Kabanata VII : Ikatlong Regalo
Wag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay dahil kayang kaya ka niyang gawing patay.
Third Person's POV
Sa kalagitnaan ng gabi, lahat sa bahay ni Rhea ay tulog na maliban na laman kay Joy na hindi dinadalaw ng antok. Hindi siya makatulog dahil sa takot na kahit anong oras ay pwede siyang patayin ng taong pumatay kila Cessa at Rich. Natatakot siyang makatanggap ng regalo. Kung noon kapag ganitong malapit na ang pasko ay excited na excited siyang makatanggap ng regalo, ngayon ay hinihiling niya na lang na sana hindi na siya makatanggap ng kahit ano.
Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana kung saan matatanaw ang maliwanag na buwan at ang kalmadong kalangitan. Naagaw ang atensyon niya ng makarinig siya ng kalabog mula sa pintuan ng kwartong tinutuluyan nila. Napatingin siya sa mga kasamang niyang nakahiga sa isang queen size bed at wala man lang nagising sa mga ito. Magugulo ang posisyon ng mga pagtulog nito hindi naman niya maiwasang mapangiti. Kung mamatay man siya sa susunod na mga araw siguradong malulungkot na naman ang mga ito at 'yon ang ayaw niyang mangyari.
Binalik niya ang tingin sa pintuan ng kwarto at binuksan 'yon. Bigla siyang binalot ng kakaibang kaba ng makita niya ang isang regalo . Tuloy tuloy na naglandasan ang mga luha niya dahil sa takot at pangambang malapit na nga siyang mamatay. Dahan-dahan siyang yumuko para kunin ito. Nang mabuksan niya ito ay hindi niya maiwasang mapasigaw.
" Ahhhhhh! " sigaw niya dahilan para magising ang mga kasama niya.
Napatingin sila sa pintuan at agad na napatakbo don dala ng takot ay pag-aalala sa kaibigan. Napatakip sila sa kanila bibig ng makita ang laman ng regalo.
Isang mata at dila ng tao, kinuha nila ang dalawang papel at binasa ang mga ito. Nabasa nila sa unang papel na nanggaling ang mata at dila sa mga pumanaw na nilang kaibigan na sila Richelle at Cessa.
Niyapos ni Rhea si Joy na walang tigil sa pag-iyak dahil sa gulat at takot. Pilit niya itong pinatahan pero tuloy-tuloy lang ang paghagulhol nito.
" Hanggang dito ba naman?! " sigaw ni Lyziel at nanghihinang napaupo. Lahat ay natatakot sa pwedeng mangyari pa.
" Kahit anong gawin natin hinahabol nila tayo Rhea. " natatakot na sambit naman ni Kelly at napahilamos sa kaniyang mukha sa sobrang gulo na ng isip nito.
" Walang mangyayari kung matatakot tayo. Kailangan natin malaman kung sino ang nasa likod nito. " sambit naman ni Maxcel habang hawak ang isa pang papel na laman ng regalo.
Kapag oras mo na, oras mo na, wala ka ng magagawa. Mamatay kayo sa mga kamay ko at sisiguraduhin kong lahat kayo mamatay sa karumaldumal na paraan - Twinkie
Binasa niya 'yon ng malakaa para marinig ng mga kasama niya.
" Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo. " dagdag pa nito
" Anong gusto mong gawin natin Max? Habulin ang kamatayan? Kalabanin? Harapin? Nababaliw ka na ba? " galit na tanong ni Lyziel, namuo ang tensyon sa pagitan nilang magkakaibigan dahil sa sinabi nito.
" Wala akong sinasabing ganon, pero kung lagi na lang tayong matatakot! Hindi imposibleng mapatay talaga niya tayong lahat. " sagot niya dito at napabuntong-hininga ng malalim.
BINABASA MO ANG
Anim na Regalo | COMPLETED
Mistério / SuspensePeople love to receive gifts every christmas. Who wouldn't want that? But what if the gift you receive leads you to death? Will you still accept it? One group of friends, six gifts of death. How can they stop it? " Don't be scared by the monster und...