Ashley's POV
Maganda ang klima ngayon, hindi siya gaanong ma-araw. Makulimlim kumbaga, ganito ang gusto kong klima, pero mas gusto ko kapag umuulan. I get amused by the feeling of taking a walk in a road while raining. Rain calms me, feeling ko maya-maya bubuhos na ang ulan, madalas ng umuulan dito. Mas gusto ko iyon kaysa naman sa sobrang init.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." Bumalik ako sa ulirat at napatingin kay Kion na ngayon ay nagmamaneho na ng sasakyan niya. Hindi ko pala nasabi, papunta kami ngayon sa Mall para bumili ng groceries ni Kion. Bibili na rin daw kami ng mga damit ko, how thoughtful of him.
"I was thinking about the rain." Mahinang sambit ko, bumalik ulit ako sa pagtingin sa labas ng bintana. Nasa passenger seat ako, sinandal ko ang ulo ko sa bintana at tinignan ang kalangitan.
"I love the rain as well. It calms me." I smiled a little bit by what he said. Parehas pala kaming mahilig sa ulan. Nakita kong malapit na kami sa destinasyon namin at humanap na siya ng mapagpa-parkingan.
I saw him got out of his car, lalabas na rin sana ako kaso umikot siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Lumabas naman ako at hinarap ko siya.
"You shouldn't have to do that, kaya ko naman." I smiled and walk towards the mall.
"It's my pleasure to take responsibilities of my visitors you know." Naglakad siya papunta sa tabi ko habang sinasabi niya iyon.
"Visitors? Baka bwisita, palamunin lang ako sa pad mo. Baka matulad ka nila Mom and Dad, napuno na dahil sa pagiging palamunin ko so I decided to leave nalang." Bigla nalang akong nalungkot sa sinabi ko, they're still my parents, I love them so much, sana ganon din sila sakin.
"Walang magulang ang hindi mahal ang anak niya, try to go to your place, baka hinahanap ka na nga nila eh, they must be worried sick for sure." Somehow, gumaan ang loob ko sa sinabi ni Kion, yung puso ko nagiging malambot when it comes to him. What's happening to me? Nababaliw na ba ako?
Nag-umpisa nang kumuha si Kion ng mga gamit, pagkain, at ilang mga gamit sa bahay. Pinagmamasdan ko lang siyang kumuha ng mga kailangan niya sa pad niya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang humarap sakin at sobrang ikinagulat ko ng kumindat siya at bumalik sa pagkuha ng mga gamit. I felt my cheeks burning, Mall 'to, paano magiging mainit dito? Hindi rin naman ganon kainit dahil makulimlim naman sa labas. Am I--- blushing?
"Let's go, Ashley. Let's go buy you some clothes." Sinundan ko lang si Kion kung saan siya papunta, para akong bata na sumusunod sa Mama. Napansin kong bumagal ang paglakad ni Kion hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad. I felt his fingers intertwining to mine. I don't why, ba't di ko tinanggal, nag-eenjoy ako sa nangyayari. Ngayon magkahawak na ang mga kamay namin, para kaming mag-jowa.
///
"I will be honest with you, the first time I saw you, I felt different." Kasalukuyan kaming kumakain sa fast food chain dahil tapos na kaming mamili at pagkatapos nito, pupunta kami sa bahay para kausapin sila Mom and Dad.
"Anong ibig mong sabihin?" I asked him and scoop up some halo-halo and ate it.
"Love at first sight, maybe?" He chuckled and faced me. Hindi sa pagiging overreacting, pero bakit parang aatakihin ata ako sa puso. I can feel my heart, beating so fast. Kanina ewan ko kung natatae ako dahil sa kakaibang feeling sa tiyan ko, ngayon aatakihin naman ako sa puso.
"Dalian mo na nga d'yan para makita ko na sila Mom and Dad." I hissed and finish my halo-halo. Sumunod naman siya sakin, ay inubos ang natitirang pagkain sa harapan niya.
Pagkatapos 'non, we head back to his car heading towards Mom and Dad. Libo-libong kaba ang nararamdaman ko, parang nagbabago ako. Yung dating pusong bato, ngayon nagiging pusong mamon na. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ilang beses na kong humihinga ng malalim habang palapit ng palapit ang kotse ni Kion papunta sa bahay namin.
Nagulat ako dahil may humawak sa kamay ko, I faced Kion and saw his hands touching mine, parang pinapakalma ako. The moment his hand touched mine, I felt safe again, nakayanan kong i-kalma ang sarili ko. Sa malayuan nakikita ko na ang bahay namin, may mga nakikita akong pulis sa labas ng bahay namin at nakita ko si Dad and Mom na kinakausap ang isa sa mga pulis. I stopped Kion for driving towards our house. Hindi ko pa kayang harapin sila.
"Why?" Kion faced me as I began tearing up again. Ayoko 'man mag-assume pero mataas ang kutob ko na ako ang pinaghahanap ng mga pulis. Napangiti ako knowing na may pake pa pala ang mga magulang ko sakin. I wiped my tears and faced Kion.
"Okay na 'ko na nakita ko sila kahit sa malayuan man lang. Let's head back to your pad nalang muna." Nirespeto niya ang sinabi ko at umatras para bumalik nalang sa pad niya.
I got this weird feeling na kapag bumalik na ko sa'min, maliit na ang tiyansa na magkikita at magkakasama kami ni Kion. I got scared by the thought of that. Huminga ako ng malalim dahil sa naisip ko, what's happening to me? Hindi ko na makilala ang sarili ko, I'm not the Ashley Miya Torres, I've known before. Yung Ashley na walang awa, walang kinatatakutan, hindi mahina. Ngayon sobrang ibang-iba na ko, simula ng dumating si Kion, I changed.
BINABASA MO ANG
Ashley [OnGoing]
Mystery / Thriller"Please introduce yourself." Naglakad ako sa harapan ng bago kong classroom, I smiled at them and nodded my head. "Hi I'm Ashley, and my hobby is.... killing." [[Devil's God University story is added]]