Chapter 3

203 3 0
                                    

Ashley's POV

Dumaan ang mga araw, matapos kong patayin ang titser naming si Gertrudes, si Jasmine, at yung bata na hindi ko dapat patayin kaso napilitan akong patayin, yung dalawang lalaking gusto akong gahasain. Halos mag-iisang linggo na rin akong hindi nakakahawak ng dugo, yung dugo na galing sa ibang tao. Tila ba hinahanap-hanap na ito ng aking katawan. 

"Miya anak, kakain na tayo nakahanda na yung hapunan." Wala ako sa mood kaya hindi ako umimik at tuloy lang ako sa panonood ng telebisyon sa sala.

"Miya, sabi ko kakain na." Pero wala pa rin akong imik, hindi ako nakakaramdam ng gutom, o kahit ano mang pagkain na balak ko mang kainin.

"Punyeta, sabi ng nanay mo pumunta ka na sa kusina at kakain na tayo!" Sigaw ni Dad habang papalapit sakin na may hawak na sinturon.

"Alex! Huminahon ka nga!" Inawat siya ni Mom at ako dedma pa rin parang hindi ko sila nakikita, pero sa totoo lang naluluha na ko sa ganitong sitwasyon namin palagi.

"Kaya bastos 'yang anak mo! Kase hindi mo tinuturuan ng leksyon!" Dahil sa inis ko tumayo at lumabas sa bahay, kaya ayaw na ayaw ko sa bahay kase ganoon ang naaabutan ko lagi. Sinong anak ang kayang tiisin ang ganon? Wala naman akong mga kaibigan sa mga kapitbahay namin kaya naglilibot-libot lang ako sa paligid.

Habang naglalakad ako palayo sa bahay namin, hindi ko maiwasang maluha dahil sa nangyari. Kasalanan mo to, Alec. Kung hindi kapa sana namatay eh. Pero napatawa lang ako ng mahina sa naisip ko, sinisi ba naman yung patay. Napailing nalang ako at pilit na tinatanggal sa isip ko si Alec. Kumulog ng sobrang lakas dahilan ng paghiyaw ng mga tao sa paligid ko. Ang o-oa naman neto, parang kulog lang, parang mga tanga eh. Natuwa naman ako dahil ibig sabihin lang 'non ay uulan, ewan ba sobrang gusto ko ang ulan. Ramdam ko ang malakas na buhos ng ulan, lahat ng tao sa paligid ay nagsi-pwestuhan na sa lilim kung saan hindi sila mababasa. Samantalang ako, diretso lang sa paglalakad, kahit na nababasa na ko.

Nakadamit lang ako, naka-shorts at naka-tsinelas kaya 'di ko maiwasan ang lamigin, wala naman akong magagawa dahil bigla nalang akong umalis sa bahay namin. Pinagtitinginan ako ng mga tao, pero wala akong pakialam, gusto ko sanang pumatay kaso sobrang dami ng tao sa paligid. Gayon na lamang ang sobrang pagtataka ko ng maramdaman kong wala man lang butil ng ulan akong nararamdaman sa balat ko. Tumingala ako at nakita ko ang isang payong. Saka ako tumingin sa paligid ko at nakita ko ang isang lalaki.

"Ba't di ka pa umuuwi? It's raining, you might get colds." Sambit niya na ikinainis ko, sino ba 'tong gunggong na to? Hindi ako umimik at palihim ko siyang pinagmamasdan kung susundan pa ba niya ako kung saan'g lugar man ako makapunta, dahil pag sinundan pa niya ako sisiguraduhin kong ito na yung isusunod kong patayin.

"Sa'n kaba pupunta? Kanina pa tayo naglalakad ha?" Takang tanong niya pero di niya pinupunta ko siya sa liblib na lugar upang do'n gawin ang masama 'kong balak sa lalaking 'to. Masiyado ka kasing maharot, dodong. Mas maigi nalang kung mawala ka na sa mundong 'to.

"I'm new here, by the way. Gusto ko sana ng guide para dito sa lugar na to. I'm Kion." Mas lalo akong nairita sa pagkamadaldal niya. Lalaki ba to? Bakit parang mas madaldal pa 'to kaysa sakin? At ano bang pake ko sa pangalan niya.

"Cute mo sana kaso ang weird mo." Bulong niya pero hindi niya alam narinig ko 'yon. Huminto ako at humarap ako sakaniya.

"Hindi ako natutuwa sa'yo." Taas kilay na sabi ko. Napangiti siya at naglakad na. Naiwan ako at ramdam ko nanaman ang buhos ng ulan, tinignan ko lang siya habang naglalakad palayo. Bwiset na lalaki yon. Luminga-linga ako sa paligid ko at nakita ko na nasa bagong-bayan pala ang narating ko, medyo malayo-layo na rin sa bahay 'to. Nakita ko ang mahabang upuan sa tabi, naisipan 'kong umupo muna dahil nanginginig yung tuhod ko. Ilang minuto na ang lumipas, tatayo na sana ako para bumalik na sa bahay, dahil hindi pa rin tumitila ang ulan.

"Coffee?" Napatingala ako at nakita ko si Kion sa harap ko at may hawak na kape na galing sa Mcdo. Bigla namang kumulo ang tiyan ko kase kanina pa ko walang kain, umiwas ako ng tingin at hindi tinanggap ang kape na hawak niya.

"Hindi ako naiinom." Mahinang tugon ko at sapat na yon para marinig niya 'ko. Ano 'bang kailangan ng lalaking to? Ano bang paki niya saken?

"Drink this, you're freezing cold." Hindi na ko nakatiis at kinuha ang kape na hawak niya at binuksan ito saka ko ininom. Kitang-kita kong basa na rin siya dahil sa ulan. Naka-polo white siya at pantalon na maong black sa ibaba, napaka-propesyonal tignan, hinawi niya ang buhok niya. Kinuha niya ang payong niya at pinayungan niya kaming dalawa, umupo siya sa tabi ko at kita kong binuksan niya na rin ang kape niya at ininom ito.

"Ano bang ginagawa mo dito, mag-isa?" Tanong niya at rinig kong hinihipan niya yung kape niya.

"Ano bang pakialam mo?" Sambit ko at tumayo na para umuwi na ng bahay, ayaw na ayaw ko talaga yung taong pakielamero. Naiinis ako, salamat naman at hindi niya na ko sinundan. Yung araw ko mas lalong pumangit dahil sakaniya.

Habang naglalakad ako papunta sa bahay, huminga ako ng malalim bago pumasok, dahil alam 'kong puro bukambibig nanaman nila Dad ang maririnig ko. Nakakarindi nalang. Malaki na ko, at kaya ko na ang sarili ko. Kaunting-kaunti nalang talaga yung pasensya ko, 'wag naman na sana nilang sagarin.

"Sa'n ka nanaman nanggaling babae ka ha?! Wala ka na talagang mararating sa buhay mo! Wala ka ng ginawa kung hindi ang bigyan kami ng sakit ng ulo ng nanay mo, puta ka." Hindi nga ako nagkamali at ang bunganga nalang ni Dad yung narinig ko. Sanay na sanay na ko, wala ng bago. Wala ng mas sasakit pa rito, yung sarili mong magulang tinuturing ka lang parang basura at hindi anak.

Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at naligo, araw-araw sinisisi ko ang pumanaw kong kapatid na si Alec, na siya ang puno't dulo kung bakit nangyayari lahat ng 'to saakin. Isang araw, makakaganti rin ako.

Ashley [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon