Kabanata XI : Last Three Gifts
" Wag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo dahil kapahamakan ang magiging dulot niyan sayo. "
Third Person's POV
| Ikaapat na regalo |
Matapos ang libing ni Joy ay naisipan niya ng umuwi agad. Masakit parin para sa kaniya ang nangyari. Hindi parin siya makapaniwala. Ayaw pa rin tanggapin ng buo niyang sistema ang nangyari sa kaibigan. Para siyang tinakasan ng sarili niyang pag-iisip. Walang ibang tumatakbo sa utak niya kundi ang mga tanong na hindi niya alam ang sagot.
Bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat? Sino ang gumawa nito sa mga kaibigan niya? Anong kasalanan nila? Sino ba siya? Bakit kailangan pang maging ganito kasaklap ang pagkamatay ng mga kaibigan niya?
Pabagsak siyang humiga sa kama niya at isinubsob ang mukha sa unan niya at doon siya umiyak.
Natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siya na baka siya na ang isunod nito at natatakot siyang harapin ang masakit na pwedeng gawin sa kaniya nito. Mula sa pagkakahiga nakarinig siya ng langitngit ng pagbukas ng pinto kaya napalingon siya doon. Natatakot man ay naglakas loob siyang lumapit doon.
Nang mabuksan niya na ay wala naman siyang nakitang kakaiba. Nilingon niya ang kanan at kaliwa pero wala. Ang tanging bumungad lang sa kaniya ang katahimikan sa labas ng kwarto niya. Siya lang ang mag-isa sa bahay nila dahil mas pinili niyang umalis na sa bahay nila Joy agad at naiwan doon ang pamilya niya.
Dahil wala siyang nakita ay hinakbang niya ang paa niya at naramdaman niyang may nasipa siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kakaibang kaba. Unti-unti niyang nilingon ang paanan niya at doon siya mas napahagulhol dahil sa nakita.
Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha ang regalong nasa sahig.
Natatakot man ay naglakas siya ng loob na buksan iyon at halos masuka siya ng makita niya ang nakalagay doon. Laman loob at na tila sariwa pa dahil sa mga dugong bumabalot dito. Nabitawan niya agad regalo at hindi niya napigilan mapaupo dahil sa panghihina ng mga tuhod niya.Nahagip ng mata niya ang isang papel. Kinuha niya yon at binasa.
Gusto mong malaman kung sino ako? Pumunta ka sa lugar na to. Malalaman mo kung sino ako at kung bakit ko ginagawa to. - Twinkie
Nagtataka siya dahil wala siyang nabasang lugar kung saan ang sinasabi nito at walang araw at oras. Kaya naman binaliktad niya ang papel at doon niya nakita ang hinahanap.
Natatakot man ay lalakasan niya ang loob para matapos na ang kalokohang to.
-
| Ikalimang Regalo |
Sa kabilang banda namin ay kauuwi pa lamang niya sa kanilang bahay kasama ang pamilya. Napaupo agad siya sa sofa at napahawak sa kaniyang buhok at doon napasabunot pagkatapos ay napahilamos sa mukha.
Hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung sinong paniniwalaan niya. Hindi niya alam kung dapat pa bang maniwala siya. Hindi niya alam. Basta ang alam niya lang wala na siyang takas sa regalo ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
Anim na Regalo | COMPLETED
Mystery / ThrillerPeople love to receive gifts every christmas. Who wouldn't want that? But what if the gift you receive leads you to death? Will you still accept it? One group of friends, six gifts of death. How can they stop it? " Don't be scared by the monster und...