kaso naalala ko, madami nga palang nanonood at hindi nila pwedeng makita.



"Ano pa'ng ginagawa mo dito, Ashley? Get out." Sabi nito at tuluyan na nga akong umalis. Lumabas ako at hinanap ang restroom para ihilamos ang aking mukha, kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong huwag gumawa ng krimen dahil lahat ng nakakasalubong ko na tao ay gusto kong pagsa-saksakin at ibuntong duon ang galit ko sa gurong iyon. Lubus-lubusan na akong nainis at umisip ng paraan kung paano ko ihahanda ang death certificate nito. Dahil hindi na siya makaka-abot pa bukas nang humihinga. Sisiguraduhin ko iyon.


////


Narinig ko ang tunog ng bell simbolo na uwian na. Agad naman akong kumilos at tinignan muna mabuti kung wala na bang estudyante sa loob ng classroom namin. Naghintay pa ako ng ilang minuto bago naisipang pumasok na sa silid. Natuwa naman ako nang makita kong ang guro nalang namin ang natitira at wala na ang mga estudyante, siguro'y nasa labas na at umalis na.


Laking gulat ng aking guro ang pagkakita sa presensya ko. Pero agad din niyang binago ang kaniyang ekspresyon at sinabing "Anong kailangan mo?"


"May importante lang po akong sasabihin." Pagsisinungaling ko dahil sa totoo lang ay balak ko talagang paslangin itong babaeng 'to.


"Hmm, sige isarado mo na rin ang pinto." Labis naman akong natuwa sa sinabi niya, sinarado ko ang pinto at lihim na ni-lock para walang mang-istorbo. Umupo naman ako malapit sakaniya at nilagay ang kamay ko sa aking bulsa para kunin ang hinanda at matalas kong cutter.


"Ano ba yung sasabihin mo? Siguraduhin mong importante yan, ayokong nasasayang oras ko." Sambit niya habang busy sa pagbubuklat ng kung anuman sa kaniyang libro.


"Dahil po sa kanina..." Habang hindi siya sakin nakatingin nilalabas ko ang gloves ko para maging mas malinis ang gagawin kong krimen, para hindi nila ma-identify yung fingerprint ko. Halata naman na hindi niya ito pansin dahil abala talaga siya sa pagbubuklat.


"Ano po kasi..." At dahan-dahan ko ng nilalabas ang cutter ko at dahan-dahan ko iyong binuksan na siyang nakagawa ng kaunting ingay. Agad naman na humarap sakin ang aking guro at tinaasan ako ng kilay


"Anong tunog iyon?" Takang tanong niya, nanatili akong tahimik at marahas na binuksan ang cutter at buong pwersa kong sinaksak sa leeg niya. Nagulat naman siya at bumulwak ang mga dugo sa kaniyang leeg, marami-rami rin ito dahil yung tinamaan ko ay yung parte kung saan mararamdaman mo ang tibok ng puso mo.


"Sorry ma'am..." Ngisi ko at binunot ang gunting at minarkahan ang noo niya ng malaking 'X' ng matapos kong markahan sinaksak ko naman ito sa kaniyang kaliwang mata at nilaliman ko pa ito. Rinig ko naman ang parte ng mata niya na parang nabulwak na ewan sa loob, nag-enjoy ako sa ginagawa ko at ng ako'y magsawa na binunot ko ang gunting at marahas na binubukas ang bibig nito dahil ipipilit kong pagkasyahin yung gunting sa lalamunan niya. Nang mabuksan ko na ang bunganga niya hindi na ako nag-atubili pa na agad na isaksak ang gunting sa lalamunan niya na siyang ikinatigil ng kaniyang paghinga at ikinamatay. Kinuha ko naman cutter sa leeg niya at sinaksak pa iyon sa isa niyang mata.



Nang matapos na ako ay duon ako lumabas sa bintana dahil may mga dugong napunta sa aking uniporme. Sinigurado ko naman na hindi ko iniwan yung gloves ko kasi antanga ko naman masyado kung ganoon.



Matiwasay naman akong naka-uwi saming bahay at buti nalang walang nakapansin sa damit ko, ang gloves ko ay nilagay ko muna sa notebook ko at inipit duon para hindi magmantya sakali sa bag ko.



Ganito ang aking buhay, pumapatay. Hindi ito alam ng mga magulang ko at kung sakali man na malaman nila, hindi na ako magdadalawang isip na patayin sila kahit pamilya ko pa sila.

Ashley [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon