In Your Eyes

60K 404 3
                                    

CHAPTER 1

In your eyes, I saw Forever.

EEEEK!

Dramatic effect pag may time!

Ako nga pala si Dennise Michelle Garcia Lazaro. Mabait, maganda, sweet, cute, at elegant. Isa akong incoming First Year BS Biology Student sa Ateneo de Manila University. Hindi ako katangkaran pero ayos lang, mahal ko naman ang aking height!

Tama nga ang sabi nila, College is not what you expect to be. Pagkapasok mo ng campus ang daming tao, tapos makikita mo na grupo pa sila. Samantalang ako na Freshman, walang kasama. Mahirap pala pag wala kang kakilala, may mga taong tumitingin sayo habang naglalakad ka... Parasite lang? Haha! Oh well, ganun siguro... First day palang naman. So far, maganda naman ang takbo ng araw ko ngayon.

Oops, nagtatawag ng pagkain ang tiyan ko buti nalang at may Canteen dito.

**

Sobrang nakakabusog yung kinain ko. Okay naman pala pagkain dito sa Canteen, masarap talaga lalo na yung Adobo nila. Since may 1 hour pa ako, basa muna ng libro.

Habang nagbabasa ako ay may natapunan ng tubig sa harapan ko, itong si natapunan naman ay nagalit dun sa nagtapon, agad kong binaba ang aking libro. Isang babaeng maliit ang nakayuko ang ulo matapos tapunan ang babaeng matangkad. Lahat ng tao nakatingin sa kanila.

"Ano ba! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?" Sigaw nung natapunan.

Grabe naman siya, hindi manlang naawa dun sa babae. Humihingi na nga ng paumanhin sakanya.

"Ate, sorry po... Hindi ko sinasadya." Sabi nung nagtapon.

Ayoko sa lahat ay makakita ng taong inaapi, kahit siya pa yung mali. Sige, sabihin na nating mali yung nagtapon pero yung ipagsigawan ng tinapunan ang ginawa niya? Immaturity.

"Ate, ako na po bahala dito." Sabi ko dun sa babaeng nagtapon, pumunta siya sa likod ko at ako naman ang humarap dun sa babae. "Mawalang galang lang po, hindi ba't mali ang ipangalandakan sa harap ng ibang tao ang nagawang pagkakamali ng isang tao sayo? Napakaliit na bagay pinapalaki mo pa. Humihingi na ng tawad sayo si Ate pero napakamarahas mong ipahiya siya dito sa Canteen."

Tumingin lang naman yung natapunan sakin tapos tinawanan ako, yung kasama niya eh tahimik lang. "Pfft! Ikaw ba kaibigan ng maliit na yan? Pagsabihan mo naman na wag mag tanga-tangahan! Siya na nga nagtapon tapos ako paaawin mo dyan? Leche!" Galit niyang sabi. Marahas talaga itong babaeng 'to. Mapipilitan talaga akong magsalita, bastos!

"Hindi siya tanga! Hindi nga niya sinadya, malay ba niya may matatapunan siya. Sana manlang nagexcuse ka, hindi yung magrereklamo ka dyan kala mo naman kung sino kang Donya dito! Pareho lang tayong estudyante!" Sobrang naiinis na ako sa babaeng yun, tinignan ko ang ID niya at muling nagsalita. "Freshman ka din pala tulad ko, kung makaasta ka naman. Binibigyan mo ng kahihiyan ang Batch natin!" Diniin ko talaga bawat katatagang sinasabi ko sakanya para bumaon sa kukute niyang maliit.

Biglang narinig ko ang hiyawan ng ibang tao dito sa Canteen, mukhang pumapanig sila sakin. Buti nga sayo, ateng nagmamaganda!

"Che! Mamahalin itong damit ko para lang mabasaan! Ikaw, bigla ka nalang umepal dito samantalang yung maliit na nasa likod mo ang kausap ko!" Reklamo niya sakin. Aba'y matinde!

"Alam mo ba? Iyang damit mo, kaya mo naman palitan yan! Mukhang mayaman ka naman! Second, hindi ako epal sadyang ayokong may taong sinasaktan ng iba kahit ito'y may kasalanan! Pwede naman idaan sa matinong usapan, bakit sinigawan mo si Ate?" Panenermon ko sakanya.

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon