DENNISE'S POV
Nakita kong may ginagawa si Alyssa pagpasok ko. Masipag din pala itong babae na 'to, nakakapanibago naman makakita ng isang mayabang na mukhang lalakeng umasta na gagawa ng kanyang requirements.
"Sipag natin dyan." Sabi ko, biglang sinamaan ako ng tingin. Wooh, I am so... Scared. Charot! "Bakit gagawa ka lang kung kailan Lunes na bukas? Hindi ba dapat advanced yan para wala kang i-cacram?" Tanong ko sakanya, hindi manlang ako pinansin. Habang naglalakad ako pabalik ng kama ay sinilip ko ang kanyang ginagawa, Physics siguro. Mukhang nahihirapan din kasi panay pindot ng numero sa calculator habang puro scratch papers ang kumakalat sa tabi nito.
Pansin ko ang pagikot ng ulo niya kaya umatras ako at nagbasa nalang ng The Fault In Our Stars. Habang nagbabasa ako ay may tumamang papel na ginawang hugis bola, pagtingin ko kay Alyssa ay nakatawa ito sakin. "Ate!" Sigaw ko, ayun tumahimik tapos nagsosolve ulit.
Biglang binuksan ang pintuan, si Ate Dzi. "May nangyayari nanaman?" Seryoso niyang tanong.
"Wala po." Sagot ko.
"Naks naman Alyssa, first time." Rinig kong asar niya kay Alyssa.
"Ate Dzi naman." Sabi ni Alyssa at tumawa lang si Ate Dzi, halatang hindi makapaniwala... Kahit sino naman sa Fab 5 magugulat pag nakitang gumagawa ng ibang bagay si Alyssa at hindi nambubwisit sakin.
"Den, kapag umandar ulit sumbong mo agad." Ngiting sabi niya sakin at tumango ako tapos sinara niya ang pintuan.
"Bwisit!" Rinig kong sigaw ni Alyssa, tumingin ako at kinakamot niya ang sariling ulo. Nagsmirk ako at bumalik ulit sa pagbabasa.
Inisip ko na baka hirap siyang sumagot sakanyang sinosolve, binaba ako ang aking libro tapos bumangon para lapitan ang kama niya. Dahil walang kwenta lagi ang sagot sakin kapag nagtanong ako, kusa kong hinablot ang kanyang papel tapos umupo saking kama sabay kuha ng ballpen. I see, Physics nga talaga ang sinasagutan.
"Akin na yan!" Sabi niya sakin pero ngumiti lang ako. "Ano ba! Akin na yan!" Pagpipilit niya habang lumalakad palapit.
Bago maabot ng kanyang kamay ang papel ay tinapat ko ang aking kamay sa mukha niya, "Hirap ka atang sumagot, ako na bahala dito." Sabi ko at napilitan ang galit ng pakagulat. Naawa lang naman ako, ang daming scratch paper sa kama niya, baka abutin ng umaga kakasolve. Pagkabalik ni Alyssa sakanyang kama at umupo, sinagutan ko na ang kanyang homework ng matahimik.
Nabasag ang katahimikan nang tanungin ako, "Bakit mo ginagawa yan? Homework ko yan eh." Sabi niya sakin.
Tumigil ako pansamantala sa pagsasagot at tinignan siya, "Alyssa Caymo Valdez, kahit ganito ako kagalit sayo ay may awa parin ako." Tanging sagot ko at sinagutan ulit ang assignment niya. "Pero galit parin ako." Pahabol ko.
"Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko." Iritado niyang sabi.
Hindi na ako sumagot, natapos kong sagutin ang Physics in 30 minutes. Binigay ko agad sakanya tapos bumalik sa kama para magbasa ulit. Hindi ko hinintay ang kanyang "thank you", wala naman sa itsura niya ang magpasalamat.
"Thank you."
Napatingin ako sakanya at nakatingin din siya sakin. "Ha?" Kunwari hindi ko narinig, marunong din pala magpasalamat, may good manners din pala. Hindi! Baka kasi dahil ako ang gumawa ng homework niya.
Umiling siya sakin, "Thank you." Seryoso niyang sinabi at nagsmirk nalang ako.
**
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanfictionDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...