Ashley's POV
Minulat-mulat ko ang mata ko dahil sa isang sinag ng araw, napatingin ako sa paligid ko. Teka? Nasaan ako? Anong nangyari kagabi? Tatayo na sana ako pero napahawak nalang ako sa tuhod ko. Tinignan ko ang tuhod ko at nakita ko ang mga pasa rito. Anong nangyari sakin? Wala akong matandaan na nasugatan ang mga tuhod ko. Nagulat ako dahil nag-iba rin ang pananamit ko. So meaning?---
"AHHHHHHH!" Napasigaw ako dahil sa malamang at malamang nagahasa ako. Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ako makatayo, mamamatay tao ako pero anong nangyayari sakin ngayon? Hindi ako makakilos ng maayos.
"Shit, did something happen?! Why did you screamed?!" Nagulat ako sa natatarantang takbo ni Kion papunta sakin. Pinilit kong tandaan ang mga nangyari kagabi.
"L-lumayas ako--- l-lumayas ako." Tila nay isang bagay na sumaksak sa puso ko at tuluyan akong naluha. Hindi ko na alam ang gagawin ko, wala ako sa ulirat kagabi. Saan na ko titira ngayon?
"Lumayas ka?" Napatingin ako kay Kion at agad na tumayo para umalis na sa lugar na to. Pero pinigilan ako ni Kion, pilit niya kong pinapa-upo sa kama niya.
"Don't go anywhere else! Look at your knees, hindi pa yan magaling. Rest here for awhile at maya-maya ihahatid na kita sainyo. Malamang nag-aalala na mga magulang mo sa'yo." Napailing ako sa sinabi niya. Napatulala ako sa kawalan at gumalaw mag-isa ang bibig ko.
"W-wala na-- lumayas na ko. Wala na kong mapupuntahan." Para akong bata na umiiyak, tinaas ko ang tuhod ko at niyakap ko ito sabay iyak. Mom, Dad--- the thought of living without them kills me. They're my parents, my first love. I thought I could kill them, but I can't. I can't---
"Hey, shhh. You can stay here whenever you want." Niyakap niya 'ko. I felt weird, this is my first time experiencing this, para akong naduduwal pero hindi. Para kay kung anong nangyayari sa tiyan ko, natatae ba ako o ano?
Nang makita niyang kumalma na ako he faced me, he's really close to my face that when I make one wrong move our lips might press with each other. Pinunasan niya ang tumutulo kong luha gamit ang kamay niya, this feeling again pero iba naman ngayon, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa dugo ko. Napalunok ako at tumitig sa mata niya, I felt different.... I feel safe.
"Alam mo hanggang ngayon, hindi ko pa alam pangalan mo." He giggled and stares at me. Umiwas naman ako ng tingin at lumayo sakaniya.
"Ashley... Ashley Miya Torres." Sambit ko at hindi siya tinignan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ba't parang may nalulusaw sa loob ko. Ba't hindi ako makakilos ng maayos. Asan na yung tapang ko? Kayang kaya kong patayin ngayon si Kion pero bakit hindi ko magawa?
"Ashley, what a beautiful name. Breakfast is ready, let's go?" Nilahad niya ang kamay niya, pero parang may sariling utak ang katawan ko at tinanggap iyon. Dumeretso kami sa kusina niya, napansin kong medyo marami-rami ang mga pagkain sa lamesa. May scramble egg, hotdogs, bacons, rice at coffee. Not the typical breakfast I eat sa bahay.
"Sinadya ko talagang damihan yung pagkain para sayo, kumain kang mabuti at magpahinga ka pagkatapos." Umupo siya sa upuan kasabay na rin ang pag-upo ko sa upuan na kaharap siya. Kumulo ang tiyan ko ng maamoy ko ang mga pagkain sa harap ko, hindi pala ako kumain kagabi dahil naglayas ako. Kumuha ako ng maraming kanin pati na rin ulam. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko.
Kain lang ako ng kain, at hindi ko na namalayan si Kion sa harap ko. Parang isang taon akong hindi nakakain dahil sarap na sarap ako sa kinakain ko, kahit hotdog, egg, bacon at kanin lang ito. Hindi ko na inintindi ang paligid at kain lang ako ng kain sa harap ni Kion. Sa mga sandaling iyon, hindi ko inisip ang mga problema para sobrang laya ko sa mga sandaling iyon.
"Easy, Ashley, baka mabilaukan ka." I didn't listen to Kion at tuloy-tuloy lang ako sa pag kain ko. I stopped and face Kion with mouth full of food.
"May sinasabi ka?" I tried to say it clear, pero nagsitalsikan ang mga kanin sa mukha ni Kion, napatawa naman ako ng kaunti dahil doon. Napapikit naman si Kion at pinunasan ang mga kanin na napunta na sa mukha niya galing sa bunganga ko. He chuckled and face me, then there it is again the weird feeling in my stomach, ganon na ba katagal nung tumae ako at ganito ang nararamdaman ko? Nilunok ko ang pagkain sa bibig ko at nakita kong nagcross-arms si Kion sa ibabaw ng table at nilapit ang mukha niya sakin.
"Ang cute mo pala pag ganyan ka. Hindi tulad nung unang kita natin, sobrang sungit mo sakin." Tumawa siya at umiling sabay subo sa pagkain niya. Mainit ba dito ba't parang ramdam ko ang init sa pisngi ko? Baka nga mainit lang, umiling nalang ako at sinubo sa pagkain ko.
"My pad is always open for you, mag-stay ka lang dito when you don't have nothing to go anymore. Pwedeng-pwede kang manirahan dito with me.... if you want." He smiled at me, and stares at me. I can't tell if he's joking or not, but the way he looks at me I think he's serious about it.
"Dito muna ako--- temporarily. Baka magtrabaho na ko tomorrow and start earning money enough para maka-renta ako ng sarili kong matitirahan. Wala akong choice, ayokong maging palamunin sa pad mo." Wala akong magagawa, naglayas na ko sa sarili kong bahay. Sembreak naman so okay lang na magtrabaho muna ako, kahit part time job lang basta may pagkakakitaan ako.
"Actually you don't have to do it. Pag-aaralin nalang kita." I got shocked for what he said. Nagtratrabaho na ba siya? I thought he's like almost 19 years old.
"May trabaho kana?" I asked in amazed. Currently, I'm only 17 turning 18 next month, November 17.
"Of course, silly. I'm already 23 years old." He chuckled. Manghang-mangha ako sa narinig ko, kaya pala nung nagkita kami sobrang formal niya.
"Anong trabaho mo?" I asked.
"CEO of the Shantix Company . Actually, Dad ko ang may-ari ng company, and he's training me para maging ready to handle our company well. My older brother, takes care of my Mom's resort. Lahat kami may business." Sobrang yaman pala niya? But why would he want to help me?
"Why would you want to help me? You should be mad at me kasi mali yung approached ko sa'yo nung una." I said and looked at him. Totoo naman eh, I was so hard on him the very first time we met.
"Maybe, but I don't know, I can't. By the way, fixed yourself and go dress up. You're coming with me, we'll buy groceries. Go take a shower, o kung gusto mo.... Ako nalang magpaligo sayo?" He said and smirked, I looked at him disgustingly.
I headed towards the bathroom and get myself ready. Ugh, I really hate this feeling. Papayag ba ko na ampunin na ko ng lalaking to? I don't know yet, binuksan ko ang shower and let the warm water relaxed my head, as I start cleaning myself.

BINABASA MO ANG
Ashley [OnGoing]
Mystery / Thriller"Please introduce yourself." Naglakad ako sa harapan ng bago kong classroom, I smiled at them and nodded my head. "Hi I'm Ashley, and my hobby is.... killing." [[Devil's God University story is added]]