Chapter 17: New Friends & Haters

444 8 3
                                    

Chapter 17: New Friends & Haters


Hailey's POV

"The best way to avoid disappointment is to not expect anything from anyone"

Ang aga aga para akong ewan. I was just smiling lang naman and I can't help my self. 😊 Geeze! 😁 Sabihin nyo ng baliw ako pero waaaaah!

Kahapon talaga hindi ko ineexpect na yung worst day na akala ko, magiging the best day pala. Ang saya ko😃 mommy was right. She really knows whats best for me. Kaylangan ko lang talaga mag tiwala at maging matatag para sa sarili ko.

Maaga ako nagising ngayon syempre ayoko ng malate. Nag alarm talaga ako para lang magising ng 4 am.Gusto ko kasing bumawi lalo na kay mommy.

Nakakatuwa nga eh, kasi kahapon nung sinundo nya ako nagulat sya nung makita nya si Manolo kasama ko. Hindi namin lahat ineexpect na magkikita kita kami. Kaya si mom sobrang laking tuwa, hindi daw sya nagkamali ng pinasukan kong school, kasi nga she feels safe for me na mag aral ako sa University na to.

Kahit papaano daw may kakilala na ako, alam nyo naman even though it's sad to say na I dont have friends here lalo na sa Manila. Mabuti nga ngayon at medyo kabisado ko na dito. Kasi pag nauwi kami ng Pilipinas, lagi lang kami ni mommy dumederetso ng province, tapos ilang araw lang balik na ulit ng Paris.

Naikwento na sa akin ni mommy na nameet nya na si Manolo. Kaya hindi na ako nag taka na ganon na lang yung reaction nya nung makita nya si Manolo. Bryce nga tawag nya dun eh. Na kwento din ni mommy sakin nung nang yari nung sinugod ako nila Manolo sa hospital kasi nga inaapoy Ako ng lagnat. Ayon yung time na nag byahe kami pabalik ng Manila, sinabay kami ni Manolo sa kotse nya.

After non hindi na kami nagkita ni Manolo, hindi ko nga sya napasalamatan sa personal nung araw na yon.I was about to thank him non ng kinabukasan kaso pumunta pala sya agad sa States together with her mom.Kaya sa phone nalang ako nakapag thank you.

"Sigh* 😵 onting stretching ng katawan and Yey! Im ready to cook our breakfast."Ngayon nalang ulit ako mag luluto, ng ganito kaaga. Kadalasan kasi sa labas nalang kami nag brebreakfast ni mommy. Lagi din kaming wala dito sa bahay kasi nga busy sa mga project offers. Kaya wala ng time para mag luto. We hired a house keeper nadin to do the chores sa condo kasi nga wala na kaming time ni mommy.

Uwian naman sya. Napunta sya everyday sa umaga then she goes home after cleaning. Kaya naman pag dating namin ng bahay ni mommy, laging malinis.Si nanay Lita mismo ang nag hanap para sa amin ng house keeper, na dito lang nakatira sa Manila. Kasi nga gusto namin uwian lang sya. Para may time din sya sa family nya.

Nag simula na akong mag luto, I cooked bacon and I heat some wheat breads in the oven. Nag hiwa nadin ako ng tomatoes and lettuce. Sandwich lang ang kinakain namin ni mom, we dont eat rice specially in the morning. Proper and healthy diet talaga kami lalo na ako, kaylangan kong mag maintain ng katawan. Mabilis ko lang natapos yung prenipare kong breakfast . Habang tulog pa si mommy. Nag decide muna akong mag shower. Para pag gising nya ready na ako, sya hindi pa. Haha. This time sya naman ang gigisingin ko.

Natapos na ako lahat lahat, tulog padin si mommy 5am palang kasi. Hehe. ☺️
Kaya pumunta muna ako sa terrace at nag decide na mag stay para mag pahangin. Medyo madilim padin sa labas. At tanaw na tanaw mo yung mga ilaw sa baba na nagkikislapan. Nakakagood vibes at I feel relax everytime na nan dito ako.

"Hmm..bakit kaya walang nakatira dito sa katabi naming unit" hanggang ngayon kasi never ko pang na chechempohan na may tao dyan. Sabi naman nila na may nakatira pero bakit parang wala naman. At first I was wondering kung sino,pero hindi ko na ulit pa inalam. Sa tuwing mag sstay kasi ako dito sa terrace hindi ko maiwasan na mapatingin sa kabilang terrace.

LOVE is when I met YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon