ANR 02 | unang buhay

4.6K 158 54
                                    

Kabanata II : Unang Buhay

" Seeing them afraid makes
me happy " -Twinkle

Rhea's POV


Nagtungo agad kami kay Richelle ng mabalitaan namin ang nangyari sa kaniya. Naabutan namin siyang takot na takot pa rin at wala kaming ibang nagawa kundi ang damayan siya at sabihin sa kaniya na magiging ayos lang ang lahat.


"Wala ka bang nakaaway? " tanong ni Maxcel dito, nagkatinginan kaming magkakaibigan.


Hindi si Richelle ang tipo ng taong mahilig sa away. Oo, mahilig siyang magsalita ng mga bagay ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti ngunit hindi 'yon sapat para takutin siya ng ganito.


Tanging iling ang sinagot ni Richelle sa tanong nito." Ingatan mo na lang ang sarili mo, hindi biro ang bantang 'to. " sambit ni Maxcel dahilan para matigilan kaming lahat.


Hindi kami tumanggi sa sinabi nito, dahil totoo namang hindi magandang biro ang ganitong klase ng pagbabanta.


"Parang siguradong sigurado siya sa gagawin niya. " dagdag pa nito dahilan para tuluyang mamayani ang katahimikan saaming magkakaibigan.


" Mas mabuti siguro kung mananatili ka muna dito sa bahay niyo. Ni-report na ba nila tita 'to sa pulis? " tanong ko sa kaniya, nilingon ako nito bago sumagot.


"Oo." maikling sagot niya at napapabuntong-hiningang nag-iwas ng tingin saakin.


"Twinkie? Sino naman kaya ito? " tanong naman ni Lyziel dahilan para lingunin naman siya.


Twinkie?


Pamilyar saakin ang pangalan, para bang minsan ko na itong narinig hindi ko lang maalala kung saan at kung sino.


"May naalala ba kayong twinkie na nakaaway natin? " tanong naman ni Kelly, tanging pag-iling lang ang nakuha niyang sagot saamin.


" Aaminin ko, we were bully back then but it was all in the past. Hindi naman tayo umabot noon sa punto na na nanakit tayo ng tao. " mahabang pahayag nito, sumang-ayon naman ako.


" Pero sino naman ang gagawa saakin nito? " naguguluhang tanong ni Rich, ramdam na ramdam ko ang pagkalitong bumabalot sa kaniya.


"Wag kang mag-alala sigurado naman ako na safe ka dito sa bahay niyo. " pagpapakalma ko dito

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon