Ashley's POV
"Sawang-sawa na ko sa buhay na to!" I shouted at them and for the very first time my Dad got shocked. I burst out crying, I can't handle the pain anymore.
"Kung palagi niyo nalang akong pinagsasaksak ng mga masasakit niyong salita better yet kill me already! Kase mas masakit yung masaktan emotionally and mentally kaysa physically! Kill me, para wala na kayong palamunin dito sa bahay, iyon naman gusto niyo diba?!" Hikbi ko habang pinupunasan ang mga luha na nagkalat sa mukha ko. Para akong bata na umiiyak sa harapan nila, inayos ko ang mukha ko at tumayo.
"Eto lang naman yung hinihintay niyo diba? Yung mawala na ko sa buhay niyo? P'wes mula ngayon, wala na kayong maririnig sakin dahil lalayas na ko!" Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ko ng bahay, I expected na may pipigil sakin pero wala. They just let me leave, sobrang sakit sa pakiramdam, para akong tinaga ng ilang beses. Iyak ako ng iyak at nanginginig ang mga kamay ko.
"Kill"
"Kill them"
"Kill everyone"Tila isang sobrang liit na boses ang bumubulong sakin, I found myself walking towards the beggar. She's an old lady at nakikita ko ang hirap ng buhay niya. Wala na 'kong sinasanto, nandidilim ang paningin ko. Galit na galit ang sarili ko at gusto ko nalang pumaslang at pumatay ng tao. Nang makalapit ako sa matanda, tumingin siya sakin at nilahad ang palad niya, siguro nanghihingi siya ng pera.
Pero parang may sariling utak ang katawan ko, hinawakan ko ng magkabilang kamay ang leeg niya. Dahil na rin sa matanda na ito, sobrang hina na ng katawan niya wala na siyang nagawa, hinigpitan ko ang pagsakal sakaniya hanggang sa malagutan siya ng hininga. Hindi pa ko nakuntento at naghanap ako ng bagay, nakita ko ang isang lata sa tabi niya. Kinuha ko ito at binuksan ang bibig ng matanda at pilit na dinikdik ito sa bibig niya hanggang sa narinig ko ang paghiwa ng lata sa lalamunan niya.
Tinignan ko ang mga kamay ko at nakita ko na maraming dugo ito. Tinignan ko ang paligid ko at nakita kong walang tao, hatinggabi na at natutulog na mga tao. Tumingin ako sa matandang pinatay ko, dahil sa galit ko kinuha ko ang bote at binasag ito, pinulot ko ang mga nagkalat na bubog at isa-isa itong sinaksak sa mukha niya. Natutuwa ako sa ginagawa ko, nanginginig ang kamay ko habang isa-isa kong tinutusok ang mga bubog sa mukha niya. Nakita ko ang natira sa binasag kong bote, at tinusok iyon sa mata niya.
Huminto ako sa ginagawa ko at umisip ako ng paraan kung paano ko itatago ang katawan niya. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa may pumukaw ng tingin ko, isang drum na lagayan ng tubig, lumapit ako doon at sinilip ang loob, sakto at puno ito ng tubig, naghugas ako doon at nilinis ko ang mga dugo sa kamay ko, doon ko nalang itatago ang katawan. Panigurado hindi na mattrace yung fingerprints ko dahil nakalublob na ito buong magdamag sa tubig bago pa makikita.
Bumalik ako sa matanda, at hinila ko ang dalawang kamay niya, tumingin ako sa paligid kung may tao ba. Nang makasigurado ako na wala, hinila ko ang katawan patungo sa drum na may laman na tubig. Nang marating ko ito, buong lakas kong binuhat ang bangkay at nilagay ito sa drum, minabuti kong walang nakalabas na anumang parte ng katawan niya para hindi siya agad makita. Humanap ako sa paligid ng matatakpan sa ibabaw. Nakita ko ang isang pahabang kahoy, kinuha ko iyon at tinakip sa drum.
Agad naman na akong umalis sa lugar na iyon. Naglakad-lakad lang ako hanggang kung saan mapunta yung paa ko. Nakatingin lang ako sa ibaba at hindi tumitingin sa harap ko. Nakita ko ang ibaba ang ilaw na sasalubong sakin, naka-ilang busina ito pero hindi pa rin ako nagpapaawat, hindi ako nakaramdam ng takot kung babangga ba ko o mamamatay na ako. I'm dead inside already. Mas lumakas ang busina, huminto ako at hinarap iyon, pumikit ako para salubungin na ang sarili 'kong kamatayan.
Ilang minuto na ang nakalipas, pero wala pa rin akong nararamdaman na bumangga sakin, binuksan ko ang mga mata ko at nakita 'kong sobrang lapit na ng kotse sakin, pero nakahinto na ito. Nainis naman ako bigla, dahil iyon na ang chance para mawala na ko sa mundong 'to.
"Ikaw nanaman?!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko ng bumukas ang pinto ng kotse.
"Kion," bulong ko, ang liit nga naman ng mundo, sa lahat ng makakasalubong ko si Kion pa talaga. Hindi ko siya pinansin at gumilid nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Pero ramdam ko ang isang kamay na humawak sa'kin, agad akong napaharap sakaniya at binawi ang kamay ko.
"Lumayo ka sakin kung gusto mo 'pang mabuhay." Matalim na saad ko sakaniya, pero hindi siya napukaw nito at tuloy lang ang paghila niya sakin pasakay sa kotse niya.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Ayoko nga sabi!" Pagpupumigil ko, sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at hindi ako makawala rito. Nawalan ako ng lakas, dala na rin ng sobrang pagod ko.
"Ba't kaba duguan?! You're going in my pad, and that's final!" With all of my strength I tried my hardest to slap him as hard as I could. Humarap siya sakin at tinapunan ako ng matalim na tingin, akala niya matatakot niya ako, pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Binuhat niya ko na parang bagong kasal kami at pilit ako na pinasok sa kotse niya, sa backseat niya ako nilagay at ni-lock niya ang mga pinto.
Pagod na pagod na ko at hindi ko na makayanan lumaban, kahit makasigaw ay parang nawalan na rin ako ng boses. Nakita ko nalang siyang umangkas sa kotse at nagsimula nang magmaneho. Nanginginig ang mga labi ko, pati mga tuhod ko.
"May nangyari ba? Why are you covered in blood?" Mahinahon na tanong ni Kion at nakita kong tinignan niya ko sa rear view mirror ng kotse niya.
Hindi ako umimik at sumandal nalang ako sa bintana ng kotse niya tinaas ko ang mga tuhod ko sabay yakap rito. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod ko.
BINABASA MO ANG
Ashley [OnGoing]
Mystery / Thriller"Please introduce yourself." Naglakad ako sa harapan ng bago kong classroom, I smiled at them and nodded my head. "Hi I'm Ashley, and my hobby is.... killing." [[Devil's God University story is added]]