23rd Confrontation

2.3K 108 5
                                    

SUMALUBONG kay Eton si Denim na nakaupo sa likod ng mahogany table at nakapalumbaba. Hindi niya aaminin, pero nagulat siya nang makita ang simpleng ayos ng babae ngayon, malayo sa nakasanayan niyang magagarang bestida at makapal na koloreteng nakasanayan niyang makita rito. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok at wala ring "make-up." Parang natural naman ang pamumula ng mga pisngi nito at ang mahahaba nitong pilik na dahilan kaya mala-manika ang maliit nitong mukha. Kaswal din ang damit nito. Because of her simplicity today, her youthful and natural beauty seemed to glow even more.

Damn! Ano ba 'tong pinag-i-iisip ko?

Ngumiti si Denim nang makita siya. "Hello, baby boy. I'm glad to see that you're fully recovered now."

"Stop calling me that," naiinis na saway ni Eton kay Denim, saka niya sinara ang pinto. "May pangalan ako at alam mo kung ano 'yon."

Tumango si Denim. "I know. You're my Baby E."

Bumuga na lang ng hangin si Eton. Wala nang pag-asang makausap ng matino ang Denim na 'to. Umupo siya sa gilid ng mesa, paharap sa babae, habang nakahalukipkip at nakatingin ng masama rito. "Bakit gusto mo kong makausap?"

"Gusto ko lang makasigurong buhay ka," halos pabulong na sabi ni Denim. Nawala na ang pagbibiro sa boses nito at napalitan na 'yon ng takot. "Mabuti na lang at nakatakas ka bago pa dumating si Finn. Alam kong wala kang pakialam sa'kin, pero bukod sa kaunting gasgas, wala na kong ibang injury."

Mabilis namang bumaba ang tingin ni Eton sa mga braso ni Denim. Nakapalumbaba ito kaya kitang-kita niya ang sinasabi nitong mga gasgas. Hindi niya aaminin, pero may sumuntok sa dibdib niya. Hindi naman niya sinasadyang mabitawan si Denim no'ng nasa rooftop na sila. Nanghina lang talaga siya dahil sa maraming dugo na nawala sa kanya para gawing yelo.

"Ngayong na-confirm ko nang buhay ka, ako naman ang magtatanong sa'yo," pagpapatuloy ni Denim. "Sino si Marigold Hamilton?"

Mabilis na nag-angat ng tingin si Eton sa mukha ni Denim. Bakas sa mukha nito ang takot at pag-aalinlangan, kaya sigurado siyang hindi inutos ni Finn ang pakikipagkita sa kanya. Even Isabel sensed this girl's fear and she was a good judge of character. "Tinakasan mo ba si Finn?"

Namula ang mukha ni Denim. Mula sa pangangalumbaba ay sumandal ito sa swivel chair at humalukipkip habang nakatingala sa kanya. "Siguro."

"'Yong "stalker" na sinabi mo kay Isabel, Bloodsucker 'yon, 'di ba?" nakataas ang kilay na tanong ni Eton. "Hinahabol ka ng bantay mong bampira kaya ka nagtatago rito. Bakit mo sila tinakasan?"

"Kasi alam kong hindi papayag si Finn na makialam ako sa masamang ginagawa niya," sagot ni Denim sa boses na halata man takot, mariin pa rin na para bang nagtatapang-tapangan ito. "'Yong unicorn necklace na pinag-aagawan niyo, nakita ko na kung ano ang laman no'n."

"Nasa'n ang memory card na 'yan, Denim Blue Benitez?"

"Tinago ko 'yon at hindi ko ibibigay sa kahit sino hangga't hindi ko nakukuha ang mga sagot na gusto ko," mariing sagot ni Denim. "Pero napanood ko ang lahat ng videos na nasa memory card, except do'n sa isang folder na naka-lock at kailangan ng password."

Eton was frustrated. Pero hindi ang pagbawi sa memory card ang priority niya ngayon. Kailangan muna niyang alamin kung ano ang nasa isip ni Denim. "Ano ang laman ng videos na napanood mo?"

"The videos are like a documentary of a certain Marigold Hamilton," sagot ni Denim sa halos pabulong na boses. "Siya ang narrator sa lahat ng vids na nasa memory card. Dino-document niya in secret ang masamang ginagawa ng isang maliit na private hospital sa Bulacan."

"What kind of activity are you talking about?"

Napalunok muna si Denim bago nagsalita sa basag na boses. "Si Marigold Hamilton, based on the first video she made, mukhang naka-confine siya sa ospital na 'yon dahil sa maselan daw niyang pagbubuntis. Pero habang nando'n daw siya, marami raw daw siyang napansing kakaiba. Nakikita raw niya si Finn, ang "secretary" daw ng fiancé niya, na dumadating sa ospital kapag sobrang late na at may kasama pa itong pamilyar na mga babae. Nang i-research daw niya kung sino ang mga 'yon, nalaman niyang ang mga babaeng 'yon ang mga nawawalang starlet nitong nakaraang buwan. Ang ipinagtataka niya raw ay ang kawalan ng presence ng mga pulis. Nang tanungin daw niya ang mga hospital staff tungkol sa mga starlet na nasa ospital, sinabi raw ng mga ito na walang naka-confine na kahit sinong artista do'n. Pero ang sabi raw ni Marigold, sigurado raw siyang nakita niya ang mga babaeng 'yon na buntis pa raw."

Bad Blood/Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon