Chapter 18: Every Girls Boyfriend
Napatingin kami lahat kay Margaret sya kasi yung nag vote kay Manolo for the Escort
"Mr. Bryce is now nominated for our Escort"
"Sir," tumayo si Aki "I would like to nominate my self" kaya lahat kami napatingin sa kanya. Nagkaroon ng katahimikan pero nabasag lang yon nung--
"Woohoo! Lakas ni Aki haha nice mga bestfriends" tuwang tuwa itong si Josh oo nga pala mag kakaibigan yung mga to. Sino kaya yung iboboto nya.? Sa kanilang tatlo kasi parang itong si Josh yung matino ay este matalino. Binoto nga sya as Vice President namin eh.
"I close the nomination sir. Haha masaya to" 😄
"Okay ako na ang mag se'second emotion" pag a'agree ni sir kay Josh
"Who would like to vote for Bryce" halos lahat tumaas majority na ata to.
Nag salita na naman si Josh "Haha bestfriend Aki dont you worry sayo ako boboto" pang aasar nya.
"Packing tape! Tumigil kana nga ugok ka" inis namang sinabi ni Aki. Kaya naman napatawa lahat. "All of you SHUT UP" natahimik naman nung sinabi yan ni Aki, nakakatakot sya.
Aaminin ko napatawa din ako pero hindi ako nagpahalata. Napatingin ako kay Manolo para kasing wala sya sa room ang tahimik ata nya ngayon pero nagulat na lang ako kasi nakatingin sya sakin. Kanina pa ba sya nakatingin? Pero inalis nya din agad yung tingin nya. Siguro nag kataon lang na napatingin lang kami sa isa't-isa. Hindi ko nalang pinansin at nag focus nalang ako kay Sir. Giler nung nag salita sya ulit.
"It is a majority vote so Mr. Bryce Elizalde will be our escort. At dahil may official officers na tayo. I want you guys to be responsible and do your part and just enjoy since this is your last year. At sa Muse and Escort natin be ready for our exciting upcoming Intramural 😊
At nga pala we dont have yet for our representatives so Aki and Nathalie you take in charge of it okay. Thats all for today. See you tomorrow" at tuluyan ng umalis si Sir ng room.
Kinabahan naman ako doon kasi kami ni Manolo ang lalaban. First time ko to, more on modeling lang kasi ako never pa akong sumali ng pagent. Hayst! 😳 push ko na to. Experience din to Im sure matutuwa na naman si mommy mamaya pag nalaman nya to. 😊
Hindi ko namalayan ang bilis ng oras break time na agad namin. Wala kasi yung masungit na teacher namin ngayon kaya ayun pinag take nalang kami ng break.
"Ehem" napatingin ako sa kanya " ahmm Hailey"
Sa wakas nag salita na din sya kanina pa kasi sya tahimik " hmm bakit?" tanong ko at sinabayan ko ng ngiti 😊 mag sasalita na sana ulit sya ng....
"Congrats Hailey sabi ko na eh ikaw mananalo" nagulat ako si Margaret pala. Napansin ko na mahilig sya mang gulat agad agad nalang kasi sya sumusulpot pati si Manolo nagulat sa kanya eh.
"Ay hehe salamat, sayo din Congrats" 😊
"Bryce ayain ko lang si Hailey mag break ha. Tara Hailey sama ka sakin sa canteen" tinignan nya lang si Margaret at parang wala lang syang narinig. Tumayo sya at maglalakad na sana nang
"ahmm Manolo ano nga pala yung sasabihin mo?"napatigil sya at humarap samin
"Wala nevermind" at tuluyan na syang naglakad palabas ng room. Ano nanaman nangyari dun? Kanina ang tahimik ngayon ang sungit? Ang moody nya ha. 😒
"Ang sungit talaga ng lalaking yun kahit kaylan. Himala nga eh at parang sayo lang ata hindi nag sungit yan. Hindi kaya may gusto sayo si Bryce? Waaaah hihi kinikilig ako." 😍 grabe pala tong si Margaret napaka kalog wala pang isang araw ko syang nakakausap pero parang matagal nya na akong kilala kong kausapin ako. Haha ang cool nya, talagang ngang sya ang makakasundo ko dito. Thank God may girl na akong kaibigan. 😊
BINABASA MO ANG
LOVE is when I met YOU
Teen FictionIn this World there are 7 billion people. Sa Philippines there are 96 million people And 7,107 islands. Siguradong may ISA dyan nakareserve SAYO. Malay mo ako 'yon. ❤️ "LOVE is when I met YOU" Written by: PrincessBee28