ALYSSA'S POV
Kakatapos lang namin ulit magtraining at kasama ko si Ella pabalik sa Dorm, ayoko pa kasi lapitan si Den dahil magtatanong yun kung bakit ako umalis kanina. Hindi naman siya nagtanong after training pero ramdam kong tumingin siya sakin kanina na may gustong sabihin or whatsoever.
"Okay ka ba?"
Tanong ni Yel, walang nakakaalam maliban saming dalawa ni Ella. Hindi ako sumagot at tumango lang ako.
Pagdating namin sa tapat ng Dorm may nakita akong box ng sapatos tapos dinikitan ng pangalan ni Den. Galing kay Jeric iyun base sa style ng handwriting. Habang tinitignan ko parang gust kong kunin tapos itapon sa malayo, hindi naman ako ganon kabastos para gawin yun. Tinapik ako ni Ella at pumasok na ako sa loob tapos umakyat sa taas.
DENNISE'S POV
Pagdating ko sa tapat ng pintuan may isang box of shoes na pinangalanan sakin, galing pa siya sa Sperry. Kinuha ko yun tapos dinala sa loob, may sulat pa sa likod ng papel.
Hello! Binili ko yan para sayo, color blue yan. I know that is your favorite color kaya pinili ko. Wear it sometime, okay? I love you! - Jeric.
Ngumiti ako tapos umakyat sa taas, binuksan ko ang box tapos tinignan ang boat shoes. Ang ganda niya talaga, sakto pa sa paa ko. He knows my size, pati mga paborito ko alam niya din. Pero ang mahal nito, binalik ko sa loob ng box ang shoes tapos nagbihis na.
Tinext ko din si Jeric after tapos nag-thank you ako sa kanya dahil sa effort. Humiga ako tapos nagbasa ng libro para sa report namin bukas.
Tumingin ako kay Ly at busy din siya, gusto ko siyang tanungin kanina pa kaso ang layo ng isip niya. Nung klase ang tahimik niya din, hindi ako kinakausap. Kakausapin ko, tipid naman ng sagot. Feel ko may hindi siya sinasabi sakin, sinara ko ang aking libro tapos lumapit sa kama niya at tumabi, nagtatype siya ngayon sa laptop at seryoso pa ng mukha niya.
"Besh."
Tumigil naman siya magtype tapos tumingin sakin, "Po?" Matamlay niyang tanong.
"May problema ka ba?"
Umiling siya, "Wala, stressed lang sa Studies."
Hindi na ako nagtanong at bumalik ako sa aking kama.
ALYSSA'S POV
Nandito ako sa Bellarmine Field para magpalamig, ilang araw na akong nagmumukmok. Si Den naman ang saya sa piling ni Jeric, hindi pa naman siya sinasagot pero pakiramdam ko na malapit na yun. Malapit na mawasak ang puso ko ng tuluyan, ngayon palang iniisip ko na ang magiging asta ko sa darating na araw na sasagutin niya si Jeric, kung paano ko tatanggapin.
Tahimik akong humiga dito at tumingin sa langit nang may tumabi sakin, tatlo sila. Amy, Yel, tapos si Ella. Hindi ko sila tinanong kung paano ako nahanap dahil lutang talaga ang isip ko this past few days.
"Sumama kami, kesa magisa kang nagdadrama dyan." Simula ni Ella.
"Kamusta ka na? Ilang araw ka ng ganyan." Sabi ni Amy.
"Wala 'to." Sabi ko.
"Imposibleng wala, problemado ka ba?" Tanong naman ni Yel.
Bumangon nalang ako tapos tinignan sila, wala akong maisagot kaya yun nalang ginawa ko. Usapan namin ni Ella na kami lang makakaalam.
"Anong tingin yan?"
"Spill mo na yan."
Ewan ko kung makakatulong ba pag sinabi ko o hindi, huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanficDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...