Chapter 1: Meet Me
"Ang ganda ko talaga!!! ay este ang ganda talaga dito sa probinsya" nasabi ko nalang habang naka tingin ako sa bintana ng bus.
Nasa byahe kami ngayon ni mommy Juliet pauwi ng province namin kung saan isa sa place na kinalakihan ko. Commute lang kami, hindi pa kasi sanay si mommy na mag drive ng malayuan lalo na dito sa Pinas.
Kaya we decided na iwan nalang yung car. Sanay naman kami sa byahe at sanay ding mag commute. Masaya kayang mag commute 😊 may thrill.
Nauwi kasi kami sa province every vacation. Pero this past 5 years hindi kami nakauwi kasi sa work and business ni mommy sa Paris. Nalungkot nga si nanay Lita nung hindi kami nakauwi dito sa Pinas. Pero naintindihan naman nya .Sobrang miss nya lang daw kami. Kaya naman ngayon gusto naming bumawi sa kanya.
Excited na nga ako makita sila ni tatay Mateo. Miss na miss ko na kasi sila at gustong gusto ko na rin tikman yung mga namiss kong luto ni nanay. 😊
"Ay teka, ipapakilala ko nga pala yung sarili ko sa inyo ngayon. Hehe 😄
Okay sige let's start. Tutal nasa byahe naman ako.Para hindi kayo mabored at the same time ako din. Natutulog din kasi si mommy ngayon eh.
Ako nga pala si SHAWN HAILEY LOPEZ nag iisang anak ni Juliet Valdez.
Nagtataka siguro kayo na mag kaiba kami ng last name ng mom ko? Basta mahabang kwento eh, ikukwento ko nalang next time. Pero this time ipapakilala ko muna sarili ko.
Mahilig akong mag design, mag paint at mag sketch. Basta ARTS mahilig ako dyan. It's my passion. Mana ako sa mommy ko eh.
Hmm... Paano ko ba ide-describe ang sarili ko? I'm Simple yun lang po wala ng iba hehe joke ✌️Pero aaishh! Ganito nalang.
I'll just describe my mom nalang. Marami namang nag sasabi na I look like her. Syempre kaya nga anak nya ako eh! 😜
Si mommy Juliet maganda, sexy kahit na may anak na at ako po iyon ✌️. Minsan nga pinag kakamalan lang kaming mag kapatid. She's so mapag mahal, mabait, matalino, maparaan at handang gawin ang lahat para lang sa akin. At higit sa lahat ang pinaka the BEST MOMMY at the same time a daddy sa buhay ko. 😊
Yan ang mommy Juliet ko. She's a perfect mom like no other. Idol ko sya at MAHAL NA MAHAL ko sya. Kaya when I grow up, I want to be like her someday. 😊
Oh, ayan na po ha alam nyo na kung saan ako nag mana. Like mother, like daughter. Sabi nga nila I'm the second Juliet 😄
Napunta sa nanay yung usapan eh. Haha 😊
Makapag music nga muna. Hmm asan nga pala yung ipad ko.
"YESSS nahanap ko din" inilagay ko yung headset sa mga tenga ko at nagsimula ng pumili ng kanta.
now playing 🎶 "Friday I'm inlove" by The Cure.
"Uyyy! sakto oh." nasabi ko nalang sa isip ko.
Masarap pakinggan yung mga kanta nila lalo na pag nasa byahe ka. I'm a music lover kahit anong kanta pa yan mapa rock song, love song, pop song pa man yan basta music my ears are willing to listen kahit mag hapon at mag damag pa yan.
Ang pakikinig ko ng Music ang isa sa mga inspiration ko whenever I do my paintings or my sketches. Sa mga songs na ito kasi ako humuhugot ng emotions. Lalo na sa pag pe'paint ko.
Gusto ko sana mag drawing ngayon kaso baka mahilo lang ako malamang nasa byahe ako. Kaya naman sinandal ko nalang yung ulo ko kay mommy na natutulog ngayon. Madaling araw kasi kami bumyahe kanina.
BINABASA MO ANG
LOVE is when I met YOU
Teen FictionIn this World there are 7 billion people. Sa Philippines there are 96 million people And 7,107 islands. Siguradong may ISA dyan nakareserve SAYO. Malay mo ako 'yon. ❤️ "LOVE is when I met YOU" Written by: PrincessBee28