19th Confrontation

2.1K 113 3
                                    

"BINGO!"

As soon as that deep baritone voice echoed in the whole place, the powerful Bloodlust disappeared. So was Tyrus's burning flame. Sa madaling salita, bumalik sa normal ang buong paligid.

Humugot ng malalim na hininga si Lilac para ibalik sa normal ang kanyang paghinga. Wala na 'yong malakas na puwersang pumipilit sa kanyang lumuhod. Pero hindi pa rin nawala ang takot niya nang makita ang isang pares ng itim na mga sapatos. Habang tumataas ang tingin niya, nadodoble rin ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya na dala ng matinding kaba.

Brasong may patalim na gawa sa dugo.

Nakangising mga labi na may dalawang mahahaba at matatalas na pangil.

Magkaibang kulay ng mga mata: light sa kaliwa, dark sa kanan.

Pamilyar na mukha.

"Miguel Lorenzo Benitez..." hindi makapaniwalang bulalas ni Lilac habang titig na titig sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Ang kulay ng dugo nito na sa paningin niya noon ay mainit na asul lang, nahaluan na ng kakaibang tingkad ng pula. If she wasn't mistaken, the shade was called magenta. "Paanong nangyaring may dugo ka na ng bampira ngayon?"

Ngumisi si Miguel, nakatingin pababa sa kanya na para bang naaaliw. "Finn is telling the truth, huh? Nakikita mo ang kulay ng buhay na dugo sa kakaibang paraan, at do'n mo binabase kung anong klaseng nilalang nasa harapan mo."

Nanlaki ang mga mata ni Lilac sa gulat. "Paano mo naman nalaman ang tungkol sa ability ko?

"Oh, that's very easy," sagot ni Miguel na parang nababasa ang isipan niya. "Finn is a good observant, you see. Pinaiwan ko siya sa condo ni Marigold ng araw na 'yon dahil alam kong darating ang kakambal niya. At dumating ka nga, Lilac Alonzo. Simula no'n, sinusubaybayan ka na ni Finn nang hindi mo alam. Gamit ang dugo ng Bloodkeeper na 'yon, nagagawa niyang ikubli ang sarili niya. 'Yon nga lang, mula sa malayo ka na niya pinag-aralan dahil alam niyang nakikita mo ang dugo niya kapag malapit siya sa'yo."

"Magnus Cadmus Stratton!" galit na sigaw ni Tyrus, kay Miguel nakatuon ang mapanganib na tingin. "Paano mo nagawang saniban at gamitin ang katawan ng isang mortal?!"

Nalipat ang naaaliw na tingin ni 'Miguel' kay Tyrus. "That's the amazing thing about the Noblebloods, Tyrus Hector Rousell. Walang imposibleng gawin sa napakalakas naming dugo na nagmula mismo sa mga Rareblood." Tinuro ni Miguel ang dulo ng patalim sa braso nito kay Tyrus. "Pero hindi mo maiintindihan ang bagay na 'yon dahil isa ka lang hamak na Bloodkeeper. Kalahating-bampira na kailanman ay hindi mararanasan ang nakakabaliw na kapangyarihang taglay ng mga purong katulad ko."

"Ang Bad Blood," parang hindi makapaniwalang bulalas ni Tyrus. "Sinusubukan mo bang gawin ang luma at ipinagbabawal na paraan ng mga bampira sa pang-aagaw ng katawan ng ibang nilalang?"

Tumawa lang si Miguel. "Wala akong oras magpaliwanag sa isang mababang uri ng nilalang na tulad mo, Bloodkeeper."

Tyrus growled angrily. Pagkatapos, sa mabilis na pagkilos ay tumayo ito at patalong sumugod kay Miguel. Nakaangat na ang mga kamay nito na parang handa nang lumaban.

Mabilis namang tumayo si Lilac at dinikit ang sarili sa dingding, malayo sa labanang magaganap dahil ayaw niyang alalahanin pa siya ni Tyrus habang nakikipaglaban ito. Pero sa totoo lang, kung hindi niya lang alam na makakagulo lang siya, sinugod na rin niya si Magnus kahit pa nasa katawan ito ni Miguel na malamang ay walang alam sa nangyayari ngayon.

Ang walanghiyang bampirang 'to ang pumatay kay Marigold!

Naikuyom niya ang nanginginig niyang mga kamay. Sa pagkakataong 'yon, dala na ng matinding galit.

Please kill that old vampire for me, Tyrus.

Tinangka ni Tyrus na ibaon ang kamay nito sa dibdib ni Miguel pero nasangga ng huli ang pag-atake gamit ang talim na gawa sa dugo. Ang braso ni Miguel, parang ulo ng pating na may matulis na fin. Mukhang hiniwa ang braso ng matanda at ang dugong lumabas mula ro'n ay naging patalim.

