DENIM put her oversized sunglasses on the top of her head when she stepped out of the car.
Napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang malaking mansiyon ng kanyang Uncle Miguel. Confirmation 'yon na oo, pinutol niya ang bakasyon niya sa New York para umuwi ng Pilipinas. Which meant she needed to deal with the family drama that she started.
Pagpasok niya sa mansiyon, sumalubong agad sa kanya ang nakangiting si Cerise Alessandra Stratton, ang Nobleblood na pinagsisilbihan ng kanyang pamilya, na hinihintay siya sa tapat ng grandstaircase. This old vampire had always been good to her. In fact, her Aunt Cerise had been like a mother to her ever since her biological mom died a long time ago.
"Aunt Cerise," nakangiti at excited na bulalas ni Denim. Nakakaisang hakbang pa lang siya kaya nagulat siya nang bigla ay nasa harap na niya ang bampira. Natawa tuloy siya. "I missed you!"
The lady of the house greeted her with a tight hug. "Welcome back, my darling. I missed you, too."
Hindi niya alam kung gaano gaano katagal nang nabubuhay sa mundo si Aunt Cerise, pero sigurado siyang matagal nang huminto ang pagtakbo ng oras para rito dahil nanatiling bata ang anyo nito.
With Cerise Alessandra Stratton's golden braided hair, small angelic face, stunning emerald eyes, pointed nose, vivid red lips, her classic beauty was timeless. She also had a gorgeous slim figure and glamorous long legs that international models would surely kill for. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito kahit hanggang talampakan ang suot nitong itim na bestida.
Very classy.
Umabistre sa kanyang braso si Aunt Cerise at marahan siyang inakay paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong 'yon ay sinabayan siya ng bampira sa mabagal na paglalakad. Well, mabagal para rito pero 'yon naman ang normal na bilis para sa mga tulad niyang ordinaryong mortal.
"How was your flight, darling?" tanong ni Aunt Cerise sa gentle nitong boses.
"It was fine, Aunt Cerise," simpleng sagot ni Denim, nakalabi. "But I really dreaded coming back. Kung hindi dahil sa binalita mo sa'kin, hindi pa ko uuwi. I don't want to see Uncle Miguel yet."
Bumuntong-hininga ang kanyang Aunt Cerise at hinawakan ang kanyang kamay. "Denim, dear, unawain mo na lang ang Uncle Miguel mo. Isa pa, sa edad niyang 'yon, hindi naman nakakapagtaka kung magkaro'n siya ng karelasyon. Your uncle is already in his early fourties."
Sumimangot si Denim. A month ago, she found an ultrasound copy of a baby boy in Uncle Miguel's suit jacket when she was looking for her credit cards that her uncle confiscated as a punishment for her "improper behavior" (aka firing her new PA, again). "Aunt Cerise, wala namang problema sa'kin kung gusto nang mag-settle down ni Uncle Miguel. Pero sana naman, 'yong ka-level namin ang dine-date niya. But no. He's dating girls my age from small and unknown acting agencies. 'Yon ang hindi ko matanggap."
Her uncle was Miguel Lorenzo Benitez, president of a huge TV network who also owned New Dimension Pictures, a movie company known for producing blockbuster films.
Bilang nag-iisang pamangkin ng kanyang tiyuhin na tinuring na rin niyang parang tunay na ama simula nang maulila siya no'ng tatlong taong gulang pa lang siya, hindi naman katanggap-tanggap na nakikipag-date lang ang Uncle Miguel siya sa mga starlet. Sigurado kasi siyang ginagamit lang ng mga babaeng 'yon ang tiyuhin niya para magkaro'n ng big break sa showbiz. Ang ayaw niya sa lahat ay ang ginagamit ang pamilya niya dahil sa yaman nila.
When she brought up her concern, she and her Uncle Miguel had an ugly fight. Nagtampo siya sa tiyuhin niya dahil sa unang pagkakataon, hindi siya nito pinakinggan. Dahil sa sama ng loob, naglayas siya at nagbakasyon sa America ng halos isang buwan.
BINABASA MO ANG
Bad Blood/Bad Romance
VampireNangako si Lilac sa sarili na ipaghihiganti ang kamatayan ng kakambal na si Marigold at ng pinagbubuntis nitong sanggol- kahit pa isang makapangyarihan at purong bampira ang kakalabanin niya. Salamat sa mga salamangkerang nagpalaki sa kanya, marunon...