"GUMISING ka, Liliac..."
Kumunot ang noo ni Lilac nang marinig ang pamilyar na boses ng batang babae sa isipan niya. Ilang taon na ba no'ng huling beses niyang narinig ang tinig na 'yon?
"Nangyari na ang nakita kong mga pangitain noon," pagpapatuloy ng batang babae na may malamyos na boses. Para bang napakatalino nito para sa edad nito. Ngayon niya lang naisip na parang hindi tumatanda ang bata. "Kaunting oras na lang, mawawasak mo na ang proteksyong iniligay ko sa isipan mo kung saan nakatago ang mga alaala ng walong taon nating pagsasanay. Kailangan mong gampanan ang papel mo para sa muli kong pagbabalik dahil nagampanan na ng kakambal mong si Marigold ang kanya. Pero sa ngayon, kailangan mo munang gumising at tumakas mula kay Magnus Cadmus Stratton."
Biglang nagmulat ng mga mata si Lilac nang marinig ang pangalan ng bampirang 'yon. Hindi gaya ng inaasahan niya, kadiliman ang sumalubong sa kanya. Sa kabila ng pananakit ng katawan niya, pinilit pa rin niyang bumangon at tumingin sa paligid para alamin kung nasaan siya.
Kung tama ang hinala niya, mukha siyang nasa presidential suite ng isang ospital. Bukod sa malaking kama na kinauupuan niya, may naaaninag siyang munting sala at maliit na kusina sa kuwarto. Ang wala lang siguro ay malaking flat screen TV. Plain wall lang ang nasa harapan ng kama.
And damn. She just remembered what happened at Denim's condo.
Nasa'n ka, Tyrus?
Pakiramdam ni Lilac ay namutla siya nang maalalang sinalo ni Tyrus ang lahat ng patalim na para sa kanya dapat. Hindi nga lang niya maalala ang sumunod na mga nangyari dahil may matigas na bagay namang tumama sa ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay.
But obviously, we're kidnapped.
Sana lang ay buhay pa si Tyrus na gaya niya.
"Lovely evening to you, child."
Napapiksi si Lilac nang marinig ang gentle at malambing na boses. Nang sundan niya ang pinanggalingan ng tinig, nakarating ang mga mata niya sa windowsill ng salaming bintana kung saan nakaupo at naka-de kuwatro ang isang magandang bampira na nakasuot ng dark classy long dress na may katerno pang shawl. Lumulutang sa dilim ang ginintuan nitong buhok at mala-emerald na mga mata. Pero ang mas nakakuha ng atensiyon niya ay ang hawak nitong wineglass na naglalaman ng pulang likido.
Hindi niya alam kung magagandahan o kikilabutan siya dahil nakadagdag sa appeal ng puwesto ng bampira ang pagtagos ng sinag ng buwan mula sa salaming bintana.
"Dugo ng usa," sabi ni Lilac, nakatingin sa wineglass. "Puwede palang uminom ng dugo ng mga hayop ang mga tulad mong full vampire."
"Dugo ng mga tao lang naman ang ipinagbabawal ng sumpa ni Mayumi," magaang na sagot ng bampira. "Wala siyang sinabing hindi kami puwedeng uminom ng dugo ng ibang nilalang."
Nag-angat si Lilac ng tingin sa magandang bampira. Kahit maamo ang mukha nito, mabigat pa rin ang presensiya nito. Ang bampirang ito ay isang Nobleblood. "Cerise Alessandra Stratton?"
"Ah, where are my manners?" nakangiti habang iiling-iling na sabi naman ni Cerise, saka ipinatong ang wineglass sa windowsill. Pagkatapos ay tumayo ito at nag-curtsy sa kanya sa pinamahinhin at pinaka-pinong galaw na nakita niya sa isang babae. "Cerise Alessandra Stratton, ladyship of this manor."
"Do I have to curtsy to you as well?" sarkastikong tanong ni Lilac.
Tumayo ng deretso si Cerise at ngumiti sa kanya. "Mukhang may masamang impresyon ka sa mga tulad kong purong bampira."
Humigpit ang pagkakahawak ni Lilac sa comforter na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Ngayong nababawi na niya ang lakas niya, bumabangon na rin ang galit niya. "Pinatay ni Magnus Cadmus Stratton ang kakambal ko. Paanong gaganda ang tingin ko sa mga tulad mo pagkatapos ng ginawa niya?" Hinagis niya ang comforter at tumayo. Hindi naman siya pinigilan ni Cerise. "Nandito ba ang pinsan mo?"
BINABASA MO ANG
Bad Blood/Bad Romance
VampireNangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunon...