Bang
Napapitlag ako sa halik ni Alyssa, agad ko siyang tinulak. "Bakit mo ako hinalikan?" Usisa kong tanong habang nakatingin sa kanyang mga mata, tinulak ko siya dahil mali ang ginawa niya.
Agad naman napukaw sa realidad si Alyssa at tinakpan ang mukha niya, umiiyak parin siya simula kanina. "Shit!" Sigaw niya sa inis tapos napasalpak sa kanyang noo, "Sorry, hindi ko sinasadya." Tulirong tuliro ang boses niya nun at ilang saglit ay mababaliw na.
Hinawakan ko naman ang kamay para tumigil siya, "Hindi ako si Den, paalala lang." Binigyan niya ako ng mapanuring tingin, alam kong hinalikan niya ako sa pag-akalang si Den ang kaharap niya.
"Mahal ko siya eh." Hikbi niyang tugon, pagtingin niya sa kanyang kanan ay bigla niya akong binitawan. "Den..." Nabalot siya ng takot na pati ako ay napatingin sa direksyon niya.
Nahiya ako nang makita si Den na tumayong ala statwa at ilang inches lamang ang layo, nakatitig siya samin na umiiyak. Sa tingin ko tama ang aking hinala, siya ay nagseselos... Hindi niya maitatago yun dahil kita sa kanyang itsura na ngayo'y mababasag na sa kaiiyak.
Sumunod na pangyayari ang tumakbo si Alyssa palapit kay Den at niyakap ito, ako naman ang nasaktan, alam ko na magkaibigan lang kami ni Alyssa subalit hindi ko maiwasang masaktan tuwing magkasama silang dalawa. Inalala ko naman sa aking sarili na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa.
Dennise
Nakayakap siya sakin ngayon at umiiyak, akala ko tatalikuran niya ako pero siya pa itong yumakap sakin. Hinayaan kong yumakap siya, mas na-guilty ako, ramdam ko na hindi niya sinadyang halikan si Bang. Sinubukan kong kumalas sa yakap pero hinigpitan niya pa lalo, heto na ulit ang bumabagabag sakin at sinasabi na hindi ko deserve ang yakap niya.
Sumabit sa isipan ko si Jeric, naalala kong pinalabas siya nina Amy kanina. Lakas loob kong pinakawalan ang sarili sa mga bisig ni Alyssa, "Hindi tama 'to." Giit ko at tumakbo ako palayo sa kanya, rinig kong sinasambit niya ang aking pangalan, nagbingian ako nun dahil ayoko siyang makitang umiiyak dahil sakin.
Alyssa
"Den! Balik ka dito! Den!" Paulit ulit kong sinigaw nang kumalas siya't tumakbo palayo, umiiyak parin siya pero hindi siya tumingin sakin. Sumigaw pa ako ng sumigaw pero hindi siya lumingon, lumuhod na lamang ako't may isang kamay na pumatong sa balikat ko, "Bang." Iyak kong sabi at inalalayan niya akong tumayo.
"Umuwi ka na, wag ka ng babalik sa loob." Pilit niya at hindi ako gumalaw, gusto ko pa mag-stay dito. Tinignan niya ako na sinasabing wag na matigas ang ulo, sumunod nalang ako kesa magkagulo sa loob ng Dugout.
Hinatid ako ni Bang diretso sa Dorm, dun ko naalala na iniwan ko ang aking gamit sa Arena, napasampal tuloy ako sa noo. "Yung gamit ko." Inis kong sabi, hindi naman siya nagsalita pero nakatingin siya sakin. Ang tanga ko na nga tapos iiwanan ko pa gamit ko, mas lalo kong ikinahiya ang aking sarili.
"Wag na tayong bumalik, sila na bahala dyan. Sabihan ko si Ella, bumaba ka na't pumasok sa loob. Magpahinga ka." Parang Nanay na utos niya sakin, wala akong sinabi at bumaba nalang ng kotse tapos pumasok sa loob ng Eliazo.
Humiga ako sa kama tapos inisip ang nangyari kanina, ito na nga ba ang sinasabi ko. Pinaniwalaan ko ang aking sarili nung una na kapag umamin ako't mag-reject siya, magiging normal lang ang kilos ko. Kabaliktaran naman ang nangyari, I was not ready for this. I turned out fooling myself, it turned out to be messy. The fact that I admitted on the wrong time and the wrong place makes it worse. I hate myself right now. I hate myself for loving her. All those memories back when we're just fine flashed and sank me in deep water instead of catching positive vibes from it.
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanfictionDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...