Si Miguel naman ang kumilos. Gamit ang isang braso nito, mabilis nitong binaon ang kamay sa dibdib ni Tyrus. Tumawa pa ang matanda nang magtagumpay ito.

Napasinghap naman si Lilac, nanlalaki ang mga mata, nang tumagos ang kamay ni Miguel sa dibdib ni Tyrus na napasigaw ng malakas na parang nasasaktan ito. "Stop!" sigaw niya, saka siya tumakbo palapit sa dalawa. "Bitawan mo si Tyrus!"

Hindi nasundan ng mga mata ni Lilac ang mga pangyayari.

Nakita na lang niyang humagis si Tyrus at nabasag pa ang salaming pinto papunta sa balkonahe kung saan bumagsak ang katawan ng lalaki.

At natagpuan naman niya ang sariling nakadikit sa dingding habang sinasakal siya ni Miguel.

"Ah, nahawakan din kita sa wakas," nakangising sabi ni Miguel. "Ang pinakamamahal na kakambal ni Marigold Hamilton."

Sinubukan ni Lilac na alisin ang kamay ni Miguel sa leeg niya pero hindi ito natinag kahit anong kalmot, suntok, at kurot niya sa braso nito. Parang naging sing tigas na rin ng bakal ang katawan nito. Hindi naman mahigpit ang pagkakasakal nito sa kanya, pero hindi niya gusto ang posisyon niya ngayon.

"Huwag ka nang manlaban, munting binibini," playful na banta ni Miguel, kumikislap ang mas madilim na shade sa magkaibang kulay na mga mata nito. "Baka bigla kong mabali ang payat mong leeg."

"Paano mo nalaman na papunta kami rito?" tanong ni Lilac para i-distract si Miguel.

Nakita niya kasing kumilos si Tyrus. Kailangan niya 'tong bigyan ng oras para mabawi ang lakas kahit paano. Ngayong nabasag na ang salaming pinto ng balkonahe, may daan na sila palabas. Ayaw niyang tumatakas sa laban, pero sa malalang kalagayan ni Tyrus, alam niyang matatalo sila dahil hindi na kayang lumaban ng lalaki.

Mas gugustuhin na niyang tumakas sa ngayon kaysa ang mamatay nang hindi naipaghihiganti si Marigold. Puwede pa naman silang bumawi sa susunod.

"Si Finn ang nagplano ng lahat ng 'to," nakangising sagot ni Miguel. "Alam niyang gusto niyong makuha ang kuwintas ni Marigold, kaya ginawa niya 'yong pain para kayo na ang lumapit sa'min. All Finn had to do was manipulate Denim to meet you at the mall. He made that phone call on purpose. Inasahan na niyang ganito ang magiging pagkilos niyo dahil alam niya ang takbo ng isip ng mga kapwa niya Bloodkeeper." Iminuwestra nito ang paligid gamit ang isang kamay. "At hinintay ko naman kayo dito."

Umangil lang si Lilac sa galit. Marami pa sana siyang gustong itanong pero nakita na niyang tahimik na tumatayo si Tyrus, kaya kumilos na rin siya. Tinitigan niya sa mga mata si Miguel. Kung si Magnus ang nasa loob nito, magtatagumpay siya. "Sleep," mariing sabi niya gamit ang lengguwahe ng mga salamangkera.

Nanlaki ang mga mata ni Miguel, halatang nagulat. Pero bago pa ito makakilos, lumuwag na agad ang pagkakahawak nito sa leeg niya at bumagsak nang wala nang malay.

Literal na nakahinga ng maluwag si Lilac. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papunta kay Tyrus dahil sigurado siyang ilang segundo lang ang itatagal ng pagtulog ng malakas na nilalang na gaya ni Magnus. Kailangan na nilang makatakas.

Kung kelan malapit na siya sa balkonahe, saka niya nakita ang pag-ma-materialize ng pisikal na katawan ni Finn na nakatuntong sa railing ng balcony. May nakaipit na mga patalim sa mga kamay nito. Sa kanya nakatuon ang masamang tingin ni Finn, gano'n din ang mga sandata ng masamang Bloodkeeper.

Lilac froze in fear.

"Lilac!" sigaw naman ni Tyrus, saka ito mabilis na tumakbo palapit sa kanya.

The next thing Lilac knew, she was already enclosed in Tyrus's arms.

At sumisirit na ang napakaraming dugo mula sa katawan nito dahil sa pagbaon ng mga patalim na para sana sa kanya sa likod nito.

Bad Blood/Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon