Chapter 6: At the Park

568 7 14
                                    

Chapter 6: At the Park


Isang linggo din ang pag wowork out ko at pag dadiet. Halos buong araw yun lang ang ginagawa ko. Kailangan ko kasi lalo na malapit na yung Philippine Fashion Week. Nakaka hiya naman rumampa akong mataba noh! 😁

Rest day ko na ngayon, bukas kasi babalik na ako ng Manila. May mga rehearsal na din kasi kami for the event at kailanagan nan doon ako. Wala naman akong magagawa kahit gusto ko pang mag stay dito, hindi naman pwede. May mga dapat din kasi akong gawin sa Manila lalo na doon pa ako mag aaral ngayon. Malamang todong pag aadjust nanaman ang gagawin ko nito.

Nakakatuwa kasi successful naman yung kinalabasan ng pag wowork out ko. Sila nanay Lita at tatay Mateo din ang tumulong sa akin 😊.Sila yung nag hahanda ng mga dapat ko lang kainin. Talagang hindi na nila ako hinandaan ng mga paborito kong pagkain kasi sure yan hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

Minomonitor din ako ni mommy lagi nya akong tinatawagan para kamustahin ako pati na sila nanay. Ang katunayan nga nyan eh, pati nadin sila dito sa bahay sinasabayan akong mag diet 😄 . Nakakatuwa pati kasi sila gusto naring sumexy lalo na si nanay Lita, pati nadin yung mga maids dito. Haha 😄

At dahil rest day ko ngayon. Na isip kong mag libot muna. Nasa Resto din kasi ngayon sila tatay. Lagi din ako nan doon nung mga nakaraang araw. Lalo ngang gumanda yung restaurant nila at ang daming taong kumakain na halos mapuno yung parking lot ng mga kotse.

Im happy para kala nanay at tatay hindi na ako nag taka kung bakit pumatok yung business nila dahil kasi sa mga masasarap na pagkain na offer dito na tiyak babalikan ng mga tao.

Isinunod sa pangalan ko ang name ng resto "SHAILEY'S RESTAURANT" Shawn Hailey for short "SHAILEY "ang cute noh? Syempre pangalan ko eh. Haha 😁

Pumunta muna ako sa tree house ko para kunin yung mga gamit ko. Gusto ko kasi ngayon mag paint. Namiss ko eh simula dumating kasi ako dito bihira na lang ako mag paint. 😊

Agad ko namang nakuha yung mga gamit na gagamitin ko. Nag paalam ako kay ate yung maid nila nanay na baka medyo gabihin ako ng uwi. Tinawagan ko nadin naman sila tatay at si mommy para mag paalam. Pumayag naman sila pero hanggang 7 pm lang ako dapat nasa bahay na ako. Gusto ko kasi matapos ang day na ito ng puno ng positive thoughts bago ako bumalik bukas sa Manila. Ang plano kasi nila nanay na pupunta nalang sila sa mismong araw ng event. Madami din kasi silang dapat asikasuhin sa Restaurant ngayon.

Pumunta ako sa park, dito ang paborito kong puntahan nung bata ako at hanggang ngayon pa din naman.😉 Dito kasi yung perfect place for me kapag nag pe'paint ako. Maraming memories ang na experience ko dito, masasaya at malulungkot kaya pag naalala ko yung mga yun. Kusang gumagalaw yung kamay ko at nakakagawa na ako ng image. ☺️

"Buhay padin pala itong punong mangga." Dito lagi ako pumupwesto . Nilalatag ko yung pang sapin na dala ko. Minsan nga nakakatulog ako dito ang presko kasi ng hangin. Yung ang sarap at sobrang nakakagaan sa pakiramdam na parang wala kang problema.Ganito ka peaceful dito. 😊

Umupo ako at tinignan ang buong paligid. Ang tahimik...konti lang kasi yung mga batang naglalaro dito ngayon.

"Ang sarap talaga ng preskong simoy ng hangin." Kaya naman gulo gulo ang buhok ko ngayon buti nalang lagi ko dala yung pantali ko sa buhok. 😉

Nilabas ko na yung pang paint ko at nag simula na akong mag drawing. Ang daming memories kasi akong naalala ngayon. Lalo na nung mga bata pa kami ni Enrique yung nag iisang nagging bestfriend ko dito.

Sya lang kasi ang nakakaintindi sa akin noon at kasundo ko . Iba sya sa mga batang nakilala ko. Nung bata kasi ako lagi ako kinaiinisan at inaaway ng mga kaklase kong babae. Ewan ko ba kung bakit. Kasi ang pag kakaalam ko, yung mga classmate kong mga lalaki lagi akong binibigyan ng mga bulaklak o kaya naman candy or chocolate. They even share their baon with me. 😄 kaya siguro ganun na lang yung mga classmates ko sa akin.

LOVE is when I met YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon