ANR 05 | ikalawang buhay

3.2K 95 13
                                    

Kabanata V : Ikalawang Buhay

" Her beautiful eyes, the reason why I suffered a lot. She's now going to die and her eyes will be mine" - Twinkie

Cessa's POV

Paikot-ikot ako sa kama ko dahil sa takot na hindi ko maintindihan kung ba't muli kong naramdaman. Pakiramdam ko ngayon na yung oras ko.


Sana, sana walang ibigsabihin 'tong nararamdaman ko.


Huminga ako ng malamin bago tumayo ako at tumingin sa salamin.
Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang natanggap kong regalo isang buwan na rin ang nakalipas. Kinuha ko ito kahit hindi ko alam kung sinong nagbigay dahil gustong gusto ko talaga ito. Sobrang saya ko ng mga oras na yon pero kung alam ko lang na isa ito sa magiging dahilan ng kamatayan ko. Hindi ko na sana tinanggap ito.

Kung alam ko lang...

Muli naglandasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napapikit ako at dinama ang katahimikan. Kinuha ko ang sandaling 'yon para magdasal.


Tulungan niyo kong mabuhay. Ilayo niyo ako sa kapahamakan.


Napamulat ako ng makarinig ako ng ingay mula sa bintana ng kwarto ko. Napalingon ako doin at nakita kong bukas ito habang lumilipad ang kurtinang nakaharang dito. Napalunok ako ng balutin ako ng kakaibang kaba ngunit pinilit ko paring lakasan ang loob ko.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa bintana para isara ito pero bago pa man ay ako makaratin ay may tumakip na saaking bibig at hinawakan ang dalawa kong kamay at mabilis niya iyong naitali.

Kung paano niya nagawa? Ay hindi ko din alam. Nabitawan ko ang hawak kong bagay na kinuha ko kanina sa drawer.

Pinilit kong magpumiglas pero masyado siyang malakas. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa panyong nasa bibig ko. Tumulo ang luha ko dahil sa takot. Pinilit kong aninagin siya pero tanging liwanag lamang ng buwan ang aking nakikita.

Gusto kong itanong kung bakit niya 'to ginagawa, pero mas iniisip ko kung ano ang gagawin niya?

Narinig kong may tinawagan siya at halos mapahagulhol ako ng marinig kong mata ko ang pupuntiryahin niya.
Tinanggal niya ang panyong na sa bibig ko pero kahit ganon hindi ko magawang sumigaw dahil alam kong hindi rin naman nila akong maririnig. Pinagsisihan kong makakapal ang pader ng kwarto kong ito dahil kahit anong sigaw ko ay hindi ako maririnig ng mga tao sa bahay. Nakasarado na rin ang bintana, isa lang ang sigurado ako.

Wala na talaga akong takas.

Hanggang dito na lang ba ang buhay? Marami pa akong pangarap. Marami pang gustong gawin kasama ang pamilya ko at mga kaibigan.

" Bakit mo ba ginagawa? " umiiyak na tanong ko

Hindi ito sumagot nanatili itong nakatingin saakin.

" Anong kasalanan namin sayo? " umiiyak na dagdag ko

"Napakaganda ng mata mo pero kasalanan niyan kung bakit naghirap ako. " malalim na boses na sambit niya, nababasa ko ang galit sa mga mata niya dahil yun lang ang tanging naaninag ko sa kaniya.

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon