[This is a CHANGE OF BLOOD and CHANGE OF HEART spin-off.]
***
LILAC can't see colors the normal way.
Ang mga mata niya, parang naka-black and white filter. Dark o light shade, 'yon lang ang kadalasang nagagamit niya para i-describe ang mga "kulay" sa paligid niya. Nagsimulang mangyari ito no'ng sampung taong gulang siya. Thirteen years later, she had gotten used to it.
'Color blind' siya, pero iba ang kondisyon niya sa mga ordinaryong mortal. May mga pagkakataong nakakakita siya ng kulay. Pero depende 'yon sa nilalang na kaharap niya. Gaya ngayon.
Bloody red and warm blue.
'Yon ang mga kulay na nakikita ni Lilac ngayon sa fetus na nasa sinupupunan ng kakambal niyang si Marigold. Ang matingkad na pula na sing kulay ng dugo, sumisimbolo sa pagiging kalahating bampira. Samantalang ang mainit na asul na sing kulay ng dagat ay simbolo ng pagiging kalahating mortal.
"She's still my baby boy," malambing na sabi ni Marigold at marahang hinimas ang malaki nang umbok nang tiyan nito nang mapansin marahil nitong nakatitig siya sa ipinagbubuntis nito. "Alam kong nakikita mo kung ano ang anak ko, Lilac. Sana isipin mo na lang na ang baby na 'to ay baby ko. And she's your nephew."
Inalis muna ni Lilac ang pag-aalala sa mukha niya at sinigurong nakangiti na siya nang mag-angat ng tingin kay Marigold. "Ano bang sinasabi mo d'yan? Ang nakikita ko lang, isang sobrang likot na fetus na magiging heartthrob paglaki niya. Sigurado rin akong siya ang magiging pinaka-spoiled na pamangkin sa buong mundo kapag pinanganak mo na siya. Ano nga pala ang balak mong ipangalan sa kanya?"
Marigold smiled warmly at her. "I decided to call my baby 'Sterling.' Ano sa tingin mo?"
"Maganda sa pandinig ko," nakangitiing sabi ni Lilac sa kakambal. Kahit ano pa ang nasa dugo ng sanggol na ipinagbubuntis ni Marigold, tatanggapin niya ang pamangkin niya ng buo. "Masaya ako na magkakaro'n ka na ng sarili mong pamilya, Marigold."
Lilac and Marigold were fraternal twins. Malaki ang pagkakaiba nila pagdating sa physical appearance. Ang pareho lang siguro sa pisikal nilang anyo ay ang taas nilang five feet five inches.
Marigold had a beautiful and gentle heart-shaped face, shining golden curly locks, warm blue eyes, aristocratic nose, plump red lips, soft fair skin, and voluptuous body. Ito rin ang mas feminine sa kanila dahil parati itong naka-make up at nagsusuot ng magaganda at mamahaling bestida at high heeled shoes. Hindi naman nakakapagtaka 'yon dahil ang kakambal niya, nagtatrabaho bilang executive producer ng isang sikat na entertainment show sa BBS, ang pinakamalaking TV network sa bansa.
Lilac, on the other hand, looked more of an Asian woman with her small face, black straight hair, slanted dark eyes, pointed nose, pinkish lips, pale skin, and skinny frame. Bilang freelance model na walang stable job, parati siyang on-the-go sa porma niyang white V-necked shirt, black ripped jeans, at komportableng sneakers.
"Kailangan mo na ring isipin ang future mo, Lilac," sermon sa kanya ni Marigold sa gentle nitong boses. "Kapag naipanganak ko na ang baby ko, magiging busy na ko sa family ko." Binigyan siya ng kakambal niya ng apologetic na ngiti. "Even if I don't want to, I'm pretty sure we won't see each other as often as we do right now."
"Marigold, alam mo namang hindi talaga tayo puwedeng magkasama ng matagal," biro ni Lilac sa pinasiglang boses. "Bad things happen when we're together."
"Don't say that, Lilac," saway ni Marigold sa kanya. "Siblings should always be together."
Dahil sa babala mula sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanila, lumayo si Lilac kay Marigold pagkatapos ng eighteenth birthday nila. Simula ng maka-graduate siya ng college, hindi siya naghanap ng permanenteng trabaho para makapunta siya sa iba't ibang lugar na malayo sa kakambal. Bumibisita lang siya sa kapatid niya kapag malaki-laki ang kinikita niya mula sa mga sideline niya at may luxury siyang magbakasyon. Umaalis lang siya at naghahanap ng bagong "raket" kapag kailangan na uli niya ng pera.
BINABASA MO ANG
Bad Blood/Bad Romance
VampireNangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunon...