ANR 08 | ikatlong buhay

2.8K 99 18
                                    

Kabanata 8 | Ikatlong Buhay

" Kahit pala sabihin nating handa na tayong mamatay , nakakatakot parin palang harapin ang sarili mong kamatayan. "

Joy's POV

Takot, kaba at lungkot ang nangingibabaw sa akin habang pinapanood na nagkakasiyahang pamilya ko.

Natatakot ako na baka mangyari na ang sinasabi ng taong 'yon. Kinakabahan ako na harapin ang sarili kong kamatayan. Nalulungkot para sa mga taong maiiwan ko.

Binalot ako ng kakaibang sakit saaking puso.Ang mga ngiti sa labi nila ay siguradong mami-miss ko. Gusto kong umiyak at sabihin sa kanila kung gaano ko sila kamahal. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat kasi alam kong pwedeng mahuli na ang lahat.

Matapos ang kaunting kasiyahan, napagdesisyunan kong pumunta na sa kwarto ko para magsulat.

Sulat ng pamamaalam.

Gusto ko na lang tanggapin ang lahat, na hanggang dito na lang aking buhay. Tao lang ako wala akong laban sa demonyo. Habang nagsusulat hindi ko maiwasang mapaluha. Nababasa na ng luha ko ang papel pero pinagpatuloy ko parin ang pagsulat. Matapos kong magsulat ay iniwan ko yon sa side table ng kama ko, nagnanais na makita nila ito kung sakaling tuluyan na akong mawala.


Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ko, nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong maramdaman na kakaiba. Ngunit napasigaw ako ng may sumaksak sa aking likuran.

" Argghhhhh! " sigaw ko dahil sa sakit na bumalot sa puso ko.Paulit-ulit niya 'yong ginawa hanggang sa tuluyang bumagsak ang katawan ko at saktong mapahiga ako sa kama.


Napadaing ako sa sakit at pinilit humarap sa kaniya kahit nararamdaman ko na ang pagtulo ng dugo mula sa bibig ko.

Pinilit ko paring aninagin ang taong 'to pero dahil sa kadiliman ng kwarto tanging ang nanlilisik lang niyang mga mata ang nakikita ko.

Ang mga matang yon..

Pinilit kong alalahanin kung kanino ko nakita ang mga matang 'yon. Alam ko, sigurado ako na alam ko kung kaninong matang 'yon pero kahit anong pilit kong alalahanin nilalamon ako ng sakit na nararamdaman ko.

Umiiyak na ako sa sobrang sakit na bumabalot sa katawan ko.

" Joy.. I keep asking myself what was really the meaning of your name. It is a feeling of happiness. Kung tatagulagin ko kaligayahan ang ibig-sabihin ng pangalan mo. " sambit nito saakin wala naman ginawa kundi ang habulin ang hininga ko.

" Napakaganda ng ibigsabihin ng pangalan mo,  pero kabaliktaran naman ng pangalan mo ang ginawa mo sa buhay ko.  " malalim na boses na sambit nito pero nandoon parin sa tono ang galit.Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa kaniya.

Hindi ko talaga alam.


Napaatras naman ako ng magsimula itong maglakad papalapit saakin. Atras lang ako ng atras habang siya patuloy na lumalapit saakin. Malapit na akong mahulog mula sa kama papunta sa sahig kaya napatigil ako sa pag-atras.

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon