Kabanata XV : The Last Chapter • Maxcel
"Hindi natin nakikita ang kaibahan ng katotohanan at kasinungalingan dahil ang nakikita lang ng ating mga mata ang ating pinaniniwalaan."
Rhea's POV
Mahigit tatlong buwan narin ang lumipas, simula ng mailigtas ako sa sunog na 'yon. Nakuha ang bangkay ng mga kaibigan ko. Nahirapan akong ikwento sa mga pulis ang nangyari pero kahit papaano ay naka-recover na naman ako.
Nalulungkot ako sa nangyari, sobrang sakit magising araw-araw na wala na yung mga taong nakasanayan mong makasama. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay. Ang alam ko lang bago ako mawalan ng malay ay may naramdaman akong bumuhat saakin.
Masaya sila dahil nabuhay ako pero hindi ko magawang maging masaya dahil ako na lang natira saaming pito.
Napatawad ko na si Maxcel sa nangyari. Masakit ang katotohanang siya ang may gawa noon pero naisip wala akong karapatang magtanim ng galit dahil malaki rin ang naging kasalanan namin.
Ganon pa man hindi pa rin ako sang-ayon sa ginawa niya sa mga kaibigan namin. Kahit kailan walang karapatan ang taong bumawi ng buhay na hindi sila ang nagbigay.Graduation day namin ngayon. Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa hindi natupad ang pangako namin sa bawat isa, na sabay-sabay kaming ga-graduate at sa pare-parehong university kami papasok dahil hindi na mangyayari 'yon. Para akong pinapatay ng paulit-ulit kapag sumasagi sa isip ko ang mga pangarap namin ng magkakasama.
Nang matapos ang graduation, nagkaroon ng konting salo-salo.
Matapos ang salo-salo ay napagpasyahan kong pumunta sa park ng mag-isa. Gusto kong alalahanin lahat ng masasayang alaala ng kasama ko sila. Bago harapin ang panibagong yugto ng wala na sila.Nagulat ako ng may magtakip ng panyo sa bibig ko at sa tingin ko ay may gamot 'yon dahil agad akong nawalan ng malay.
Marahan kong iminulat ang mata ko pero agad akong napapikit ng makaramdam ako ng hilo at napayuko.
" Mabuti naman at gising ka na. " nakangising sambit ng isang tao dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at napatingin sa taong 'yon.
Parang nawala ang pagkahilo ko ng makita ko kung sinong nasa harapan ko, wala na itong suot na maskara at kitang-kita ko na ng malinaw ang mukha nito. " S-sarah?" nauutal na tanong ko
"Oh? Bakit parang nagulat ka ? Hindi ka ba natutuwang makita ako? Rhea? " nakangising tanong nito, gulat ang rumehistro sa mukha ko dahil sa pagkalito.
"P-pero? Paano nangyari 'yon? " naguguluhan kong tanong
Si Sarah at si Twinkie ay iisa? Paano si Maxcel? Akala ko ba iisa lang sila?
Akala ko siya na si Maxcel. Akala ko iisa lang si Maxcel at si Sarah. Ano ba talagang totoo?
" Minsan ang nakikita mo ay hindi totoo Rhea. " seryosong sagot nito dahilan para mapakunot ang noo ko.
" Ano bang kalokohan 'to? Akala ko si Maxcel ay ikaw? Paanong? " nalilitong tanong ko
" Sige, lilinawin ko sayo ang lahat. " sambit nito at unti-unting lumapit saakin. Napasigaw naman ako sa sakit ng tusukin niya ng sunod-sunod na karayom ang katawan ko. Biglaan 'yon kaya naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Anim na Regalo | COMPLETED
Misteri / ThrillerPeople love to receive gifts every christmas. Who wouldn't want that? But what if the gift you receive leads you to death? Will you still accept it? One group of friends, six gifts of death. How can they stop it? " Don't be scared by the monster und...