ANR 06 | cessa's death

2.9K 79 8
                                    

Kabanata VI : Cessa's Death

" Hindi mo alam kung kailan darating ang kamatayan. Dapat maging handa kang harapin ang katotohanan. "

Rhea's POV

Mabilis kaming nagtungo sa bahay ni Cessa at walang pakundangang pinindot ng pinindot ang doorbell. Hindi pa nagtatagal ay lumabas na ang mga mgaulang niya.

"Sino ba yan? Gabing gabi na!" galit na sigaw ng oapa ni Cessa pero wala akong oras matakot at mahiya sa kanila. Buhay na ang pinag-uusapan dito, buhay na sarili nilang anak.

" Buksan niyo po 'to tita! " sigaw ko kahit na parang nakakabastos na ay patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

Pinipigilan naman ako ng mga kaibigan ko na magwala pero hindi ako natinag. " Ano bang problema mo iha? " nagtatakang tanong saakin ng mama ni Cessa pero hindi ko ito pinansin, nagmamadal akong pumasok sa bahay nila at dumiretso sa kwarto ni Cessa.

"Aba ikaw bata ka nakakabastos ka na ah!" galit na sigaw ni gita pero wala akong oras na pansinin ang galit nila, sumunod naman ang mga magulang saakin ni Cessa habang pilit naman akong pinapakalma ng mga kaibigan kong nasa likuran ko.

Nang malapit na ako sa kwarto ni Cessa ay agad akong binalot ng kakaibang kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya naman kahit mahaba pa ang pasilyo ng bahay nila bago makarating sa kwarto niya ay tinakbo ko na 'yon. Agad naman silang sumunod saakin, naririnig ko pa ang reklamo ng mga magulang ni Cessa pero nagpatuloy pa rin ako.

Bakit ba kasi nasa dulo pa yung kwarto niya? At bakit ba kasi ang laki laki ng bahay nila?

Inis na tanong ko sa isip ko. Nang makarating ako sa mismong tapat ng pinto ay agad ko 'yong binuksan, mas lalo akong binalot ng kaba ng maramdaman kong bukas 'yon. Nang tuluyan ko na itong buksan ay sumalubong saamin ang malakas na hangin. Napatingin naman ako sa kurtinang nililipad, agad akong kinutuban. Tinungo ko agad ang kama ni Cessa.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko dahil sa pagkagulat saakin nasilayan. Nagsimula mangilid ang luha ko at kasabay non ay ang panghihina ng mga tuhod ko dahilan para nanghihina akong napaupo.

Ang kaninang ingay na puno ng sermon ng mga magulang ni Cessa dahil sa pagpipigil saakin ay napalitan ng mga hikbi naming lahat.

Kalunos-lunos ang ginawa niya kay Cessa, demonyo lang ang kayang gumawa ng ganitong klase ng bagay. Wala siyang pakundangan kung pumatay. Akala mo Diyos siya para bumawi ng buhay.

Anong karapatan niyang ilagay sa sarili niya mga kamay ang mga buhay namin? Sino ba siya?

Pilit kong inintindi kung bakit nangyayari 'to saamin pero walang pumapasok sa isip ko kundi ang katotohanang nawalan na naman ako ng kaibigan.

Bakit kailangan humantong sa ganito ang lahat?

Dalawang buhay ang nawala ng wala kaming nagagawa. Nakakapanghina na kakatapos lang namin magluksa ay may bago na naman kaming pagluluksaan.

Nagulat ako ng pinilit akong itayo ni tita at galit akong tiningnan. " Can you explain this to me?! Sinong gumawa nito sa anak ko?! Wala siyang puso! " sigaw nito at habang umiiyak, tanging pag-iling lang ang nagawa ko.

Anim na Regalo |  COMPLETED  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon