ANR 01 | unang regalo

6.4K 178 39
                                    

Kabanata I : Unang Regalo

Don't trust too much, not all you see is true. Sometimes they give us something to regret on. -Richelle

Third Person's POV

Sa loob ng isang classroom ay may iba't ibang uri ng estudyante. Sa isang seksyon ay may mga grupo ng estudyanteng may iba't ibang personalidad.

Grupo ng mga matatalino

" Sure ka? Pero iba lumabas saaking sagot. Tama bang formula ginamit mo? " tanong ng isang lalaking nakasalamin sa isang babae na katulad niya'y nakasalamin rin. Umiling ang babae at sinubukang muling icompute ang sagot niya.

Grupo ng mga laging lumiliban sa klase

" Tara na bago pa tayo mahuli ni president! " sigaw niya sa mga kasama

" Dito tayo! " senyas niya sa mga kaibigan

Grupo na alagad ng guro

" Hoy saan kayo pupunta?! Susumbong ko kayo kay sir! " sigaw ng class president

"Habulin niyo! Tatawagin ko lang si sir! " sigaw ng isa sa kanila


Grupo ng mga nangongopya, grupo ng mga clowns, grupo ng mga happy go lucky, grupo ng mga bida-bida at kinaiinisan ng lahat at marami pang iba. Hindi mawawala ang mga grupo sa isang seksyon. Isa ito sa mga nagbibigay saya sa pag-aaral.

Katulad ng inaasahan sa isang klase ay puno ng ingay at tawanan ang buong classroom. Halos matagal na rin kasi silang magkakakilala. Mula unang taon ng highschool ay magkaklase na sila kaya kilalang-kilala na nila ang isa't isa.

Nabalot ng ingay ng tawanan ang buong klase at nangingibabaw doon ang tawa ng mga magkakaibigang babae mula sa likurang bahagi ng klassroom. Nakasanayan na nilang doon pumwesto dahil bihira lang din naman ang makinig sila sa klase. May inaasahan naman silang kaibigan na matalino kaya madali na sa kanila ang pumasa. Nagtutulungan din sila sa mga projects kaya mas napapadali ang mga gawain nila.

Natigil ang kanilang pag-uusap ng pumasok ang kanilang guro, may maaliwalas na mukha, maayos na tindig at presentableng kasuotan. Hindi alintana ang katandaan nito dahil sa lakas ng dating nito. Lahat sila ay tumutok sa sinasabi nito.

" Okay class, we have a transferee. " sambit ng kanilang guro pagkatapos ay sinenyasan ang babaeng nasa labas.

Nakayukong pumasok ang isang babae na may mahabang buhok na nagsisilbing harang sa kaniyang mukha, hindi gaanong katangkaran ngunit sapat na para isang babae. Hindi maiwasang matawa ng anim na magkakaibigan ng magbiro ang kanilang kaklase. Kaba ang bumalot sa babae ng marinig niya ang tawanan ng mga ito pero hindi siya nagpatinag sa takot.

" Magpakilala ka na. "sambit ng kanilang guro kaya naman natigil sa pagtawa ang anim na babae.

Unti-unting nag-angat ng tingin ang babae kasunod non ay ang pag-alingawngaw ng sigaw ng mga estudyante sa buong silid.

Matapos mag-angat ng tingin ay marahan niyang hinawi ang mga ilang buhok na nagtatakip sa kaniyang mukha. Nanatili ang katahimikan sa loob ng classroom.

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon