Kabanata IX : Joy's Death
" Hindi natin hawak ang buhay natin. Hindi natin alam kung kailan ito babawiin saatin "
-Rhea
Rhea's POV
Nagulat ako ng mabitawan ko ang hawak ko baso kaya naman nabasag ito. Biglang umusbong na naman saakin ang kakaibang kaba.
Hating-gabi na, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong bumababa para uminom ng tubig. Natatakot parin kasi ako para kay Joy, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para mailigtas sila.Pinulot ko na ang mga bubog, napadaing ako sa sakit nang bigla akong masugatan at nagsimula na itong magdugo dahilan para mas lalong umusbong ang kaba sa puso ko.
" Rhea, anak? Ayos ka lang ba? " nagulat ako ng biglang sumulpot si Mama na nag-aalala saakin.
" Ma? Bakit gising pa kayo? " tanong ko dito at binigyan ito ng pekeng ngiti.
" Ako dapat ang nagtatanong sayo niyan ah? O siya matulog ka na ako na ang magwawalis niyan. " sambit nito habang pinapaalis ako.
" Gamutin mo agad yang sugat mo. " sambit nito bago ako tinalikuran para kumuha ng walis.
Napatingin naman ako ulit sa basag na baso. Napapikit na lang ako at pinakalma ang sarili bago naglakad palayo.Nang makarating ako sa kwarto ko. Hindi ako mapakali, pabalik balik ako ng lakad. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin pero pakiramdam ko may nangyari talagang hindi maganda.
Nanatili akong nakatulala sa bintana at pinagmasdan ang paglabas ng araw pero agad din akong napapikit dahil nasilaw ako sa liwanag nito.
May mga bagay talaga hindi kayang makita ng mga mata natin.
Nagulat ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Nagmamadali akong napatakbo doon para buksan ito. Napaatras agad ako ng pagbukas ko ng pinto ay malakas na sampal ang bumungad saakin.
Napahawak naman ako sa pisngi kong nasampal paniguradong namumula ito dahil naramdaman ko ang pag-init ng parteng 'yon. Nanlalaki ang mata kong napalingon sa taong sumampal saakin.
Natigilan ako ng makita ko kung sino ito, si tita, ang mama ni Joy ang sumampal saakin. Napatingin naman ako sa paligid ko, nandito na ang lahat ng kaibigan ko maliban kay Joy. Nagtatanong ang mata ko silang tiningnan pero sunod-sunod na luha lang sa mga mata nila ang nagpatunay na may masamang nangyari.
Nagulat ako ng tulak-tulakin ako ni tita pero dahil sa sakit nang katotohanang nalaman ko, na may nawala na naman saamin. Nanghihina akong natumba at kasunod non ay pagtulo ng mga luha ko.
" Ano bang nangyayari Rhea? Bakit? Bakit sa anak namin 'to nangyari? Bakit siya pa? Napakabuti niyang tao. " umiiyak nitong sambit pero hindi ko ito nakuhang sagutin. Tanging paghagulhol lang ang tangi kong nagawa.
" Nung una si Richelle, sunod si Cessa...tapos ngayon ang anak ko? May naiisip ka bang taong pwedeng gumawa nito? O baka naman ikaw ang pumatay sa kanila?! At pinapalabas mong inosente ka? " galit na sigaw nito saakin,
BINABASA MO ANG
Anim na Regalo | COMPLETED
Детектив / ТриллерPeople love to receive gifts every christmas. Who wouldn't want that? But what if the gift you receive leads you to death? Will you still accept it? One group of friends, six gifts of death. How can they stop it? " Don't be scared by the monster und...