Kabanata X : Her Funeral
" Kahit hindi mo kasalanan. Huhusgahan ka kahit wala silang alam " - Rhea
Rhea's POV
Pagkagising ko bumungad saakin ang mga pulis na nag-iimbistiga sa pagkamatay ni Joy at ng iba ko pang kaibigan.
" Nasaan ka nung araw ng krimen? " tanong saakin ng isang pulis na may hawak na maliit na notebook.
" Nasa bahay lang po ako. " sagot ko sa mga ito
" Nung mga oras ng 11-12:30, anong ginagawa mo? " tanong nila saakin
" Nandito lang po ako sa bahay, natutulog. Nagising lang po ako mga 12 kasi po, nauuhaw ako. " paliwanag ko sa mga ito at tiningnan si mama. Tinanguan lang naman ako nito at nginitian, para bang sinasabi niya na magiging ayos din ang lahat.
" Paano mo maipapaliwanag na sinasabi ng mama ng kaibigan mo na nakita niya ang relong 'to sa kwarto ng kaibigan mo? " tanong niya saakin, bumuntong-hininga naman ako.
" Matagal ko na po 'yang ibinigay kay Joy. Gustong-gusto niya po kasi 'yan. Kahit ang mga kaibigan ko po alam 'yan. " sagot ko dito
Marami pa silang tinanong saakin at sa wakas ay natapos din 'yon.
" Salamat sa pagkikipag-cooperate. Magiging malaking tulong sa kaso ang mga sagot mo. Sa ngayon ang masasabi ko lang ay mag-ingat kayo ng mga kaibigan mo. " sambit nila saakin, nagpasalamat naman ako.
" Sana po mahanap niyo na po kung sino po talaga ang gumagawa nito. Para matapos na po ang lahat. " sambit ko sa mga ito at hinatid na ni mama sa pinto ang mga ito.
Ilang beses akong napabuntong-hininga bago nagpapasyahang pumunta kay Joy.
Tinanaw-tanaw ko lang mula sa malayo ang bahay nila Joy, nakita kong marami ng tao. Ang pagkakaalam ko sabi ng mga kaibigan ko hindi nakabukas ang kabaong nito dahil daw sa karumaldumal na sinapit nito. Dalawang araw lang pagkatapos ay ililibing na to.Malungkot kong tinanaw ang bahay nila. Nandito ako sa malayo. Hanggang ngayon ay galit saakin si tita. Ako parin ang sinisisi niya. Hindi ko alam kung paano napunta ang relong yon sa bahay nila Joy. Pero sinusiguro kong hindi ako ang pumatay sa kaniya . Hindi ko yon magagawa.
Natinag ako sa pagtanaw ng tumunog ang cellphone ko. Napatitig naman ako don , lumabas don ang numero ng taong tumawag saakin non. Kaya hindi ako nagdalawang isip na sagutin yon.
"Sino ka ba talaga?! Ano bang kasalanan namin bakit kailangan umabot lahat sa ganito?!" mariing sambit ko at nagsimula ng tumulo ang luha ko. Mariin din ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.
" Wow, nakilala mo agad ako? Easy lang Rhea. Tsk, tsk." natatawang sambit nito
" Tangna! Anong karapatan mong bawiin ang buhay ng mga kaibigan ko!? Sa karumaldumal na paraan?! Wala kang puso! Wala! " sigaw ko dito nagulat naman ako ng sumigaw ito
BINABASA MO ANG
Anim na Regalo | COMPLETED
Tajemnica / ThrillerPeople love to receive gifts every christmas. Who wouldn't want that? But what if the gift you receive leads you to death? Will you still accept it? One group of friends, six gifts of death. How can they stop it? " Don't be scared by the monster und...