18th Confrontation

2.2K 132 4
                                    

"BAKIT hindi mo na lang inutusan si Denim na siya mismo ang kumuha ng kuwintas dito sa condo niya?" nagtatakang tanong ni Lilac kay Tyrus habang nasa elevator sila paakyat sa floor kung saan nakatira si Denim kapag nagtatrabaho ang babae.

Nanatiling deretso ang tingin ni Tyrus at nakapamulsa pa. "I'm only half-vampire, Lilac. Hindi ko kayang i-hypnotize si Denim ng matagal. She'll snapped out of it eventually. Thirty minutes na ang pinakamatagal na makokontrol ko ang isipan niya. Kung siya ang inutusan kong kumuha ng kuwintas sa condo niya, baka sa biyahe pa lang papunta sa building na 'to ay "magising" na siya."

Napa-"ah" naman si Lilac habang tatango-tango. "Kaya inutusan mo na lang siya na ibigay sa'tin ang keycard ng condo niya, saka mo siya pinapunta kay Eton."

Tumango si Tyrus. "Tinawagan ko na si Eton nang umalis si Denim kaya alam na niya ang sitwasyon."

"Will this be okay, Tyrus?" nag-aalalang tanong ni Lilac. "Hindi ba talaga maaalala ni Denim ang kakaibang mga utos mo sa kanya?"

"Hindi niya maaalala 'yon dahil kasama 'yon sa utos ko sa kanya," confident na sagot ni Tyrus. "Sinabi ko sa kanya kanina na kalimutan ang paghingi ko sa keycard niya kapag nakarating na siya sa grocery store kung nasaan si Eton. Ang maaalala na lang niya ay ang pagsasabi ko sa kanya kung nasa'n ang kakambal ko. Dahil sa dugong salamangkera ng aming ina, mas mabisa ang paghihipnotismo ko sa mga mortal." Nilingon siya ng lalaki. "Kailangan nating bilisan, Lilac. Hindi ko sigurado kung ga'no katagal ma-be-babysit ni Ethan si Denim." Saglit itong natigilan. "But actually, I'm more worried that Denim might jump my brother as soon as she sees him. She looks like the aggressive type."

Natawa si Lilac. "Mukhang gustung-gusto talaga ni Denim si Eton."

"Too bad for her," iiling-iling na sabi ni Tyrus. "Iisang babae lang ang nakikita ni Eton."

Itatanong sana ni Lilac kung sino, pero bumukas na ang elevator at nauna nang lumabas si Tyrus. Mabilis naman siyang sumunod sa lalaki at gaya ng bilin nito kanina, dalawang hakbang ang layo niya rito. Precautionary measure siguro 'yon para maprotektahan siya nito kung may mangyari mang masama.

Nang marating nila ang condo unit ni Denim, sinenyasan siya ni Tyrus na tumigil muna. Nang tumango siya, kumilos naman ang lalaki at dinikit ang tainga sa pinto na para bang pinapakinggan o pinapakiramdaman kung may tao o kung anong nilalang sa loob.

Ayaw mang aminin ni Lilac, pero bigla siyang kinabahan.

"I don't hear nor feel anything off inside," anunsiyo ni Tyrus, saka nito ini-slide ang keycard sa pinto. Nauna itong pumasok para silipin ang loob bago siya nito sinenyasan. "It's safe, Lilac."

Tumango lang si Lilac, saka siya sumunod kay Tyrus sa loob ng condo.

Namangha agad siya sa sumalubong sa kanya na malaking portrait ng magandang mukha ni Denim na nasa dingding. Lahat ng gamit, furniture, at appliance na nakikita niya sa sala pa lang, halatang mamahalin na. Spacious din ang lugar para sa isang tao lang. Mas malaki 'yon kaysa sa condo ni Marigold noon.

Ah, everything seems to remind me of my twin sister.

Naputol lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang pagsara ng pinto.

And then it happened.

Hindi alam ni Lilac kung ano 'yon, pero pagkasarang-pagkasara ng pinto ay may napakalakas na puwersang napagluhod at nagpayuko sa kanya. Bigla ring nanayo ang mga balahibo niya at nanginig ang katawan niya sa takot kahit wala pa namang nangyayari para makaramdam siya ng gano'n.

Pero ang mas ikinagulat niya ay nang mapaluhod din si Tyrus sa kanyang tabi kahit halata namang pinigilan nito kung ano man ang napakalakas na kapangyarihang nakabalot sa buong condo ngayon. Umaangil ang lalaki na parang mabangis na hayop hanggang sa magbago ang shade ng mga mata nito. Lumabas na rin ang mga pangil at kuko nito na para bang ginagamit nito ang buong lakas para lumaban.

Bloodlust ba 'tong nararamdaman namin?

Humugot ng malalim na hininga si Lilac nang mapansin niyang naninikip na ang dibdib niya. Parang sino-suffocate siya ng makapal, malakas, pero masamang enerhiya na napaloob sa buong unit.

Damn. I can't breathe!

"Lilac...?"

Kahit mabigat na ang katawan ni Lilac, pinilit niya ang sariling lingunin si Tyrus. Ah, lumabas na nga ang pagiging kalahating-bampira ng lalaki. Mas lalo itong namutla sa paningin niya. Malamang, gaya niya ay nahihirapan itong labanan ang napakalakas na Bloodlust sa paligid. "I'm fine," pag-a-assure niya kay Tyrus at para hindi ito mag-alala, ngumiti pa siya. "Don't worry about me."

Nagtagis ang mga bagang ni Tyrus pero alam niyang hindi para sa kanya ang galit ng lalaki. "You're not okay. I'll get you out of here, Lilac," determinadong sabi nito, saka inangat ang kamay nito na may mahahaba at halatang matatalas na kuko.

Bago pa makapagtanong ni Lilac kung ano ang gagawin ni Tyrus, kumilos na ang binata na ikinagulat niya ng husto.

Hiniwa ni Tyrus ang dibdib nito pababa sa sikmura nito. Natural na napunit din ang suot nitong polo, gano'n din ang balat nito na mabilis bumukas at nilabasan ng sariwang dugo. Parang gripo ang paglabas ng pulang likido sa katawan ng binata na walang naging reaksyon sa ginawa nito sa sarili.

Napansin ni Lilac na nakatitig si Tyrus sa dugo nito habang malalim ang konsentraston. Sunod naman niyang napansin na 'yong dugo ng lalaki, parang nagkaro'n ng sariling buhay dahil himbis na sa paligid lang nito, biglang nagkahugis ang malapot na likido at kumalat sa buong sahig na parang mga ahas.

Inuutusan ba ni Tyrus ang dugo niya na kumalat sa buong condo?

"Tyrus, what are you planning?" kabadong tanong ni Lilac.

Isang malakas na sigaw lang ang sagot ni Tyrus. And as soon as he growled at the back of his throat, his "snake-like" blood that was scattered on the floor turned into a huge, bright, burning flame.

Beautiful.

Ang mas ikinatuwa pa ni Lilac, hindi siya napapaso o naiinitan kahit nasa gitna sila ng apoy na gawa sa dugo ni Tyrus. Kaya rin bang utusan ng lalaki ang dugo nito kung kailan lang magiging mapanganib sa iba?

Unti-unti, humina ang pagsigaw ni Tyrus at naging ungol 'yon na para bang nahihirapan na ito. Pagkatapos, naitukod nito ang mga kamay sa sahig, halatang nanghihina na dahil malalalim ang hiningang hinuhugot nito habang nakayuko. "Damn."

"What's wrong, Tyrus?"

"My flame can't break the barrier," frustrated na sagot ni Tyrus. Nang lingunin siya ng lalaki, kitang-kita niya sa mukha ng lalaki ang matinding pag-aalala para sa kanya. "I was trying to make a safe way out for you. Pero kahit ang mga salamin sa condo na 'to, hindi mabasag ng apoy at dugo ko."

Nagulat si Lilac sa narinig. Nang lumingon siya sa paligid, no'n lang niya napansin na walang nasusunog o nasisira man lang ang apoy ni Tyrus. Protektado nga ng malakas na kapangyarihan ang buong condo! Isa lang ang ibig sabihin no'n. "We're trapped."

Bad Blood/Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon