Chapter 22

15K 220 6
                                    

Alyssa

Lumapit siya sakin tapos tinignan ang mata ko, "Umiyak ka ba?" Natatakot niyang tinanong sakin. Huminga ako ng maluwag, wala siyang narinig!

Hindi ko siya sinagot, galit kaya ako dyan. Siya naman ang humawak sa kamay ko tapos pinisil niya ito, ang awkward pero hindi na ako nagreklamo. "Patawarin mo na ako, naiinggit kasi ako sa inyo ni Bang. Sorry pinaghigpitan kita, sanay na kasi ako na walang ibang papansin sayo maliban sakin. Sorry na please." Humihikbing pakiusap niya.

Ayan naman siya, iiyakan ako para mapatawad lang. Lumalambot ulit ang puso ko sa kanya, hindi ko siya matatakasan kapag gaganyanin niya ako. Ayokong makita siyang umiiyak lalo na pag ako ang dahilan, ang tanga ko nga talaga.

Pinahid ko ang luha niya tapos hinawakan ang pisngi, "Oo na, wag ka na umiyak." Sabi ko tapos ngumiti siya sakin. Iba parin epekto ng ngiti niya, para akong malulunod sa ganda ng ngiti kahit galing sa iyak.

"Thank you." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi. Tumitibok nanaman ng malakas ang puso ko, first time niya akong halikan sa pisngi. "Tignan natin ang stars." Aya niya at sumunod ako.

Tahimik namin tinignan ang mga bituin, magka-akbay kaming tumitingin dun. Pinikit ko ang aking mata tapos humiling na sana magkaroon ako ng lakas para umamin kay Den, at mabigyan ako ng isang sign para magawa ko na. Kahit masabi ko lang sa kanya, masaya na ako dun.

Dennise

Habang tumitingin kami sa ulap, sumusulyap din ako kay Alyssa na ngayo'y pikit ang mata. Akala ko hindi na niya ako patatawarin, parang lagi nalang kasi ganito ang set-up. Away tapos bati agad kami, ewan ko kung pagod na siya o sanay na. Feeling ko may chance na magsasawa siya sakin one day.

At takot akong dumating sa puntong yun, parang kalahati narin ng buhay ko ang mawawala.

Author: Kalahati? Hindi ba't si Jeric dapat ang kalahating yan?

Ay jusko! Ano ba 'tong iniisip ko! Jeric pa Den! May Jeric ka pa!

Let's say Alyssa is the other half aside from Jeric, ang isa sa mga dumadamay sakin pag may problema ako. Kahit iritable siyang makinig, nakikinig siya. Yung taong marunong magpatawa kahit corny. Isa sa mga dahilan kung bakit gumanda ang buhay ko, si Alyssa.

"Makatingin ka naman." Ngiting sabi niya, isa pa ang ngiti niya. Iniba ko ang aking tingin at ngumiti din. "Pasok na tayo sa loob, gabi na. Mahigpitang training pa bukas." Paalala niya, nasa Finals na kami ngayon tapos makakalaban namin ang DLSU. Tumango ako at pumasok kaming dalawa na magkaakbay parin, trip lang.

----------

Third Person

Pagkapasok nila ay nanlaki ang mata ni Ella na busy magbasa ng text ni Jovee sa cell phone, yung daanan kasi papuntang rooftop magsisimula sa kwarto nila Ella. Kunot noo niyang tinignan ang dalawang magkaakbay.

"Hep! Bati na kayo?" Tanong niya at ngumiti ang dalawa. May gad, si Alyssa umaandar nanaman ang katangahan. Isip ni Ella habang pinakita sa dalawa ang kanyang blanko na mukha, hindi naman sa ayaw niyang magbati sila, the fact na nagiging clingy agad si Den ay pinakakinaiinisan niya. Tingin niya ay magbibigay nanaman ng motibo si Den para mahulog lalo at umasa si Alyssa.

"Okay na kami, good night!" Sabi ni Alyssa at lumabas sila ng kwarto. Pangako Ella, ito na ang huling beses na magpapakatanga ako kay Den. Kailangan ko lang ng time bago umamin kay Den at tapos na. Sabi ng utak ni Alyssa nang mapansin ang mukha ni Ella na unting dismayado.

----------

Madugo ang training nila ngayon, isang araw nalang ay Game 1 na nila against La Salle. Todo paalala sa kanila ni Gorayeb na wag kalimutan na gamitin ang kanilang puso at ulo sa laro dahil malaking kalaban ang haharapin nila. Umagang umaga ay todo pawis silang lahat tapos yung iba ay halos sumusuko na, sinasabi naman ni Dzi na magtiyaga lang at wag isipin ang mahirap nilang kalaban. Gusto ni Dzi na manatili ang kanilang focus pagdating doon at iwasang madala sa sigaw ng crowd, malawakang suporta ang umaabang sa La Salle at sa Ateneo na baguhan lang sa Finals, isang barrier na agad 'to.

In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon