1st Confrontation

6K 193 5
                                    

"ANO'NG sabi ni Number 0 kay Number 8? Eh di, "bakit naka-belt ka?"" pagbibitiw ni Lilac sa joke niya sa pagitan ng hindi niya mapigilang hagikgik. Sa sobrang tawa niya sa sariling joke, pumalakpak at pumadyak-padyak pa siya. Ang sakit na rin ng tiyan niya sa katatawa.

Pero unti-unti rin siyang natigilan nang mapansin niya na sa buong audition room, sa limang judges na nakaharap sa kanya mula sa panel, ay wala man lang ni isang tumawa o napangiti man lang.

Tumikhim naman si Lilac at mabilis sumeryoso. Yumuko rin siya at inipit sa likod ng tainga niya ang buhok na kumawala mula sa messy bun niya habang sinisilip ang seryosong mukha ng mga judges (na binubuo ng executive producer, direktor, scripwriter, casting director, at main sponsor). Tuluyan nang bumaba ang tingin niya sa sahig nang napansin niyang walang natuwa sa joke niya.

Nasa audition siya para sa isang supporting role para sa upcoming movie na ipo-produce ng sikat na production company na New Dimension Pictures. Ang personality ng role na gusto niya sanang makuha ay bubbly, makulit, at maingay. Sakto 'yon sa personalidad niya kaya nga hindi na siya masyadong nag-effort, maging sa porma. Messy bun, crop top, denim jumpsuit, Converse shoes. Gano'n lang ang ayos niya dahil nasa late teens naman na ang character na pinag-a-apply-an niya.

After the judges asked her to act out a particular scene in the script, they asked her to "entertain" them even more. Kaya binato niya ang pinakamabentang joke niya. Tawang-tawa siya nang marinig 'yon noon kaya bakit walang nag-react ngayon?

Ang K-KJ naman ng mga Titos of Manila na 'to.

Lilac was about to lose hope when she heard that soft yet manly laugh.

Mabilis umangat ang tingin niya sa pinanggalingan ng mahina at parang pigil pa na tawa. Nagulat siya nang sumalubong sa kanya ang mestizong executive producer na presidente din ng New Dimension Pictures na si Miguel Lorenzo Benitez.

Na-impress ko ba ang big boss?

Walang kakayahan si Lilac na makakita ng kulay kaya black and white ang "filter" ng mga mata niya. Pero nakikita niyang light ang shade ng balat ni Miguel kaya nasabi niyang mestizo ito. Dark naman ang shade ng suit na suot nito kaya puwedeng itim o navy blue ang kulay niyon. Ang T-shirt sa ilalim ng amerikana ng lalaki, sigurado siyang puti.

Even without the colors, she could say that Miguel, in his early to mid fourties, was good-looking. In fact, he even looked more handsome than most younger male celebrities that she had seen in person. Sa pagkakaalam pa niya, hanggang ngayon ay bachelor pa rin si Miguel at hindi pa nagpakasal kahit kailan.

"You have a very interesting character, Miss Lilac Alonzo," nakangiting sabi ni Miguel. Ohh, na-impress nga niya ang big boss. "Your personality seems to be as vibrant as your name."

Tumabingi ang ngiti ni Lilac. To be honest, she found it ironic that she was named after a strong hue when she can't even see colors. It was also kinda sad. "Thank you, sir," sabi na lang niya sa pinasiglang boses. Hindi siya puwedeng ma-depress sa gitna ng audition piece niya.

"We'll call you when the result is out," pagtatapos naman ni Miguel sa pormal nang boses.

"Okay po," sabi ni Lilac, saka siya nagsimulang maglakad palapit sa mga judge na isa-isa niyang kinamayan. They shook her hand, but remained stoic. "Thank you for the opportunity, mga sir."

Paglabas ni Lilac ng audition room, ngumiti lang siya sa mga babaeng nasa labas at mag-o-audition din para sa role, saka siya dumeretso sa elevator. Bumaba siya sa lobby ng building kung saan may coffee shop. She needed another dose of caffeine to make herself feel like everything was going to be fine.

Pagkatapos niyang um-order ng Frappucino, dumeretso siya sa table for two at umupo sa purple settee (na alam niya ang kulay dahil narinig niya sa isang customer) na kakulay pa ng lipstick niya (naka-indicate naman ang kulay sa kahon). Binaba niya ang mataas na cup sa mesa at tinawagan si Marigold. Kailangan niyang makausap ang kakambal niya dahil kailangan niyang mag-rant tungkol sa palpak niyang audition piece kanina. Pero sa pagtataka niya, nag-ring lang ng nag-ring ang kabilang linya.

"Why are you not picking up your phone, Marigold? Now of all time?" sermon ni Lilac sa kakambal kahit na hindi pa ito sumasagot. "Halos three months na tayong hindi nagkikita, ha? Hindi mo ba ko na-mi-miss?" Napasinghap siya nang may maalala siya. "O baka naman nanganak ka na?"

The last time Lilac visited Marigold, her sister was six month pregnant. Halos tatlong buwan na rin simula nang pagbisita niyang 'yon. Madalas naman silang mag-usap sa phone pero last week, naputol ang komunikasyon nila dahil ayon sa kakambal niya, nasa condo raw ang fiancé nito at kailangan daw ng mga ito ng quality time. Naging busy din naman siya sa mga raket niya kaya hindi siya masyadong nangulit.

Naputol na ang kabilang linya.

"Hala," iiling-iling na bulong ni Lilac sa sarili habang nakatingin sa phone niya. Kapag hindi nasasagot ni Marigold ang tawag niya, tumatawag ito pabalik. Her sister was that clingy. "If she doesn't call back, baka nga nanganak na siya."

Ewan ba ni Lilac pero habang hinihintay niya ang pagtawag ni Marigold, naging mabilis at malakas ang tibok ng puso niya. Wala pang isang minuto ang lumilipas, pero kabado na siya. Sigurado siyang hindi palpitation ang nararamdaman niya dahil hindi pa naman niya iniinom ang kape niya. Pero heto, nanlalamig na ang katawan niya at hindi rin niya maintindihan kung bakit parang hindi siya mapakali ngayon.

Her phone rang and the caller ID showed Marigold's name.

Hindi niya namalayang pinigil pala niya ang hininga niya hanggang sa makahinga siya ng maluwag sa pagtawag ng kakambal niya. Bilang "panganay," hindi na siguro maaalis sa kanya ang pagiging paranoid pagdating sa kapatid niya. Lalo na ngayong buntis ito. At hindi pa niya nakikilala ang fiancé nito.

"Marigold, hindi natawa ang judges sa audition ko kanina," parang batang pagsusumbong agad ni Lilac sa kapatid niya. "Siguradong hindi ko makukuha ang role–"

"Is this Lilac Alonzo, Marigold Hamilton's best friend?"

Biglang napaderetso ng upo si Lilac nang marinig ang hindi pamilyar na baritonong boses na 'yon. 'Yong kakaibang kaba na naramdaman niya kanina, bumalik na naman. Mas doble pa nga ngayon. "Yes, this is Lilac Alonzo. Who are you? Why do you have Marigold's phone? What happened to her?"

"I'm sorry, Miss Alonzo," walang emosyon na sabi ng lalaki. "Marigold Hamilton is gone."

Bad Blood/Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon