SPECIAL CHAPTER

20.8K 318 25
                                    

TWO YEARS LATER



"Denden!" Sigaw ni Alyssa habang pilit i-balanse ang sarili sa skateboard, tinuturuan kasi siya ni Denden at hanggang ngayon at sumesemplang parin siya.

Saktong pagtingin ni Denden ay nawala ulit sa balanse si Alyssa at tuluyang natumba. Tumakbo naman siya palapit at tinulungan tumayo ang isa, "Hindi naman kasi maayos ang posture mo." Sabi ni Den at kumunot ang noo ni Alyssa.

"Ilang beses ko na sinubukan, ganun din!" Giit ni Alyssa, tumawa lang si Denden sa kanya, "Hindi ako tulad mo na mahilig sa ganitong Sports!"

Inakbayan naman siya ni Denden, "Babe, lahat ng Skaters ay dumaan sa ganyan. Ganyan din ako nung una pero pinush ko lang ang sarili ko, ayun." Hinawakan naman niya ang makabilang pisngi nito, "It's fun, trust me."

Bago lang nila pinagdiwang ang kanilang 4th Anniversary, isang taon na silang Graduate mula Ateneo. Si Alyssa ay sumabak sa PSL kamakailan matapos ang Season 78 habang si Denden ay nagpatuloy sa kanyang Medicine, halos lahat din ng kasama nila sa Lady Eagles ay umakyat ng PSL maliban sa sumunod na Batches na hanggang ngayon ay maglalaro parin sa Ateneo.

Nandito sila ngayon sa Ateneo para gumala, binisita rin ng Batch nila Alyssa ang kasalukuyang Players pagkatapos nun ay inaya ni Den na mag-skate si Alyssa.

"Sige na nga, try ko ulit. Sabi mo 'yan." Ngiting tugon ni Alyssa at tinapak muli ang paa sa skate board.

Pinanuod lang siya ni Den na gawin ang tamang ayos at galaw, ilang beses pa muli pumalpak si Alyssa at kasabay nun ang pagkuha niya sa tamang galaw nito. Hanggang sa hindi na siya natumba at kaya na niyang mag-skate sa malayong distansya, tuwang-tuwang pinanuod siya ni Denden na gawin 'yun.

"I told you!"

"Malakas ka sakin eh!" Ganti ni Alyssa at kinuha ang skateboard tapos lumapit kay Denden, "Ikaw na Mentor ko dito." Biro niya at pinalo siya ng dalaga.

"Mentor? Buti sana kung kaya ko. Haha!"

"Bakit hindi ka nalang nag-skate? Galing mo kaya." Tanong ni Alyssa.

"Hobby ko lang kasi 'yan at Volleyball talaga ang akin." Paliwanag ni Denden.






"Hello!" Bati ng iba nilang kasama, napatingin ang dalawa sa mga 'to. Ngumiti sila nang makitang magka-akbay si Jia at Mich tapos si Mae at Ella.

"Tapos na training niyo?" Tanong ni Alyssa at tumango si Mich, siya ang Team Captain ngayon.

Tinignan ni Mich ang hawak ni Alyssa, "Skateboarder ka na, Ate?" Tanong niya.

"Hindi, tinuruan lang ako nito." Sabi niya tapos tinuro si Denden.

"Baka magulat nalang kami at nasa Xtreme Sports ka na! Hahaha!" Asar ni Ella.

"Kahit saan 'yan, pwede!" Dagdag pa ni Mae.

"Parang Mang Tomas kasi! All Around! Hahahahahaha!" Natatawang asar ni Jia at humagalpak sila sa tawa, "Joke lang, Ate." Sabi niya tapos nag-peace sign.

"Nahawa ka na kay Ate Ella." Sabat ni Mich at tumawa.

"Lahat 'yata tayo, nahawa sa kanya." Sabat ni Denden.

"Huwag nga kayo! Favorite niyo kasi ako." Sabi ni Ella tapos kumindat, piningot ni Mae ang tenga nito.

"Bawal sila na maging favorite ka, ako lang." Mala-selosang sambit ni Mae at natawa ang lahat, namula si Ella at niyakap si Mae sa kanyang bewang.

"Selos agad! Tara, kain tayo... Gutom na ako." Sabi ni Ella.

"As always!" Sabay na sinabi ng lima maliban kay Ella.

Kumain sila sa isang Restaurant at umuwi din sa Dorm sina Mich at Jia pagkatapos ng maikling kwentuhan. Nag-usap din saglit ang natirang apat bago maghiwalay sa parking lot, malayo-layo pa kasi ang tirahan ni Ella at Mae kina Den at Alyssa. Pagkauwi ni Denden at Alyssa sa bahay, umupo sila sa sofa dahil sa sobrang pagod.

"Masakit ang katawan mo?" Tanong ni Den nang mapansing hinihilot ni Alyssa ang balikat at paa niya dahil sa Skating kanina.

"Oo, mawawala lang 'yan. Ganun naman siguro kapag first time." Madaling tanggi ni Alyssa, na-inda naman ni Alyssa ang sakit kaya hindi ito nagalala.

"Mas sasakit 'yan bukas."

"Hayaan mo na." Giit ni Alyssa at walang ginawa si Den kundi yakapin 'to. "Alalang-alala nanaman ang Doktora ko."

"Matigas ka kasi pag may injury ka or sakit, pinipilit mo kahit hindi kaya ng katawan mo. Buti nga never ka naka-experience ng mga malalang injuries." Sabi ni Denden na may pagalala.

"Kung kinakailangan naman talaga, gagawin ko." Paliwanag ni Alyssa at hinalikan si Denden sa pisngi, "Parang ikaw, hindi kita i-gigive up kahit may mga ayaw satin. Wala silang karapatang guluhin tayo, i-paglalaban kita hanggang sa dulo."

"I don't care about them, mas tumatag kaya tayo tsaka marami din sumusuporta satin like our friends and family."

"Uhum, kaya..." Tumigil muna si Alyssa at ngumiti, tapos kinuha ang maliit na box sa table. "Pwede na ba?" Tanong niya nang buksan ang laman na may kumikinang na singsing sa loob.

Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mukha ni Denden na may gulat, tinignan niya muna iyon bago halikan sa pisngi ang nobya. Kinuha ni Alyssa ang singsing tapos sinuot sa daliri ni Denden.

"Looks like we're flying to New York soon."

"Kahit bukas pa nga. I'm going to marry you, Ly."

Nginitian siya ni Alyssa at niyakap ng mahigpit, nanatili sila sa sala bago umakyat sa taas para matulog ng may ngiti sa kanilang mukha.

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon