Chapter 25

15.9K 268 5
                                    

"ANO BANG KINAIN MO AT NAGLOKO KA?!"

Nagulat si Tasha at Mae sa sigaw na mula pa sa baba, imbis na magpatuloy ang usapan sa problema ni Mae ay sumugod agad sila sa baba. Pagkababa nila ay nandun lahat ng girls at si Greta na yuko ang ulo at parang umiiyak dahil sa panginginig ng katawan nito.

Si Dzi ay nakatayo sa harapan ni Greta at galit ang makikita sa kanyang mukha, si Fille ay nasa tabi ni Dzi at hinawakan ang braso nito na umaastang sasapak. Ang iba ay nanunuod sa buong kaganapan.

"Sorry." Matipid na sagot ni Greta, lumuhod siya sa harapan nila Dzi at tumingin sa kanila ng lumuluha. Tumingin naman siya kay Fille na hindi siya tinitignan at hinawakan ang kamay pero pumiglas lang, "Fille." Humihikbi niyang sambit, nilakasan niya ng konti ang tawag para marinig subalit nagbibingian si Fille.

Nanatili silang ganun hanggang sa magsalita din si Fille, "Tigilan mo na ako. Isang beses lang yun pero masakit." Galit niyang tinig sabay turo sa kanyang puso.

Tumayo si Greta at lumapit kay Fille tapos tinignan siya ng nangingiusap sa mata, "Second chance, I swear." Itinaas niya ang kanang kamay ng pasumpa, "Alam kong hindi na mababawi ang nangyari. Kahit ligawan kita ng matagal ulit, bumalik ka lang sakin..." Hinawakan niya ang kamay ni Fille at hindi ito pumiglas ngayon pero kita parin ang hinanakit sa kanyang mata, wala din itong reaksyon sa mukha.

"Fille." Tawag ni Jem tapos sumenyas na pagbigyan mo na, lagot naman yan kapag sumuway ulit. Binitawan ni Fille ang kamay ni Greta, "Isa lang." Tanging sambit ni Jem at nakuha ni Fille ang ibig sabihin pero tumango siya ng hindi pagpayag sa gusto.

"Che, isang chance para kay Greta." Biglang singit ni Sarah at napatingin sa kanya ang lahat, natawa lang siya. "Bakit? Isang beses lang yun, magbabago yan si Greta. Promise." Buong tiwalang sabi niya at ngumiti si Greta ng pasalamat tapos tinanguan siya.

Bumalik ang atensyon kay Fille na walang pinagbago ang mukha, "Wala akong maipapangako, gusto ko sakin manggagaling ang desisyon. Hayaan mo muna ako, pero break parin tayo." Kalmado niyang sabi na bumigay ng pagasa para kay Greta, tumingin siya saglit sa kanya tapos umakyat sa taas.

"O, tumino ka na." Sabi ni A tapos tinapik ang balikat, "Sayang halos dalawang taon."

"Sorry guys." Sabi ni Greta at tumingin sa lahat, "Gaga ako, hindi pa sapat yung paninigaw sakin ni Dzi. Ako yung unang sumuko, hayaan niyong makabawi ako." Pinunasan niya ang kanyang luha at pilit na ngumiti sa kanila.

"Hindi ka dapat humingi ng tawad samin at hindi mo dapat samin sinasabi yan." Sabi ni Dzi na ngayon galit parin pero kalmado na ang boses.

"I-Oo, I should have known better."

Humalukipkip si Dzi at tinignan siya ng diretso sa mata, "You always did, kaso puso lang ang pinairal mo." Ganti niya at hindi umimik si Greta dahil sa tama ng pagkasabi ni Dzi, "Nawala yung Gretchen na marunong timbangin kung tama ba ang ginagawa o hindi, bulag na Gretchen ang nandito ngayon." Patuloy niya na mas lalong nagpahiya sa isa na ngayo'y nakayuko na ang ulo.

"Dzi, tama na yan." Pigil ni Jem.

"Ayusin mo lang." Huling sabi ni Dzi kay Greta tapos umakyat sa taas, dumiretso siya sa kwarto nila Fille.

"Akyatin muna namin sila sa taas, dito ka lang muna Gretch." Sabi ni A tapos umakyat kasabay ni Jem at Sarah sa taas papunta sa kwarto nila Fille.

----------

"Ganyan si Fille, give her some time." Payo ni Mona sa kanya, umupo sila sa tabi ni Greta.

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon