ANR 13 | ikalimang buhay

2.4K 78 18
                                    

Kabanata XIII : Ikalimang Buhay

" Alamin mo ang bawat sinasabi mo. Maging maingat ka sa bawat salitang bibitawan mo dahil pwede mong ikapahamak ito "

Third Person's POV

Napatakip siya sa kaniyang bibig para mapigilan ang malakas na paghagulhol ng makita niya ang kaibigan niyang walang buhay at hila-hila ng demonyong pumatay dito.

Gusto niyang magwala! Gusto niyang saktan siya pero alam niyang wala siyang laban. Kung nagawa nitong patayin si Lyziel ng ganon kadali siguradong mapapatay din siya nito.

Nanatili lang siyang tahimik, medyo nakahinga siya ng maluwag nang makalayo ito pero nanlamig ang kaniyang buong katawan at binalot siya ng kakaibang kaba ng may magsalita sa kaniyang llikuran.

"Huli ka " malalim na boses na sambit ng tao sa likuran niya kaya agad siyang napatayo at napatakbo dahil sa takot. Wala siyang ibang naisip kundi ang tumakbo at makaalis sa lugar na 'yon.

" Tumakbo ka! Kung ayaw mong mamatay katulad nila! " sigaw nito sa kaniya dahilan para mas lalong umusbong sa puso niya ang kakaibang takot at kaba.

Takbo lang siya ng takbo dahil sa sobrang pagod ay nawalan siya ng  balanse sa kaniyang katawan dahilan para madapa siya. Napadaing siya sa sakit ng tumama ang kamay niya sa mga basag na salamin mula sa isang bote.  Wala siyang nagawa kundi ang mapaiyak sa sakit, doon na nagkaroon ng pagkakataon ang babae na hablutin ang buhok niya.

Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniya. Kaya kahit ilang beses siyang nagpumiglas ay wala siyang nagawa para makatakas dito. Hindi niya maintindihan kung bakit napakalas nito.

Kung alam niya lang na mas lalong mapapadali ang buhay niya dito edi sana hindi na siya tumuloy.

" Kilala mo ba ako? " nakangisi nitong tanong sa kaniya.Umiling-iling lang naman siya. Pilit pa rin siyang nagpupumiglas habang tinatali siya nito ng patiwarik. Natigilan siya ng sampalin siya ng malakas nito, naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Mas lalo siyang napaiyak sa takot.

" Alalahanin mo kung sino ako. Teacher, twinkie, high grades.  " sambit nito sa kaniya

Nanlaki ang mata niya at tiningnan itong mabuti. Hindi niya parin maaninag ang mukha nito dahil sa buhok nitong nakaharang sa kalahati ng mukha niya pero sigurado siyang siya nga ito. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang mga matang yon.

" Ikaw si— " hindi na nito natapos ang sasabihin ng butasin nito ang tyan niya gamit ang drill.

Napasigaw naman siya sa sakit. " Arggggghhhhh! " sigaw niya kasunod non ay ang pagbulwak ng dugo sa bibig niya.

Pinaulit- ulit nito ang ginagawa na para bang tuwang tuwa ito. Nararamdaman niya naman ang laman niya at naiisip niya palang 'yon ay nandidiri na siya.

Pero hindi pa ito nakuntento doon. " Dahil dalawa na lang kayong natitira at ikaw ang nauna sa kaniya. Lahat ng ginawa ko sa iba ay gagawin ko sayo? Masaya 'yon diba? " sambit nito na parang bata "Tsaka alam mo ba kung nakita mo lang silang maghirap kahit ikaw matutuwa! " nakangiting sambit nito

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon