TUMINGIN si Denim kay Finn sa ibaba. Nakatayo ito sa dugong naiwan ni Eton sa kalsada. Tinangka ni Finn na tumalon para siguro sundan sila, pero hindi ito nakakilos kaya napatingin ito sa mga paa.
Nanlaki ang mga mata ni Denim nang makita ang nangyayari kay Finn: mabilisn na nagiging yelo ang dugo ni Eton at binabalot niyon ang mga paa ng best friend niya! Ilang segundo lang, nabalot na ng yelo ang mga paa ni Finn hanggang sa baywang nito, kaya hindi na ito makaalis sa kinatatayuan!
Umangil si Finn na parang galit na galit, pagkatapos ay nilabas nito ang mahahaba at matatalas na kuko, saka nito sinubukang basagin ang yelo sa katawan nito.
"Finn!" nag-aalalang sigaw ni Denim. Sinubukan niyang tumalon mula sa pagkakakarga sa kanya ni Eton, pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. She turned to him with a pleading look. "Hindi naman mababasag ang katawan ni Finn na nabalot ng yelo, 'di ba?"
Eton glared and growled at her. Sa totoo lang, intimidating ang lalaki dahil pula na ang mga mata nito, at nakalabas pa ang dalawang pangil na tanda na lumabas ang pagiging kalahating-bampira nito. Idagdag pa na nagtatatalon sila ng pagkataas-taas gamit ang matatayog na punong nakahilera sa magkabilang-gilid ng kalsada. Kung minsan naman, sa mga lamppost. Pero hindi siya natakot.
Umangil din si Denim na halatang ikinabigla ni Eton na biglang kumalma ang mukha, hindi gaya kanina na parang galit na galit ito. "Buong buhay ko, inaangilan na ko ng mga bampira sa paligid ko. Tingin mo, matatakot pa ko sa paangil-angil mo?" Sa inis niya, muli na naman siyang nag-"dial" sa dibdib ni Eton gamit ang daliri niya. "First, alam kong hindi puwedeng uminom ng dugo ng mga tao ang mga bampira. Second, alam ko ring hindi puwedeng saktan ng mga Bloodkeeper ang mga mortal, lalo na ang mga civilian like me. Hindi nga ako puwedeng madamay sa war niyo, eh. And lastly, kung gusto mo kong i-date, you should have just asked me out. You don't have to do this. Sasama naman ako sa'yo, ha?"
"Sa daldal mong 'yan, mukhang hindi mo naiintindihan ang sitwasyon mo," iiling-iling na sabi ni Eton. "Mataas ang sunod kong tatalunin. Kung may natitira ka pang lakas, gamitin mo na lang 'yan sa pagpikit kaysa sa pagdaldal," sabi nito, saka ito huminto sa tuktok ng mataas na puno habang nakatingala sa kaharap nilang mataas na building.
Napalunok si Denim. Nasa vicinity pa sila ng condominium building nila kaya napapaligiran pa sila ng matataas na building. May ideya na siya kung saan pupunta si Eton kaya pumikit siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. "Go. Ready na ko."
"I'm not asking for your permission," masungit na sabi ni Eton, saka ito tumalon.
Sinubsob ni Denim ang mukha sa matigas at mabangong dibdib ni Eton. Napigilan niya ang pagtili dahil hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na may Bloodkeeper na kumarga sa kanya habang nagtatatalon sa matataas na lugar. Kapag nag-ma-moutain climbing sila ni Finn noon, kinakarga lang siya ng lalaki paakyta sa tuktok ng bundok.
Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang maramdaman ang pagbagsak nila ni Eton. Ang sunod niyang naramdaman ay ang paggulong niya sa matigas at malamig na sahig.
Masakit, ha!
Nang nagmulat si Denim ng mga mata, natagpuan niya ang sarili na nakadapa sa rooftop ng isang building na mukhang helipad. Mahapdi ang mga braso at tuhod niya kaya siguradong may mga sugat siyang nakuha mula sa pagbagsak at paggulong niya.
Pero mas nangibabaw ang pag-aalala niya nang makita si Eton na nakaluhod sa sahig, nakatukod ang mga kamay sa kalsada. Mabigat ang paghinga nito at wala pa ring panay ang pagdugo ng dibdib.
"Nauubusan ka na ng dugo, Eton," nag-aalalang sabi ni Denim, saka siya mabilis na tumayo at naglakad palapit kay Eton kahit iika-ika siya dahil masakit ang kanang binti niya. "Mukhang mabagal din ang recovery mo dahil malalim ang sugat mo. Kailangan mo nang magamot..."
BINABASA MO ANG
Bad Blood/Bad Romance
Про вампировNangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunon...